Lumipas ang araw. Naging regular na ang routine ko. Halos nasabayan ko na si Emma sa lahat. Ako na ang gumagawa at taga consult na lamang siya. Tinatapos lang nito ang isang buwan bago umalis. Meron pa akong 15days para nakasama siya. Sabado ngayon nakukuha ko lang ng sahod kahapon, gusto kong bumawi sa anak ko.kaya ang aga kong nagising dahil balak kong ipasyal si Nate.Ito ang araw na bonding time namin mag ina. Naghanda ako ng pagkain. Pagkatapos nito pinuntahan ko siya sa kwarto tulog pero parin ito. Ang sarap pamasdan ng anak ko maamo ang mukha nito pero may bahid na lungkot ang mga mata sa tuwing tinitingnan ko ito.
Masyado na yata akong makasarili dahil hindi ko iniintindi ang anak ko. Lagi nalang siya ang nagbibigay sa akin, napabuntong hininga ako.Umupo ako sa gilid nito at hinaplos ang mukha nito. Kaya gumalaw ito.
"Anak, gising na. Kakain na". Malambing na sabi ko.
"Mama, maaga pa wala naman pong pasok"irita nito at tumagilid ito sa akin.
"I know, it's bonding time. Gagala tayo" masayang balita ko sa kanya. Dumilat ito at nagpupungos ng mat niya sabay upo. "Talaga mama. Saan po tayo pupunta.?" Galak nitong tanong.
Nawala yata ang antok ng anak ko. "Ikaw saan mo gusto?" balik kong tanong.
"Sa mall po."masayang sabi nito. Pero saglit natigilan ito. "Mama, may pera na po ba tayo?" Malungkot na taning nito sa akin.
"Yes anak. Nakasweldo na si mama at dahil unang sweldo ni mama gusto ni mama na bumawi sayo" nakangiting sabi ko.
"Yey,!"masaya ito. Yumakap siya sa akin.
Balak kong ilaan sa kanya ang unang sahod ko. Pambawi ko sa kanya dahil pati ito nagmalimos ng oras ko araw araw. Dumating kami sa mall. Dahil linggo maraming tao sa loob ng mall. Hinayaan ko siya sa mga tinuturo niya. Nakikita ko ang sobrang saya nito. Kaya hindi ako nahihiyangan sa ginastos ko dahil sulit naman. Nang napagod na ito nagyaya ng umuwi. Naglalakad kami sa pasilyo ng bigla itong tumigil.
Lumapit ito sa salamin na merong nakadisplay. Art materials at mga painting. Tinitingnan niya ang mga ito. Lumapit ako sa kanya.
"Mama look... ang ganda".hanga nito sa isang pinturang nakadisplay. Nakalarawan ang masayang bata ng naglalaro sa kalsada. Parang nasa 1990's ang pintura. Napahanga din ako sa dating ng pintura. Ngumiti ako at tumango.
"Mama, gusto ko rin ganyan" sabi nito sa akin.
Nagulat na natawa ako. May nakikitang pag intirisan ang anak ko.
"Balak mo ba maging painter pag laki mo"? tanong ko sa kanya.Mabilis itong tumango.
"Sigurado ka" paninigirado ko sa kanya.
"Opo, pwede po ba ibili mo ako ng ganyan mama?" sabay turo sa mga material art. "Sige." masayang sabi ko.
Napatingin ako sa loob ang daming tao. "Anak gusto mo ako nalang ang bibili. Pero saglit lang" suhestiyon ko sa kanya. Baka mahirapan siya sa dahil ng tao sa loob. Balak kong bumili at pumila agad para maagang makalabas.
"Sige po" wika niya.
"Pero mangako ka sa akin wag kang aalis dito. Hintayin mo si mama, Okey?" bilin ko. Tumango ito.
May tiwala naman ako sa anak ko. Masunurin ito. Pumasok ako sa loob at nakipagsiksikan. Sa haba ng pila hindi agad ako nakalabas. kaya laking gulat ko na lamang na wala na si Nate sa kinatatayuan nito. Hindi ko natingnan kanina mula sa loob. Bigla akong nagpanic attack. Ang lawak ng mall saan ko hahanapin ang anak ko. Nakita ko ang guard sa di kalayuan. Lumapit ako rito.
