Shawn's POV
"Thank you for Buying," sabi ko sa customer at inabot ang plastic na naglalaman ng mga binili nya.
"Thanks." Sabi nito at lumabas na.
Napahikab ako sa antok na nararamdaman ko. Napatingin ako sa oras at 12 AM na. 9 PM ang pasok ko dito hanggang 3 AM. Malamang ay aantukin ako sa klase nito. Mabuti na lang at 10 Am ang pasok namin at makakatulog pa ako mamaya pag-uwi.
"Shawn, break time ka muna. Kumain ka muna baka gutom kana. Ako na muna magbabantay." Sabi ni Vincent. Ka-trabaho ko.
"Sige, salamat." Sabi ko sa kanya.
Pumwesto ako sa dulo at nagsimula nang kumain. Kailangan ko kumain ng madami dahil hindi ako naka-kain ng dinner kanina. Ginawa ko agad lahat ng homeworks at nag-aral ako para sa quiz bukas.
"Bakit parang gutom na gutom ka?"
Napatingin ako sa babaeng umupo sa aking harapan. Naka-suot ito ng itim na hoodie at nakababa ang mahabang buhok.
"Anong ginagawa mo dito?" Tanong ko.
"Masama bang pumunta rito? Bumili lang ako ng gatas." Sabi ni Shanice at tinaas ang hawak na fresh milk.
Hindi ko na sya sinagot at pinagpatuloy ko na lang ang pagkain ko. Tahimik lang din sya na umiinom ng gatas at nagcecellphone. Nakita ko ang pagflash ng kanyang phone kaya napa-tingin ako sa kanya. Kinuhaan nya ba ako ng litrato?
"Hanggang anong oras ka dito?" Tanong nya.
"Bakit?" Tanong ko
"Ako nauna magtanong." Sabi nya at sumimangot
"3 am." Sagot ko at uminom na ng tubig dahil tapos na ako kumain ng Kanin.
"Hindi ka ba mahihirapan? Baka kulangin ka ng tulog at hindi makapagfocus sa klase." Sabi nya.
"Okay lang. Di mo kailangan maging concern sa akin." Sabi ko
"Nakakainis ka." Tumayo sya at tinignan ako ng masama atsaka umalis.
"What?" Tanong ko dahil hindi ko sya maintindihan.
Hirap talaga maintindihan ang mga babae. Pa-iba iba ang mood. Nakakatakot.
Tinapon ko na kinainan ko at pagtalikod ko ay nakita ko sya. Kinuha nya ang kamay ko at pinatong rito ang maliit na gatas na nakakahon.
"Kailangan mo yan. Una na ako." Sabi nya at ngumiti sa akin bago lumabas ng 7eleven.
Napa-tingin ako sa gatas na binigay nya sa akin. Ito din ung brand ng ininom nya kanina. Bakit ang bait sakin ni Shanice?
"Woah. Girlfriend mo 'yon? Ang ganda naman." Napa-tingin ako kay Vincent na may pang-aasar ang mukha
"Hindi, classmate ko lang 'yon." Agad kong depensa sa sarili.
"Classmate lang ba yon? Binigyan ka ng gatas at nagaalala pa sayo?" Tanong nya
"Tigilan mo nga ako. Ako na dyan, bumalik ka na sa ginagawa mo kanina." Pangiiba ko ng topic at pinaalis na sya sa counter.
• • •
Naglalakad ako magisa at papasok na sa campus ng sabayan ako ni Shanice sa paglalakad.
"Kamusta?" Tanong nya "ilang oras naman ang tulog mo?" Sunod na tanong nya.
"Ayos lang." Tipid na sagot ko.
Napa-tingin ako sa paligid at nakita ang mga schoolmates namin na pinagtitinginan kami at pinaguusapan. Bakit mga berde ang aura nila? Dapat maging pula na lang dahil sobrang chismoso at chismosa nila.
"Malapit na ang foundation week. Excited na ako. Ikaw ba Mr. Treasurer?" Tanong ni Shanice.
Napa-buntong hininga naman ako. Si Shanice ang nagnominate sa akin na maging Treasurer non at napagtripan din akong iboto ng mga kaklse namin.
"Hindi." Tipid at honest na sagot ko
"Bakit?" Tanong nya at huminto sa harapan ko. "Masyado kang seryoso sa buhay, Shawn." Sabi nya.
