L O S E R Shawn's P.O.V. Nakalabas na kami ni Shanice sa campus at patuloy padin sya sa paglalakad. "Shanice." Tawag ko sa kanya pero hindi nya ako pinapansin at patuloy lang sa paghila sa akin. "Hindi kaba susunduin ng magulang mo?" Tanong ko sa kanya at huminto sya. Binatawan nya ang kamay ko at humarap sa akin. "No. They're busy tonight." Sagot nya habang nakayuko. Napalunok ako at tumingin na lang sa langit. Walang mga stars dahil umambon. Mabuti rin at wala na yung ambon. "Shawn." Tawag nya sa akin. "Bakit?" Tanong ko sa kanya habang nakatingin padin sa madilim na langit. "Look at me." Mahina nyang sabi. Dahan dahan akong tumingin sa kanya at nakita kong seryoso ang mukha nya. "I like you, Shawn Ramirez." Malakas nyang sabi. "I want you to date me." Hindi ako nakas