"Kuya may napansin po kayong bata na hanggang baywang ko ang taas? Lalaki naka blue polo? " sunod sunod na tanong ko sa guard. Umiling ang guard. Paano kung mawala ang anak ko halos malalagutan ako ng hininga sa kakaisip. Kung ano ano sa nakakatakot na pumapasok sa utak ko. Inikot ikot ko ang pasilyo. Ang dami pa namang tao. Mangiyak ngiyak na ako. Ilang minuto na ang lumipas. Bumalik ulit ako sa pinag iiwanan ko sa kanya baka sakali nandun ito. Pero bigo ako.
Biglang nag ring ang phone ko. Tiningnan ko ito. Unregistered number. Sinagot ko. "Mama," bungad sa kabilang linya.
Halos mapatalon ako sa tuwa.si Nate.. "Diyos ko anak, saan ka? kanina pa ako naghahanap sa iyo." nag alalang sabi ko.
Narinig ko itong may kausap. Tinatanong kong saan sila. May sumagot na boses lalaki sa kanya.
"Mama, dito daw po sa harap ng Starbucks". wika ng nasa kabila.
Natuwa ako sa anak ko at ang dati kaba ko biglang naglaho. Kahit papano may utak ang anak ko.
"Okey anak wag kang aalis dyan pupuntahan kita dyan"bilin ko sa kanya.
Narinig kong "okey po" ang sagot nito bago binaba ang phone. Napatakbo agad ako sa kinaruroonan niya. Nadaanan ko ito kanina. Nang malapit na ako namataan ko ito agad kaya ang bilis ng hakbang kong lumapit sa dito. "Anak, my God! Pinag alala mo si mama" mabilis na yakap ko. Kumakabog parin ang dibdib ko sa kaba.
"Mama, sorry akala ko po kasi kayo yung lumabas kanina kaya sinundan ko po ito" hinging paumanhin ng anak ko.
"Aatakihin sa nerbyos si mama wag mo ng uulitin yun,okey" bilib ko rito .
"Mama sorry po talaga" sabi nito at lumingon sa unahan.
"Mama, saglit lang po" mabilis itong lumayo at lumapit sa lalaki sa di kalayuan.
Hinawakan niya ito sa dulo ng polo nito at hinila kaya napatingin ito sa kanya.
Lumapit ako rito. "Sir thank you very much" narinig kong pasasalamat ng anak ko sa kausap nito.
"No problem, are you sure you okey?" tumango ang anak ko.
Hindi ko nakita ang mukha ng lalaki. Lumapit ako rito upang magpasalamat sa kanya sa tulong niya sa anak ko. Ngunit nagulat ako si sir James.
"Sir James. " kabadong sabi ko. At hinila si Nate sa likuran ko.
"Anya,!"gulat nito sa akin. "What are you doing here?" natutuwang tanong nito.
"Pinasyal ko lang po ang anak ko" sabi ko rito ng mataman kong inaarok ang isipan nito.
"Your son?" takang na tanong niya.
Tumango ako. Bigo ako dahil walang bahid sa mukha nito kung may naalala ito sa nakaraan niya. Tumingin ito sa gawi ni Nate. Kaya tinago ko sa Nate sa likuran ko. Napatingin ako kay Nate nag nagtataka ang mukha nito.
"Maraming salamat po sa pagtulong sa anak ko. Hindi ko po kayo akalain." nakayukong sabi ko na mahigpit ang hawak ko kay Nate na parang kukunin sa akin.
" Sorry po sa disturbo at maraming salamat po ulit sa pagtulong sa anak ko" sabi ko rito.
"No it's okey, you're son is genius" tuwang tuwa ito kay Nate. Bumaling ito sa anak ko kaya lumabas si Nate mula sa likuran ko. Napahigpit ako ng hawak sa anak ko. Pero tumabi na ito sa akin.
"Hey kiddo, what's your name?" galak nitong tanong sa anak ko.
"Nathan James Gonzales po" pakilala ng anak.
Nawala ang ngiti nito sa labi at nabahiran ng pagtataka. Nakakunot noo ulit ito at nalungkot na nakatingin sa akin. Hindi ko mabilang kung ilang beses sa isang sigundo ang pagtibok ng puso ko. Gusto kong talikuran ito.
"Nathan James" ulit nito sa akin pero may nakaukit na lungkot sa mukha nito.
"You know I always adore that name. I wish I could had a son that I'll give that name" malungkot na sabi nito.
Napakagat ako ng labi. Hindi ko na napigilan ang utak ko na bumalik sa nakaraan.