Hindi ako nakasagot dahil totoo naman ang kanyang sinabi. Masyado nga naman akong seryoso. Hindi ba sya naboboring sa kagaya ko?
"You're still a student. Enjoyin mo lang ang buhay, Shawn." Nakangiti nyang sabi "Wag ka matakot na sumubok ng mga ibang bagay. Kaibigan mo na ako ngayon at tuturuan kita pano i-enjoy ang high school."
Kaibigan?
"Yo, Shanice." Napatingin kami kay Julius na naglalakad papalapit sa amin.
"Bakit?" Tanong ni Shanice rito.
"May meeting daw ang mga class president para sa darating na Foundation week next next week." Sabi nito.
Mas matanda si Julius ng isang taon sa amin. Sya ang class president ng G12 section 2. Hindi ko alam bat sya ang napili nilang gawing class president dahil ibang iba ang kanyang ugali.
"Ngayon na daw ba?" Tanong ni Shanice rito
"Oo. Excused naman daw tayo sa 1st subject." Naka-ngiting sabi ni Julius.
Napa-tsk na lang ako. Akala mo sinong mabait pag si Shanice ang kausap.
"Shawn, susunod na lang ako. Una kana sa classroom. Baka 2nd subject na ako makapasok," Naka-ngiting sabi ni Shaice "tsaka, pwedeng palagay na din ng bag ko sa upuan ko?" Tanong nya.
"Sige." Sabi ko at kinuha ang bag nya.
Nakita ko namang masama ang tingin sa akin ni Julius. Nginitian ko lang sya "Punta na ako sa classroom, bye." Paalam ko kay Shanice
"Byee!" Masayang sabi ni Shanice at kumaway sa akin
Ngumiti lang din ako sa kanya saglit at naglakad na papunta sa classroom. Pagpasok ko sa classroom ay naka-tingin sa akin ung iba. Siguro nagtataka sila bakit na sa akin ang bag ni Shanice. Tulad ng dati ay hindi ko na lang ito pinansin at pinatong sa desk ni Shanice ang kanyang puting bag.
Umupo na rin ako sa pwesto ko at sinubsob ang mukha. Argh. Inaantok ako. Halos limang oras lang ang tulog ko. Napatingin ako sa relo ko at nakitang may 20 mins pa bago magsimula ang klase. Pinikit ko na muna ang aking mata at natulog.
• • •
Breaktime na at hindi ko alam pano ako napilit ni Shanice na kumain sa cafeteria kasama sya.
"Ang sarap talaga ng carbonara ni Mang Vilma!" Sabi nya habang busy sa pagsubo ng carbonara
Napa-tingin ako sa mga orders nya. Isang plato ng carbonara, dalawang burger, fries, at milkshake. Pork steak at rice naman ang order ko at pineapple juice para may panulak.
"Bat hindi ka pa kumakain?" Tanong nya sa akin "Ayaw mo ba nyang rice? Akin nalang! Kung gusto mo sayo nalang tong burger ko atsaka fries." Sabi nito habang puno ang bibig ng pagkain
Ganito ba talaga sya katakaw?
"Sayo na yan. Baka kulang pa sa'yo yan eh." Sabi ko at sinimulan na ding kumain.
"Hay nako, Shawn." Sabi nya at uminom ng milkshake nya "Sabi ko sayo enjoyin natin ang buhay. Sarap kaya kumain. Kain lang nang kain hanggat kaya." Sabi nito at sinimulang kainin ung burger.
"Hindi mo naman ako kasing takaw." Sabi ko at sumubo ng kanin.
"Dapat kumain ka ng madami para tumaba ka. Ayaw mo non? Plus pogi points 'yon!" Sabi nya at sumubo ng fries
"Pogi naman na ako." Sabi ko at tinuloy ang pagkain
"Pogi ka nga pero mas popogi ka pagkinain mo 'to." Inabot nya sakin ung isang burger at ngumiti
Agad naman akong nagiwas ng tingin at uminom ng pineapple juice dahil pakiramdam ko ay nastuck sa lalamunan ung kinakain ko.
"Shanicee!" Napatingin kami sa tumawag sa kanya.
"Hannnyy!" Tawag ni Shanice dito.
Lumapit sa amin ung Hanny. Tulad ng iba ay berde ang kulay ng aura nito. Medyo maliit sya at kulay itim ang buhok nito na hanggang balikat. Itim at bilog naman ang kanyang mga mata.
