Agad akong tumalon sa lake. "Shanice!" Tawag ko sa kanya nang hindi ko sya makita
Sumisid ako at nakita syang nakapikit at hindi gumagalaw. Kulay berde ang kanyang aura kaya naka-hinga ako ng maluwag. Hinawakan ko sya sa wrist at hinila paahon dahil pakiramdam ko ay mawawalan na ako ng hininga.
Pagka-ahon namin galing sa ilalim ay parehas naming hinabol ang aming hininga. Tinignan ko sya at naka-tingin lang sya sa bilog at puting buwan. Basa na ang buhok nya pati ang damit nyang puti. Agad akong napa-iwas ng tingin ng makita ang itim na panloob nya.
"Shawn," Tawag nito sa aking pangalan.
"Bakit?" Tanong ko habang pinagmamasdan ang buwan.
Malamig ang tubig at pakiramdam ko ay magkakasakit ako.
"Look at me, Shawn." Mahina at malungkot ang tono ng kanyang boses.
Napa-lunok ako at dahan dahan na tinignan sya. Malungkot ang kanyang mga mata. Lumapit sya at dinikit nya ang katawan nya sakin.
"Sha-shanice.." saway ko sa kanya.
"I.. i want to forget everything. Help me, Shawn."
Nagulat ako ng ipatong nya ang kanyang labi sakin. Naramdaman ko ang malambot nyang labi. Hindi ako makagalaw dahil sa ginawa nya. Dahan dahan nya ding nilagay ang malamig nyang kamay sa aking batok. Nang magsimula syang igalaw ang kanyang labi nya ay di ko na mapigilan ang aking sarili at tinugon ko ang bawat halik nya.
• • •
"Sh*t." Napa-dilat ako at napa-bangon.
Tinignan ko ang oras at 30 minutes na lang male-late na ako sa klase. Agad akong pumasok sa cr at nagtoothbrush. Habang nagto-toothbrush ay naalala ko ang nangyari kagabi at napahawak ako sa labi ko. Tinignan ko ang sarili sa salamin at nakitang naka-ngiti ang dulo ng aking labi. Agad akong umiling at binilisan ang pagto-toothbrush.
Seriously Shawn? Kailangan ko kalimutan ung nangyari kagabi. Mali yun.
Matapos kong magbihis ay nakita kong limang minuto na lang at magsisimula na ang klase. Kinuha ko ang egg pie sa lamesa at tumakbo papunta sa school habang kumakain.
"Shawn!" Ng makapasok na ako sa gate ay narinig kong tinawag ako ni Loraine kaya huminto ako.
Hinihingal syang huminto sa tabi ko. "Sabay na tayo pumasok! Late din ako. Para sabay na tayong mapagalitan." Sabi nito. Sya ung nag bigay sakin ng apple kahapon.
"Sige." Maikling sagot ko
Ngumiti naman sya at nagsimula na kaming maglakad papunta sa classroom.
"Good morning Ma'am Wendy! Sorry late po kami." Sabi ni Loraine pag pasok namin sa classroom.
"20 minutes late kayo. Nagqu-quiz na kami. Minus 10 kayong dalawa." Sabi nito.
Napa-ngiwi na lang ako. May quiz pala. Nakalimutan ko mag review tapos minus 10 pa?
"Sorry po ulit, Ma'am." Sabi ni Loraine at tinapik ako "Pumunta kana sa pwesto mo." Sabi nya
Tumango lang ako at bumalik na kami sa pwesto namin. Napa-tingin ako kay Shanice na naka-tingin sakin. Agad akong nag-iwas ng tingin at naglabas ng papel at ballpen para sa quiz.
• • •
Lunch break na at nasa Library ako ngayon nagcocomputer. Naghahanap ako ng part time job. Kailangan ko na din matuto kumita ng pera mag-isa.
"Why are you here? Bakit hindi ka nagla-lunch?" Hindi ko nilingon si Shanice at nagfocus lang ako sa computer. "Bakit ka naghahanap ng part time job?" Tanong pa nito.
Hindi ko ito pinansin at sinave ko sa phone ko ung mga nakita ko na pwede ko pag apply-an. Kailangan ko na makahanap agad ng trabaho. Ayoko na umasa sa Papa ko.
