L O S E R Shawn's P.O.V. "Grabee! sobrang lamig." Sabi ni Pauline na ngayon ay balot na balot ng makapal na Jacket. "Sino ba kasing nagsabing magsuot ka ng two piece?" Tanong sa kanya ni Rj. "Sus, na-enjoy mo nga ang view magrereklamo kapa?" Nakairap na sabi ni Pauline. Nakapaikot kami ngayon sa bonfire at nagiihaw kami ni Shanice ng marshamllow dito. May dalang gitara naman si Joshua at tumutugtog ito. Sinasabayan namin sya sa pagkanta. Hindi ako makapaniwala. Sa unang pagkakataon.. na-enjoy ko ang buhay ko. Kasama ko ngayon si Shanice. Lahat ng kaklase ko ay kulay berde naman ang aura. Sobrang saya ng nararamdaman ko. Sana ay magpatuloy-tuloy na ito. "Beer oh!" Inabutan kami ni Jristan ng beer isa isa. "Isa lang?" Reklmo ni Rj. "Chill. Madami tayong extra." Sabi ni Jristan

