L O S E R Shanice's P.O.V. "Argh.." Rinig kong ungol ni Detective James habang nakahawak ito sa kanyang ulo na may dugo. "Good. You're awake now." Sabi ko at tinignan ang oras. 3 A.M. nakauwi na kaya si Shawn? "Shanice Reams.." Gulat na sabi ni Detective James nang makita ako na nakasuot ng itim na hoodie, mask at itim na panlalaking wig. Tinanggal ko naman ang suot kong mask at tinapon ito sa kung saan. Ngumiti ako sa kanya at pinagmasdan sya. Tinali ko sya sa isang upuan at ngayon ay nakaupo ako sa lamesa na kaharap nya. Napapalibutan kami ng mga book shelves at paintings dahil nasa office kami ni Daddy dito sa bahay. Buti na lang at tinanggap ng company ni Daddy ang resignation letter nya. Ako ang gumawa non at naniwala naman ang bobong amo ni Daddy. "Yep, that's my name." Sa