"Sagutin mo nga ako." Umupo si Shanice sa gilid ng keyboard at nilapit ang mukha sa akin.
"Umalis ka dyan. Baka mapagalitan ka," Saway ko sa kanya at nag-iwas ng tingin.
"Bakit ayaw mo kong tignan?" Mahinahon na tanong nya
"Busy ako." Sagot ko at tumayo na.
"Really?" Tanong nya at hinawakan ang laylayan ng uniform ko kaya napa-tingin ako sa kanya.
Naka-tali ang mahaba nyang buhok ngayon at napa-tingin ako sa mapula nyang labi. Agad akong umiling
"You kissed me back last night, Shawn."
Bakit nya pa pinapaalala?
"That was a mistake." Sabi ko at tinanggal ang pagkakahawak nya sa uniform ko. "Wag mo na ako lalapitan." Dugtong ko pa at lumabas na sa Library.
Sobrang mali. Shanice is a perfect girl. Matalino, maganda, at mayaman. I can't fall inlove with her. I'm scared. Baka kung ano mangyari sa kanya pag naging malapit sya sakin katulad sa kaibigan ko noon and i'm scared na baka malaman nya ang sekreto ko at maging halimaw ako sa kanyang paningin.
• • •
"You can start working here tomorrow." Sabi ng manager ng 7eleven at nilahad ang kamay.
"Thank you, Sir." Magalang na sabi ko at nakipag kamay.
Tumayo na ako at sinuot ang bag. Sa 7eleven ang pinaka mabilis matanggap ngayon dahil hiring sila at estudyante pa lang ako at wala pang experience. Lumabas na ako sa office at naglakad pauwi.
May mga nadadaanan akong tao na pula ang aura ngunit ito'y hindi ko nalang pinapansin ngayon. Naalala ko dati, sinusubukan kong sabihan o tulungan ang mga tao na pula ang aura pero nakikita lang nila ako bilang nababaliw na tao. Simula non ay hindi ko na sinubukan pang tulungan sila. Pinapabayaan ko na lang ang mga mangyayari. Hindi ko alam kung bakit ako pa ang nagkaroon ng kakayahan na ito. Hindi ko alam kung para saan ito at ano ang gamit nito. Sinira lamang nito ang aking buhay. Isa ata tong sumpa mula sa diyos.
Ng malapit na ako sa building ng apartment ko ay may naramdaman akong sumusunod sa akin. Wala ng tao dito sa labas. Madilim ang paligid at tanging poste lamang ang nagbibigay ng liwanag sa daan. Malamig at malakas ang simoy ng hangin. Mukhang uulan.
Lumingon ako at wala akong nakita na tao o kahit hayop. Guni-guni ko lang ba 'yon? Pero sigurado ako sa mga narinig ko na hakbang. Umiling na lang ako at pumasok na sa Building. Sira parin hanggang ngayon ang elevator kaya ginamit ko na lang ang hagdan. Pagka-dating ko sa palapag ng aking tinutuluyan ay dumiretso na ako sa loob. Hindi ko na binuksan ang ilaw at humiga na lang ako sa kama at pinikit ang aking mga mata hanggang sa makatulog.
"Shawn, wag kang lalabas dito. Naiintindihan mo ba ako?" Hindi mapakaling utos ng aking Ina.
"Bakit Mama?" Tanong ko sa kanya.
Pinapasok nya ako sa malaking cabinet nila ni Papa sa kwarto nila at gusto nya akong mag-tago rito. Hindi ko alam kung ano ang nangyayari. Naka-suot na ako ng pajama at matutulog na ng bigla akong puntahan ni Mama at inutusan na magtago rito.
"Ba-basta Shawn.." hinawakan nya ako sa mukha at hinalikan sa noo "Mahal na mahal ka ni Mama, Shawn." Sabi nya at naramdaman ko ang luha nya na pumatak sa aking damit.
"Mama.." naguguluhan na sabi ko.
Bakit sya umiiyak? Asan si papa? Anong nangyayari?
Naka-rinig kami ng ingay mula sa sala. Tunog ito ng na basag. Niyakap ako ni Mama ng mahigpit at ngumiti sa akin.