"Pwede pasabay kumain? Hindi ko kasi mahanap si Jolo. Tinaguan ako." Malungkot na sabi nito at umupo sa tabi ni Shanice.
"Bakit? Nagaway nanaman kayo?" Tanong ni Shanice.
Tumango tango naman ung Hanny. "May nabasa kasi ako sa inbox nya. Loisa ata pangalan nung babae. Nag-i love you sya kay Jolo! Kaya tinatanong ko kung sino yun tapos tinataguan ako ni Jolo ngayon." Kwento nung Hanny habang umiiyak
"Sabi ko sayo iwan mo na 'yun eh." Sabi ni Shanice at hinagod ang likod ni Hanny.
"Akala ko kasi magbabago pa sya eh," sagot nung Hanny.
"Ikain na lang natin yan. Tama na iyak. Walang magandang madudulot yan sa'yo." Payo ni Shanice.
"Opo," sagot ni Hanny at pinunasan ng tissue ang kanyang luha.
"By the way, this is Shawn Ramirez." Pakilala sa akin ni Shanice kay Hanny "Shawn, this is Hanny kang."
"Hi! Sorry sa drama. I'm Hanny Kang. Nice to meet you!" Sabi ni Hanny sabay ngiti at nilahad ang kamay.
"Shawn Ramirez." Tipid na sabi ko at tinignan lang ang kamay nya.
"Ahm," ngumiti lang sya at tinuloy ang pagkain "Na-try nyo na tong oreo cheesecake? Bago lang to sa menu. Masarap naman sya." Sabi nya
• • •
Uwian na namin at magisa ako ngayon sa Cr. Nilapag ko ang salamin ko sa gilid at binuksan ang gripo. Naghilamos ako ng mukha para mawala ang antok. Malamig ang tubig at maganda ito sa pakiramdam sa mukha. Nang matapos kong basain ang aking mukha ay sinara ko na ang gripo at tinignan ang sarili sa salamin. Humahaba na pala ang itim na buhok ko. Kinuha ko ang puting towel ko sa bag at pinunasan ang aking mukha ng may maaninag ako sa likuran na naka-suot ng itim. Napa-kunot ang aking noo. Wala naman akong nakita o naramdamang pumasok. Agad kong kinuha ang salamin ko at sinuot. Lumingon ako at wala namang tao rito.
Namamalik mata lang ba ako?
Hindi ko nalang iyon pinansin at niligpit ko na ang aking mga gamit. Lumabas na ako sa CR at nakita si Shanice na nag-aantay sa akin.
"Naks! Kanino ka nagpapapogi?" Pabiro na tanong nito.
"Inborn 'to." Pagmamayabang ko.
"Talaga lang ha!" Sabi nito habang tumatawa at naglakad na kami papalabas sa Campus. "By the way, kailangan mo na magstart mangolekta ng 15 pesos araw araw sa mga kaklase natin para sa foundation week. Horror booth kasi ang pinili ko." Sabi nito.
"Bakit horror booth?" Tanong ko.
"Para masaya! Magcocostume ako ng nakakatakot. Nakakaexcite kaya!" Masaya nyang sabi. "Next week magkakaron ulit ng meeting at kasama na lahat ng officers per level, so... kasama ka sa meeting." Dugtong pa nya
"Ahh," Maikling sagot ko.
"Nagugutom kaba? Gusto mong kumain tayo? Mamaya pa naman yung start mo sa work mo diba?" Tanong nya.
"9 pm pa." Tinignan ko ang relo at 6:30 pm na. May ilang oras pa naman.
"Taraa! Sabay na tayo magdinner. Para may energy ka mamaya!" Sabi nya at hinila ako para bilisan ang lakad namin.
Nakarating kami sa isang fastfood na malapit sa aming eskwelahan. Pinaupo nya ako at sya na daw ang magoorder. Binigay ko na lang sa kanya ang bayad ko sa order ko. Habang nakaupo ay napatingin ako sa mga cashier at iba pang nagtatrabaho rito. Bakit pula ang kanilang mga aura? Nakakapagtaka dahil lahat sila ay workers dito sa fastfood.
"Eto na chicken mo," nilapag ni Shanice ang isang tray na may laman ng mga orders namin.
Kinuha ko ang order ko at ganun din sya tapos ay sinoli namin ang tray.