Anim na buwan ang tyan ko noon na pagkatapos namin magpa ultrasound napag alaman namin na lalaki ang magiging anak ko. Sobrang saya ni Ivan dahil sa wakas mapapangalanan niya itong Nathan James na lagi niyang sinasabi na wala pa sa isang buwan ang tyan ko na kapag lalaki ang anak niya yun ang ipapangalan niya.
Umusbong ang galit sa dibdib ko. Hindi ba ako nito natandaan o nagkukunwari lang ito. Pero posibleng ibang tao si Ivan baka kakambal niya. Maraming what ifs ang pumasok sa utak ko. Ang sakit isipin at mas lalong masakit sa dibdib.
"Sir, mawalang galang na po at aalis na po kami" diretsong sabi ko at hindi na ko na siya hinintay na sumagot ito at hinila ko si Nate palayo. Sa oras na ito gusto kong magalit, manumbat , iiyak. Bumalik na naman ang nakaraan ko. "Mama, okay Lang po ba kayo? Mali po ba ang magbigay ng name sa stranger?" Pag alalang tanong ng anak ko.
"No, it's okey anak. Masama lang ang pakiramdam ni mama." sabi ko at lumuhod ako sa kanya ng pinantayan ko ang tangkd nito.
"Sorry mama".malungkot na sabi nito at yumakap sa akin.
"Wala kang kasalanan anak. Bilib nga si mama sayo. Alam mo ang ginagwa mo. "sabi ko rito ang tinutukoy kong pagtawag nito sa akin.
"Opo. Kabisado ko po kasi number niyo"pagmamalaki naman ni Nate.Natuwa ako sa kanya. Nag antay nalang kami ng sasakyan pauwi.
Lunes. Tulad ng dati. May pasok na naman kaming mag ina. Gusto kong iwasan si James dahil nagiging awkward para sa akin tuwing magkakasama kami. Pumasok akong blanko ang utak . Nagulat lamang ako ng pumasok si Sir . Balak ko sana siyang iwasan kaso naunahan na niya ako.
"Good morning Anya, how's your son?"ito agad ang natanong niya.
Lord please sana wag naman pag intirisan ni sir James ang anak ko. Ilang ulit ko itong dinasal sa isipan ko. Natatakot ako sa posibleng mangyari baka may binabalak itong kunin ang anak ko kung sakali.
"He's fine sir"tipid kong sabi ngumiti akong pilit sa kanya.
"Can I see him" deritsong itong tanong niya.
Halos mawalan ako ng dugo sa mukha. Namalallambot ako.
Natigilan ito. "Sorry, I didn't mean. I don't know I was so engross with your son after I heard his name and also his getting into my nerves that I don't know why ang gaan ng loob ko sa kanya." sabi nito na malamlam ang mata. Naalala ko agad ang mata ni Nate ,sanay wag itong mapansin si sir James pati ang hawig ng mukha nito ang korte ng mukha ni Nate kahawig niya. Kaya pag nagsideview ito magkakamukha sila. Hindi ako nakaimik.
"Sorry. I'm talking nonsense, don't mind it" bawi nito.
Napansin yata niyang tahimik ako "Could you bring me a coffee to my office" utos nito sa akin at dumeritso ng office niya.
Natigilan ako pero agad ko ring sinunod ang utos niya. Pumasok ako sa loob dala ang isang tasang kape nilapag ko ito. Nakasandal ito sa swivel chair niya habang nakapikit. Mukhang walang tulog. Napakagat labi ako. Parang gusto kong magbuluntaryong hilutin ang sentido nito.
"How my schedule Anya?" tanong na walang ekpresyon ang mukha.
"You have no schedule today Sir but you have schedule on next week para I check ang location sa Baguio." sabi ko rito habang tinitingnan ang planner.
Tumango ito. May inaabot siya sa akin na mga documents. Aayusin ko daw ito. Pagkaabot ko ay agad akong tumalima. Inabot ako n ng tatlong oras ang pag ayos ko ng documents. Nag inat ako dahil sa tatlong oras na pag upo. Nakapikit ako habang hinahagod ang batok ko. Napakagat labi ako sa sakit nito. Inikot ikot ko ang ulo ko. Dumilat ako. Mukhang pa akong mapatalon sa kinauupuan ko ng namataan ko si sir James sa harap ng glass door niya may kausap ito pero ang mata nasa akin nakatutok. Napalunok ako ng malagkit. Umayos ako ng upo at muling humarap sa computer. Hindi na pumasok si Emma. Tinapos na ni sir Nathan ang kasunduan nila dahil natuto naman daw agad ako. May naiwan itong address sa mesa niya para akin daw. In case na may tanong ako.