"Patawad, anak." Sabi nya atsaka sinara ang cabinet.
"Stop saving your husband, Luna." Naka-rinig ako ng malalim na boses ng lalaki.
Tinulak ko ng konti ang cabinet at nakita si mama na naka-tayo habang may hawak na kutsilyo.
"Madaming inosente na ang namatay kapalit ng kanyang buhay." Sabi ng lalaki at nakita ko ito ng humakbang papalapit kay Mama.
Naka-suot ito ng itim na cloak at tago ang mukha nito dahil naka-suot ang hood nito.
"Lu-lumayo ka!" Sigaw ni Mama at humakbang pa-atras.
"Hindi iyan binigay ng Diyos para ilagtas ang mga demonyo!" Galit na sigaw ng lalaki at biglang lumutang sa ere si Mama.
"Hindi demonyo ang Asawa ko!" Umiiyak na sabi ni mama. Nabitawan nya ang kutsilyo at tumalsik ito malapit sa akin.
"Patawada, Luna. Utos ito ng nasa itaas." Sabi ng lalaki at tinaas ang kanyang kamay
Napahawak si Mama sa kanyang leeg at tila ba ito'y nawawalan na ng hininga. Lalabas na sana ako ngunit napa-tingin sakin si Mama at umiling habang umiiyak. Nababasa ko ang kanyang mata.
Huwag kang lumabas, Shawn. Pakiusap.
Yumuko ako at niyakap ang aking mga tuhod. Hindi ko mapigilan ang aking mga luha. Anong nangyayari? Papatayin nya ba si Mama? Pero bakit?
"Hindi tama ang ginawa mo." Rinig kong sabi ng lalaki at ang sunod kong narinig ay ang pagkalaglag ni Mama sa sahig.
Agad akong sumilip at nakitang naka-pikit na si mama sa sahig.
"Mama.." mahina kong sabi at lumabas sa cabinet. Kinuha ko ang kutsilyo "Anong ginawa mo kay Mama?!" Sigaw ko at isasaksak ito sa lalaki ngunit sya ay higlang naglaho.
"Patawad, bata." Rinig kong sabi nito sa likuran ko kaya agad akong lumingon.
"Sino ka?! Bakit mo pinatay ang Mama ko?!" Galit at umiiyak kong tanong sa kanya.
Hindi sya sumagot kaya agad akong tumakbo sa kanya at sinubukan ko ulit syang saksakin ngunit naglaho ulit ito at naramdaman ko ang presensya nya sa aking likod. Tinakpan nya ang aking mata gamit ang isa nyang kamay na may suot na itim na gloves. Sinubukan kong kumawala at nakaramdam ako ng mga kamay na nakahawak sa aking paahan at hita dahilan para ako ay matakot at hindi makagalaw.
"A-anong ginagawa mo?!" Takot at galit na tanong ko.
Hindi sya sumagot. Tinanggal nya ang kanyang kamay na nakapatong sa aking mata tapos ay pinatong nya ang isa nyang kamay na walang suot na gloves.
Naka-ramdan ako ng kirot sa aking ulo at pilit ko na tinatanggal ang kanyang kamay.
"Lumayo ka sakin!" Sigaw ko
Pakiramdam ko ay nabibiyak ang aking ulo sa sakit. Sigaw ako nang sigaw hanggang sa alisin nya ang kanyang kamay sa aking mata.
"Hanggang sa muli, Shawn." Mahinang sabi nito at nakarinig ako ng kulog at malakas na pagbuhos ng ulan.
Unti-unti kong dinilat ang aking mata at wala akong makita.
"Shawn!" Narinig ko ang boses ni Papa "Anong nangyari kay Luna?!" Tanong nya at hinawakan ako sa balikat
"Papa.. wala akong makita." Umiiyak na sabi ko
*Kringg*
Agad akong napa-dilat at napa-upo. Hinahabol ko ang aking hininga at naramdaman ang pagpatak ng aking luha.
