Shanice's P.O.V. Nandidiri ako ngayon sa aking sarili. Ayaw tumigil ng aking luha at nakayakap lang ako sa aking sarili. Tinignan ko ang aking mga kamay. Kanina pa paulit-ulit sa aking isipan ang sinabi ni Shawn sa akin. "This is too much. This is a murder, Shanice." Paulit-ulit kong naririnig ang sinabi nya. Ayaw nito mawala sa aking isipan at ayaw din tumigil ng aking luha. Hindi nya ako magawang tignan kanina dahil isa akong demonyo. Mamatay tao. Isa akong nakakadiring tao. "This is too much. This is a murder, Shanice." "Tama na!" Sigaw ko at tinakpan ang magkabilang tainga ko. Hindi ko na kaya pang marinig ang sinabi ni Shawn sa akin. Hindi nya ako tanggap at kahit kailan ay hindi nya matatanggap ang isang demonyo na kagaya ko. Tinanggal ko ang kamay ko sa aking tainga at nag
Download by scanning the QR code to get countless free stories and daily updated books


