"Mama, hindi po ako makatulog" yakap ng anak ko mula sa likuran. Alas nuebe na ng gabi at kasalukuyang hindi pa ako tapos sa nilalabhan kong damit.
"Bakit anak?"pag alalang tanong ko rito.
"Gusto ko po ang yakap mo"sabi nito na nanatili paring nakayakap sa likuran ko.
"Itong anak ko talaga nag papalambing," biro ko sa kanya.
"I have bad dream. Iniwan mo raw ako" mas lalo pa nito hinigpitan ang yakap sa akin.
Tumigil ako sa ginagawa ko at nagpunas ng kamay.
"It's okey anak, that's only a dream okey?" niyakap ko ito at dinala sa kwarto niya.
Pinahiga ko at umupo sa gilid niya.
"Mama, kwentuhan niya naman po ako" untag nito sa akin.
"Sige, anong gusto mong kwento?"ngiting tanong ko sa kanya.
"Tungkol po kay papa. Kung ano po ang hitsura niya.?"sabi nito at mukhang excited pa.
Napalis ang ngiti ko sa labi .Hindi ako nakaimik.Nakatingin ako sa anak ko mukhang naghihintay ng kwento ko.
Napabuntong hininga ako.
"Okey. Si papa mo masayahin, malambing at mabait"panimula ko rito.
"Kasing pogi ko rin po ba?" tanong nito.
Kaya pilit akong napangiti.
"Oo, kamukha mo si papa mo."malungkot na sabi ko.
"Saan na po siya, bakit niya tayo iniwan?" dagdag na tanong nito.
Huminga ako at niyakap siya.
"Hindi ko alam anak. " tanging nasabi ko dahil may kung anong bara sa lalamunan ko.Mariin akong napapikit.
"Mama, mahal mo pa rin ba si papa?"natigilan ak sa tanong ng anak ko.
Tinitimbang ko ang sarili ko kung mahal ko pa rin ba siya?. Pero ang sagot ng utak ko. Masaya na siya sa buhay niya hindi ko na kailangan pang guluhin.
"Mama,sorry po" hinging paumanhin nito.
Nagtataka ako kaya napatingin ako sa kanya. Lalo nitong hinigpitan ang yakap sa akin.
"Don't be anak,matulog kana" sabi ko.
Nakapikit ito. Hanggang sa nilamun na rin ako ng antok ko.
*******
Nasanayan kung tuwing umaga ipinaghanda ko ng kape si sir James.
Nadatnan ko itong nakapit. Dumilat ito ng maamoy ang aroma ng kape. Napaupo ito ng tuwid.
"Thank you" tipid na sabi nito.
Buong hapon kaming nasa office. Abala si sir James sa tambak na papel sa harapan nito.
Pag uwi ko galing trabaho agad kong sinundo si Nate. Pagdating sa bahay may nakita akong babae sa labas. Si Gelyn pinsang buo ko.
Agad ko itong sinalubong.
"Gen, buti nakapasyal ka."bati ko rito.
Nakahinga ako maluwag.Alam kong may makasama na naman ako sa bahay.
"Hi, ate. pumasyal lang. " sabi nito habang buhat buhat angg malaki nitong bag.
"Mukhang napalayas ka ah"biro ko sa kanya.
"Ikaw naman parang hindi ka sanay" sabi nito habang tamatawa.
"Teka, saan na ang pogi kong pamangkin" tanong nito sabay lapag ng bag sa upuan ng nakapasok kami sa loob ng bahy.Feel at home ito sa bahay.
"Tita Gen" rinig kong tawag mula sa labas. Hangos itong tumakbo papalapit sa pinsan ko.
"Hi pogi" bati ni Gen sa anak ko.
"Kamusta pogi" galak ni Gen sa pamangkin niya.
"Ito pogi parin"?sagot ng anak ko sabay magtawanan sila. Nakangiti na lamang ako sa kanila.
"Yan ang gusto ko sayo eh. Mana sa akin" pagmamalaki naman ni Gen.
"Saan ang pasalubong ko" usisa ni Nate habang hinahaloghog ang bag ng tita niya.
"Tada!! " wika ni Gen sabay iwinagaygaway ang hawak nitong box.
"Lego!"nakanguso si Nate.