"Mama.." mahina na tawag ko kay Mama
Limang taon na ang nakalipas simula ng mangyari iyon ngunit dinadalaw parin ako nito gabi-gabi at hindi ako tinitigilan. Kinuha ko ang cellphone ko at tinignan ang huling litrato namin ni Mama. Hanggang ngayon ay hindi ko parin alam kung sino ang lalaking 'yon. Hanggng ngayon ay hindi ko parin alam bakit nya pinatay si Mama at hanggang ngayon ay hindi ko parin alam kung tao ba ang lalaking iyon.
Napa-lingon ako sa bintana ng pumasok ang malakas at malamig na simoy ng hangin. Tumayo ako at sumilip rito. Wala ng tao sa labas dahil hating gabi na. Patay na rin ang ilaw sa mga bahay na natatanaw ko. Sinara ko na ang bintana at umupo sa aking kama. Mag-aaral na muna ako bago matulog ulit dahil natatakot ako na baka mapaginipan ko ulit ang pangyayaring 'yon.
• • •
"Goodbye, Sir Dominic."
Tumayo kaming lahat at nagpaalam sa aming guro.
"Goodbye, Class!" Sabi nito at sinuot ang kanyang bag "See you tomorrow. Don't forget your homeworks." Paala nya at lumabas na
"Walang uuwi sa cleaners, Kailangan nyo muna maglinis." Sabi ni Shanice na may hawak na notebook. "Shawn, Lorraine, Jristan and Rj. Kayo ang cleaners ngayon." Dugtong nya at sinara na ang kanyang notebook at nilagay sa bag. Napa-tingin pa sa akin si Shanice bago sya lumabas ng Classroom.
"Uyy, ka-group pala natin si Shawn," rinig kong sabi ni Jristan at lumapit sila sa akin ni Rj.
"Ikaw na lang maglinis ah? Medyo pagod kasi kami." Sabi ni Rj at inakbayan ako.
"Kaya mo naman maglinis mag-isa diba? Bagay naman sayo yan." Natatawang sabi ni Jristan at umupo sa lamesa ng aming guro.
"Magwawalis na ako, itapon nyo na lang ung kalat mamaya." Sabi ko at tinanggal ang pagkaka-akbay sa akin ni Rj.
"Aba'y matapang ka din e no?" Tumawa naman si Rj at tumayo sa aking harapan.
"Chill, Rj. May babae dito." Sabi ni Jristan at napa-tingin kami kay Lorraine na tahimik na pinapanood kami.
"Tigilan nyo nga si Shawn." Agad na sabi nito at lumapit sa akin "Lahat tayo cleaners dito. Hindi pwedeng wala kayong gawin." Pagpapaalala ni Lorraine
"Oh? Bat kinakampihan mo yang Loser na yan, Lorraine?" Walang gana na tanong ni Jristan at lumapit na din samin
"Gusto mo na din ba maging talunan? Hahaha!" Singit ng Rj at nagtawanan ang dalawa
"Kung hindi kayo maglilinis isusumbong ko kayo." Naka-yuko na banta ni Lorraine
"Umalis na kayo kung wala kayong balak maglinis." Sabi ko at tinignan sila ng masama
"Ay pre, may club pa tayong pupuntahan diba?" Tanong nung Rj kay Jristan.
"Oo nga pala," Sagot nito.
Sinuot nila ang kanilang mga bag at tinignan kami ni Lorraine. "Kung may gagawin man kayong kababalaghan, goodluck." Natatawang sabi nila at lumabas na
Sinipa ko ang upuan sa aking harapan dala ng aking inis na nararamdaman. Ayoko ng gulo kaya nanahimik na lang ako pero iba ata ang gusto ng dalawang iyon. Pasalamat sila at mahaba ang aking pasensya at hindi ako lumalaban.
"Sorry, Lorraine." Sabi ko kay Lorraine.
"Wag kang magsorry. Sadyang masasama lang ugali ng classmates natin. Kukuha na ako ng mop." Sabi nya
"Sige, ako na magwawalis." Sabi ko at tumango lang sya at lumabas na para hanapin ung Mop
Nagsimula na akong magwalis. May nakita akong papel sa gilid at kinuha ito. Lukot-lukot ito na nakapabilog. Binuksan ko ito at napa-kunot ang aking noo sa nabasa.
Nakasulat dito ang pangalan ni Lorraine at naka-ekis ito.
"Kanino ito?" Tanong ko