L O S E R Shanice's P.O.V. Thursday na ngayon at 12 P.M. na. Kakatapos ko lang kumain ng lunch at nasa kusina ako ngayon. Kumuha ako ng tatlong pinggan at nilagyan ito ng kanin. Nilagyan ko din ito ng menudo at nilagay na ito sa tray. Kumuha na din ako ng tatlong tumbler at pinatong sa tray. Matapos ay binuhat ko na ang Tray at nagpunta sa study room. Tinulak ko muna ang book shelve at binuksan ang pinto. Bumaba ako at binuksan ang ilaw. Nakita ko sila Mommy and Daddy na magkatabi at mukhang pagod na pagod na si Mommy. Napansin kong pumayat sila ng konti. "Dinner time." Sabi ko sa kanila at nilapag ang tray. Hindi sila nagsasalita at nakatulala lang sila. Tinignan ko ang tinitignan nila sa gilid at nakita ang lumang family picture namin. Ngumiti naman ako at nilagay na sa harapan