"Ayaw ko na niyan tita, gusto ko pang drawing" reklamo nito
Napatingin si Gen sa akin nag nagtaas kilay. Nagkibit balikat ako ng nakangiti sa kanya.
"Sige, pagbalik ulit ni tita" halatang disappointed ito.
"Hanggang kelan ka dito?" singit ko sa kanila.
"Two weeks"ang tamis ng ngiti nito.
"Himala, tatagal ka rito"sabi ko naman.
Ngayon lang kasi ito nakakatagal kadalasan 3days to 5days lang.
"Ayaw ko munang umuwi" sabi nito habanh inayos isa isa ang mga dala niya.
"Bakit nag away ba naman kayo ni tita?" tanong ko sa kanya.
Ganito ito pag may kaaway sa bahay nila. Sa amin natutulog. Mula pagkabata matigas na talaga ang ulo ni Gen
"Hay,naku totoo nga. Di ka naman nakasagot" tipid itong ngumiti.
******
Kinaumagahan maaga kamimg gumalak mag ina. Na iwan si Gen sa bahay.
Pag dating ko ng opisina.Wala pa ang boss ko.Bumukas ang pintuan tumambad sa akin si Ma'am Haley. Nakaeyeglasses ito. Deritso sa desk ko.
"Hi your boss is here already" tanong nito sa akin.
"Not yet ma'am" magalang na sagot ko.
Saktong dumating si sir James.
"Hi hon, " bati nito sabay halik say labi no ma'am Haley. Napayuko ako sa nakita.
"Where you've been last night?"tanong ni sir sa kanya.
"I'm with Jeremy, "
"I see. So what's up with this early?"
"I just came to see you and invite you a lunch"
"Okey.
"Okey, I need to get home.I'll be back later" paalam ni Haley at umalis na ito.
Bumaling si sir sa akin.
"Tomorrow we'll going to Baguio. Is it okay with you cause I need you to be there." bungad sir James sa akin.
"Yes sir" sabi ko sa kanya.Tamang tama ang dating ni Gen dahil may makakasama si Nate pansamantala.
" How about your son"? pag alalang tanong nito.
"It's okey sir, may magbabantay po sa kanya pinsan ko po" sagot ko rito.
"Thats good then" tipid na sabi nito at tumalikod.
Naging busy ako sa araw na ito daming documents na aayusin. Daming pinapagawa si sir. Pagdating ng uwian nauna itong lumabas.
Kinaumagahan tulad parin ng dati ang sitwasyon. Bago ako umalis kanina. Nagbilin si sir na sunduin ako kahit ayaw ko sanang ituro ang tinitirhan ko napilitan ako. Pinaliwanag ko kay Gen ang lahat. Okey lang naman sa kanya kaya walang problema.
Dala ko ang papeles na gagamitin sa pinapayos na isang building sa Baguio. Naghanda na ako ng gamit kunting damit lang ang nadala ko dahil kinabukasan uuwin din agad kami.
Namataan ko ang maitim na sasakyan paparating kaya lumabas ako.
"Sir," tawag ko rito.
Lumapit ito sa akin.
"Hi, kanina ka pa ba naghihintay? Sorry nagpagas pa ako and I took a nap. Mahaba haba ang byahe natin" seryoso nitong paliwanag.
"Not totally sir, eksakto lang po" sagot ko rito.
Nakapolo shirt ito at naka short na nakatuck in may sunglasses na nakasukbit sa bandang dibdib nito at nakasapatos.
Napalunok ako ng malagkit ang gwapo niyang tingnan sa ayos niya.
"Ivan!" nagulat ako ng nakita ko si Gen sa likuran ko.
"What!?" tanong din ni sir James. Kaya mabilis kung hinila ko si Gen.
"Cuz, meron kang hindi sinasabi?" matalim na tingin ni Gen.
"Kailangan ko ng paliwanag, Si Ivan yun diba .Anong ginagwa ng hinayupak na yan dito?" galaiti na sabi ni gen.
"Gen, relax ano ka ba" iritang sabi ko rito.
Napatingin ako sa gawi ni sir James Nakikipagtawanan ito kay Nate.
"Siya yun diba. At ano ito? Ito ba ang sinasabi mong boss. Maatim mo yan na makasama siya araw araw. "?galit na si Gen.