"Magiging busy nanaman tayo dahil sa event," sabi nya at sumubo ng kanin.
"Pwede bang magpapasok ng mga outsider ang school natin sa foundation week?" Tanong ko.
"Pinag-uusapan pa namin yan eh. May pros and cons kasi. Pag pwede outsider baka may mga magnanakaw or trouble maker nanaman ang makakapasok sa school natin tulad last year," kwento nya
Naalala ko 'yon. May nanakawan sa'min last year at may mga away na naganap. Sobrang pangit ng foundation week namin last year dahil doon. Pero matagal naman na nagpapapasok ng outsider ang school namin at last year lang nagkaganon.
"Mas malaki naman ang kikitain ng mga booths if ever na magpapasok ulit tayo ng outsider and mas makikilala ang school natin." Sabi ni Shanice at napa-tingin ako sa guard na nasa likuran nya ng maging pula nadin ang aura nito. "Pag hindi naman tayo nagpapasok, magiging safe tayo and tahimik. Yun nga lang, konti lang tayo. Sayang naman gastos and pagod ng mga ibang booths na magaganda." Dugtong nya
Napa-tingin ako sa counter at parang may nakikita akong usok galing doon.
"Kaya nagsuggest ako na higpitan ang security natin at may mga magbabantay per floor tsaka sa campus para sure na safe ang lahat." Pahina ng pahina ang boses ni Shanice para sa akin dahil naguguluhan ako.
Napa-tingin ako sa mga kumakain rito at naging pula na rin ang kanilang mga aura. Anong nangyayari?
"Hello? Shawn?" Nabalik ako sa aking sarili ng kumaway si Shanice.
"A-ahh, ano 'yon?" Tanong ko sa kanya.
"Halos hindi mo pa nababawasan ung pagkain mo." Tinuro nya ang order ko at tama sya.
"Shanice," napatayo ako ng makitang naging pula na din ang aura ni Shanice
"Hm? Bakit?" Tanong nya at humigop sa straw ng iced tea nya.
"Kailangan na natin umalis dito." Sabi ko sa kanya at sinuot ko na aking bag.
"Bakit? May gagawin ka pa ba? Sayang naman ung order natin kung di natin uubusin." Naguguluhan na sabi nya
Lumapit ako sa kanya at kinuha ang bag nya. "Anong ginagawa mo?" Tanong nya at tumayo.
Sinuot ko sa kanya ung bag at hinawakan sya sa wrist. "Ma-may ipapakita pa ako sa'yo. Kailangan na natin bilisan." Sabi ko at hinila na sya papalabas sa fastfood.
"Thank you for coming Ma'am and Sir, please come again!"
Napa-tingin ako sa guard na may edad na. Pinagbuksan nya kami ng glass door ni Shanice at ngumiti ito sa akin. "Ingat po kayo." Sabi nito
Parang may kung ano akong naramdaman sa aking puso.
"Shawn?" Tawag sakin ni Shanice.
Hindi ako sumagot at hinila na si Shanice palabas sa fastfood. Tumigil lang ako sa paglalakad ng medyo malayo na kami sa fastfood. Hindi ko magawang lumingon. Hindi ko kaya. Maraming buhay nanaman ang mawawala. Pano ang kanilang mga pamilya? Pamilya na nagaantay sa kanilang paguwi. Mga mahal nila sa buhay.
"Shawn, why are you quiet? Saan ba tayo pupunta? Anong ipapakita mo sa akin?" Tanong ni Shanice.
Napa-tingin ako sa kanya at naging berde na ang kanyang aura. Pangalawang beses ko na niligtas si Shanice ngunit wala namang nangyaring masama sa akin. Ibigsabihin ba nito.. pwede ko iligtas ang mga tao don? Pero pano ko sasabihin sa kanila na mamatay na sila? Papaniwalaan kaya nila ako?
"Shanice, kailangan ko bumalik don." Sabi ko.
"Saan?" Tanong nya
"Sa fastfood." Sabi ko at lumingon.
Nakita kong maraming tao don at masayang kumakain ang mga tao. Nakita ko rin ang guard na naka-tingin sa akin ngayon.
"Wala ng oras!" Sigaw ko at tumakbo papunta don.
"Shawn!" Sigaw ni Shanice.
Napahinto ako ng makita ang malakas na pagsabog ng Fastfood.