L O S E R Jane's P.O.V. Nakaupo ako at nakayakap sa aking tuhod dito sa kama. Tinignan ko ang oras at malapit na mag 11 P.M. Hindi parin ako makatulog. Pagpumipikit ako ay naalala ko lang yung babaeng nakakatakot sa Caxton Academy. Kinuha ko ang kumot at nagtalukbong ako. Gusto kong buksan ang ilaw ngunit makikita lang nila mama at baka maistorbo ko pa sila. Ayoko silang pagalalahin dahil marami na silang problema ni Papa. Kinuha ko ang cellphone ko at tinignan ang phone number ni Shawn. Ite-text ko ba sya? Pakiramdam ko ay nakakaabala lang ako sa kanya. Siguro ay wag na muna dahil wala pa namang nangyayaring kakaiba. Napatingin ako sa cabinet ko nang marinig kong bumukas ito. Sht. Sino 'yon?! Hindi kaya yung babaeng nagpapakita sa akin? Papatayin nya na ba ako? Pero wala akong