Napakagat labi ako.
"H-hindi yan si Ivan , siya si sir James, James Montego ang pangalan niya. Siguro magkamukha sila pero nagkakamali ka. Hindi siya yun" pagkaila ko rito kahit sa sarili ko hindi ako kumbinse sa sinasabi ko.Alam kung ayaw ako tantanan ni Gen..
"Wow!! Bilib naman ako sayo cuz, halos nabaliw baliw ka dyan sa lalaking yan, ano yan teh, sagad na sa kamomove on." galit parin ito.
Alam niyang pinagdaan ko simula nung iniwan ako ni Ivan halos ilang taon na rin bago ko natanggap ang lahat.
"Aalis na ako. Tsaka na tayo mag usap. Please take good care of Nate." paalam ko rito.
Ayaw kung makipagtalo say kanya.
Lumapit ako sa anak ko at nag paalam.
Pumasok ako sa loob ng sasakyan. Malamig ang hampas ng hangin sa balat ko.
Nayani ang ilang minutong katahimikan bago ito nagsalita.
"Is everything okay?" pag alalang tanong nito sa akin.
I nodded. At bumaling ang tingin sa daan.
"Who's Ivan?" curious na tanong nito.
Hindi ako makasagot. May kung anong bara sa lalamunan ko ng wala letra ang lumabas rito.
"Sorry, maybe he's the father of Nate" sagot nito sa sariling tanong.
Hindi ko na pinansin ito. Ang bigat sa dibdib.Yung sobrang lapit niya pero ang hirap niyang abutin.
Ilang oras din ang byahe namin at tumigil kami saglit sa Tarlac. Pareho kaming nakaramdam ng gutom kaya nagpasiyahan naming kumain saglit.
"Sorry sir about earlier" hingin paumanhin ko rito.
"No, it's okey I understand " mariin nitong sabi at ngumitibng tipid.
Sa pagkakataon ito. Parang gusto kung sabihin sa kanya ang lahat. Pero anong mapapala ko kahit sabihin ko man ay walang magbabago maliban lang na dagdag panggulo ako sa isipan niya. At paano si Nate baka mawala pa ito sa akin.
Pero pareho akong naguguilty sa kanila kay Nate at kay Ivan o mas kilala ngayong James gulong gulo ako.
"Do you have something to say Anya?" Nakakunot noo itong nakatingin sa akin.
Natigilan ako. Ilang minuti ba akong nakatitig rito. Napayuko ako.
"No sir." napakagat labi ako.
Saktong dumating ang inorder naming pagkain.
Tahimik kaming kumain .
Inalok ko sa kanya ang inorder kung vegetable salad.
"I'm don't like vegetable."tanggi nito.
May gusto akong malaman sa kanya kaya ko ito inaalok.
"Come on sir, kumakain ka nito" biro ko sa kanya.
"Nope, sorry" wika niya.
Natigilan ako at binaba ko ang mga kamay ko.
"That only veggies you eat" mahinang sabi ko. I'm felt so frustrated.
Kumuha ito ng kunti at ngunuya. Nalunok naman nito. Tumingin sa akin na may halong pagtataka.
"How'd you know that"tanong nito na matalim ang mga titig niya sa akin.
Bigla naman akong natauhan.
"Hmm.. sorry sir. I guess" kinakabahang sabi ko.
"I doubt so, first you know I don't like veggies, you know I love seafood.and this! ."mataas na boses nito.
"Have we meet before,Anya?" seryosong tanong nito sa akin.Pero matalim parin ang tingin niya sa akin
"No, sir" sabi ko rito hindi ko kayang sabayan ang mga titig niya.
"I'm starting confused." sabi nito na hindi kombinsido sa sagot ko
"Sorry sir hindi na po mauulit.Maybe napagkamalan lang po kita."nakayukong sabi ko.
Nayani ang katahimikan sa pagitan namin ng ilang minuto.
"Okey it's no big deal.Lets go" tipid na sabi nito at naunang lumabas.
Halos malagutan ako ng hininga.Buti hindi na nag usisa pa ulit. Napakagat labi ako dapat hindi ko ginawa yun.