Inisip ko, siguro pwede na akong magpaalam kay sir James para masundo ko ng maaga ang anak ko. Pumasok ako sa office niya para magpaalam.
"Sir, pwede na po ba akong nauna?" Paalam ko ang mata nito ay nakatutok sa computer.
"Sure" sabi nito at napatingin sa mahalin niyang relo. Saglit tumingin sa akin at ngumiti ng tipid.
Kinabukasan maaga akong pumasok. Nakakahiya sa boss ko pag makita niya akong late. Ilang minuto na rin ang agwat namin ng dumating ito. Bagong paligo. Maayos lahat napakalinis niyang tingnan lalong lalo na bagong ahit ito pero parating mukhang walang tulog.
"Good Morning sir"bati ko rito .Tumango lamang it sa akin at pumasok sa office niya.
Abala ako sa kakaayos ng documents ng biglang bumukas ang pintuan. Kasalukuyang alas dos na ng hapon bumungad ang isang magandang babae, kutis porcelana ito. At medyo matangkad ito sa akin. Ang ganda ng hubog ng pangangatawan.Nakasot ito ng 3inches stiletto at ang ganda ng tindig. Simpleng make up lang ito na bumagay sa kanya
"Good morning ma'am"bati ko rito. Matipid itong ngumiti.
"Where's your boss?' maawtoridad na tanong nito. Mukhang naman mabait pero bakas sa itsura nito my pagkastrikto. Na mas ginagalang basi sa kilos, pananamit at salita. Akmang sasagot ako pero magsalita ito agad.
"Hmm your new here" wika na nakaukap ang bisig nito sa dibdib.
"I'm Haley, Nathan's girlfriend." pakilala nito sa akin. "His here?" tanong nito ulit.
"Yes ma'am "sagot ko na sinabayan ng tango.
Tumalikod ito at pumasok sa salamin na pinto. Napitlag ako ng marinig ko ang tawag mula sa telepono na nakakonekta sa office ni sir. "Anya, please bring me a coffee" utos nito sa akin at binaba ang phone.
Napabuntong hininga ako. Tsaka tumayo. Gumawa ako ng dalawa para sa bisita ni sir. Kumatok ako bago pumasok. Namataan kong seryoso ang pag uusap nilang dalawa. Saglit itong tumigil ng lumapit ako kaya agad kong nilapag ang dala kung kape.
"Well, I just remind you honey. Pinapapunta tayong dalawa ng mom mo this weekend.You need to be there. Im so tired making up excuses with her." narining ko mula kay Ma'am Haley. Mukhang nairita na ito sa kaharap niya.
"Let me think of it" sabi lamang ni Sir James nakasandal ito sa upuan.
"Okey Hindi na ako magtatagal. I'm just passing by."tumayo na ito.
At agad na lumapit kay sir Jmaes at ginawaran ng halik sa labi. Tsaka ngumiti ito ng tipid nung ngtamana ang paningin namin. Yumuko lamang ako sa kanya. Napatingin ako kay sir James. Mukhang masakit sng ulo nito. Sumandal ito.
"Thank you Anya"tipid na sabi niya. "When my schedule to Baguio?" tanong nito sa akin na akmang tatalikod ako. Kaya bumalik ako sa kanya.
"This weekend sir?" Mahinang sagot ko.
"Damn!!" Mahinang mura nito sabay hilot ng sintido Niya.
"Uhmm.. sir if you want I can adjust your schedule." suhestiyon ko sa kanya dahil mukhang namomoblema ito. At basi sa narinig ko kanina may lakad ito.
"Yes please." sagot nito.
Alas dos na at hindi ko ito nakitang lumabas para mananghalian. Ilang beses na rin akong napagawi sa dahon ng opisina niya pero mukhang walang balak lumabas. Gusto kong tanungin ko magpapabili ng pagkain at tyak na nagugutom ito.
Nag alinlangan akong magtanong pero nananaig din ang pag alala ko sa rito. Tumayo ako at kumatok sa opisina niya. "Come on" rinig kong mula sa loob. Kabado ako habang papalapit sa kanya.
"Sir, you didn't take lunch. Gusto niyo po ba magpabili?" tanong ko sa kanya. Napatingin ito sa akin at umiling "Don't bother, I'll just finish this."
"Okey po sir" panlulumo ko.
Bumalik ako sa desk ko. Ilang minuto ang lumipas bago at lumabas ito. "I'm going out at wag mo na akong hintayin. You can go after you finish that"bilin nito at umalis na.