Bumalik kami sa sasakyan. Nakakabinging katahimik ang nayani sa amin. Walang gusto magsalita pero panaka naka itong sumusulyap sa akin
Napabaling ako ng maramdam ko ang init ng kamay na dumapo sa balikat ko. Ginigising ako nito.
"We're here" mahinang sabi nito at tinanggal ang seatbelt. Hindi ko namalayan nakatulog habang nasa byahe. Napatingin ako sa orasan it's a midnight. Nag ayos muna ako at bumaba. Diretso kami sa receptionist ng hotel.Agad naman tinuro ang kwarto namin.
"Magpahinga ka muna. Bukas nalang natin pag usapan ang tungkol sa business. It's a long night. Goodnight." deritsong sabi sa akin at naunang pumasok sa kwarto niya.
Magkatapat kami ng kwarto. Pumasok ako at napaupo sa kama. Ang sobrang lambot ng kama. Pero nawala ang pagod at puyat ko. Iniisip ko ang ginagawa ko kanina. Bigla ko lang naisip na wala ng pag asa kahit manlang sana sa karapatan ng anak ko.
Tumayo ako balak kong magpahangin sa labas.Naglakadlakad ako sa Hardin. Malamig ang samyo ng hangin. Napatingin ako sa langit ang ganda ng mga nagkikislapang bituin.Na alala ko ang isla.Ilang taon na rin bago ko nilisan iyon. Humugot ako ng malalim na hininga.
Nakita ko ang bench sa unahan. Tanaw nito ang makukulay na kapaligiran mula sa baba. Matagal akong nakatingin sa baba habang yakap ang sarili ko dahil sa lamig na dampi ng hangin.
"Can't sleep?" tanong mg boses mula sa likuran ko. Saglit ko itong nilingon. Si sir James.
"Anong iniisip mo?" tanong nito sa akin.
"W-wala" na uutal na sagot ko sa kanya.
"Then why you can't sleep?" sabi nito at tumabi sa akin. Naramdaman ko ang init mula sa katawan niya dahil ilang segunda lang ang layo namin
"Nawala ang antok ko at hindi ko namalayan nakatulog ako kanina". paliwanag ko rito.
Tumawa ito ng pagak kaya napatingin ako rito. Napangiti rin ako.
"Eh, ikaw bat hindi ka pa nakatulog" bawi na tanong ko rito. Bigla itong tumahimik.
"This is me everyday. "wala sa loob na sabi niya .Kaya napakunoot noo ako.
"What do you mean? " naguguluhang tanong ko.
"Laging akong nanaginip, same as everyday.A nightmare always hunting me. "wika nito
"Like?"untag ko.
"A girl without face.?"nakangiting sabi nito ng lumingon.
Napatingin ako rito. Mataman ko siyang tinitigan.
"Like a horror?" biro ko sa kanya.
Tumawa ito. " Nope, where happy,somewhere in seashore?. I heard here laughed, We.laughed .It feels like I'm the most happiest person on earth . But I can't see her face." nagpakawala ito ng buntong hininga.
"Y-you know her?" kinakabahang tanong ko. Napaupo akong tuwid.
"A girl with no face?. Nope. It distracted into my mind."
"Can I ask you something?" pag iba ko.
" Yes, go on" sabi nito
"What if you know na may anak ka sa iba, matatangap mo ba.?" wala sa sarili kong tanong sa kanya.
"What do you mean?. If may anak ako not with Haley? paglilinaw nito.
Tumango ako.
"Maybe, it's my child. But that's impossible." He smirked.
Napakagat labi ako.Ang sakit isipin sa mismong bibig pa nito nanggaling.
"Why'd you asked?" baling nito sa akin. Bigla akong natigilan.
"Huh? N-nothing bigla ko lang naisip" napahugot hininga ako.
"I see" sabi nito at napatango.
Natahimik kami pareho. Napahigpit ang yakap ko sarili ko ng sumamyo ang malakas na hangin sa balat ko.
"It's cold, here keep this" sabi nito at ibinigay sa akin ang jacket niya hindi na ako tumanggi.Naamoy ko ang mamahalin nitong pabango.
"I'll go inside, don't stay here long. "bilin nito at tumalikod.
Kumilos ako ng dalawin ako ng antok. Tumagal ako ng 30minutes bago umakyat sa taas.