Chapter 5

2076 Words
"Anya,wake up,we're getting late" narinig kong boses mula sa labas. Napamura ako sa sarili ko. Alas 8 na hindi ako makabangon mula sa kama, sobrang init ang nararamdaman ko at mabigat ang pangangatawan ko . Napakumot ako ng makapal. Pinilit kong makabangon. At dahan dahan lumapit sa pintuan. Hirap na hirap akong pihitin ang sedura sa walang lakas at nanlalambot kung katawan. Nabuksan ko ito. Tumambad sa akin si sir James nakabihis Ito. Halos mawalan ako ng panimbang ng niluwa ko ang pintuan. Ngunit naagapan sir James mabilis niya akong nahawakan sa beywang. "Oh! Goddamn it!.What happen to you.! "mura nito. At agad akong binuhat papuntang kama. Hindi na ako tumangi. " Sorry sir" nahihiyang sabi ko rito "Sshh.. sobrang init mo."pag alalang tanong nito. Sinisipat nito ang ulo at leeg ko. Maramdaman ko ng lambot ng kamay nito mula sa balat ko. "What time did you go upstair last night., You've catched cold" irita nitong sabi. Hindi na ako sumagot. "Wait here I'll get you medicine and food" parang itong nataranta sa akin. Agad na lumapit sa telepono at narinig ko itong nag request ng gamot at pagkain. "Sir, okey lang po ako. Sorry hindi ako makakasama ngayon" nakayukong sabi ko rito. " No, just wait here" matigas na sabi nito. Bumalik ito sa kwarto nagpalit ito ng damit. Nakapolo at short ito. Hindi ko na siya pinansin dahil lalong umikot ang paningin ko. At halos lahat ng laman sa tiyan ko ay nagwawala na gusto ng lumabas. Agad akong napatakip ng bibig ko. "Hey, you're okey" pag alala nito. Hinawi nito ang buhok ko. Tinitingnan kong okey ako. "Come here, inakay ako nito papuntang banyo. Pagdating ng banyo. Nilabas ko lahat ang gusto kong ilabas. Pagkatapos noon hinang hina ako. Binalik ako nito sa higaan. Dumating ang room boy na my dalang pagkain. Ayaw ko sanang kumain kaso napilitan ako dahil nakakahiya kay sir James at kailangan ko uminon ng gamot. Nakatulog ako. Nagising akong may gumagalaw sa gilid ko. At alam kung matang nakatitig sa akin. Hindi ako dumilat. Tumagilid akong patalikod sa kanya. Pero napitlag ako ng maramdam ko ang lamig ng kamay nito na humahawi ng buhok ko at sinisipat nito ang noo ko. Hindi ko alam kong totoo o panaginip ito hanggang sa tuluyan na kong nilamon ng antok. Maghapon akong nakatulog.Dumilat akong madilim na ang paligid. Alas dyes na ng gabi. Medyo umokey na ang pakiramdam ko. Napabuntong hininga ako. Nahinayangan ako sa araw. Kung bakit pa kasi nilagnat ako. Siguro nanibago sa klima ang katawan ko kaya ganun.Napatingin ako sa cellphone ko. Ilang miscalls at text mula kina Nate at Gen. What time daw ako makakarating?Malapit na ba ako.? Agad akong nagreply na bukas pa ako makababa dahil sa nangayari sa akin. Ilang minuto akong nakaupo sa kahihintay ng reply nila. Ngunit wala ito. Bumukas ang pinto. Nagulat pa akong pumasok si sir James.Dis oras na ng gabi gising pa rin ito. " Feeling better?" pag alalang tanong nito. Tumango ako. "Do you feel hungry, gusto mo paghanda kita. I'll call a service person to take care of".sabi nito pero mataman niya akong tinititigan. Napababa ako ng tingin. "No, it's okey sir. Hindi naman po ako nagugutom eh." sabi ko sa kanya para matakasan ang asiwa sa pagitan namin. "No, the food is coming in two minutes."sabi nito habang hawak ang receiver ng telepono. Natahimik kami. "Can't sleep sir?"basag ko ng katahimikan. "Yeah",nakatingin parin ito sa gawi ko Naramdaman ko ang init ng pisngi ko. " A-girl-with-no-face" biro ko rito. He smiled. May kumatok sa pintuan. Dumating ang pagkaing inorder niya. " I feel her"sabi nito at nilapag ang pagkain sa gilid ng kama. "Who?" naguguluhang tanong ko. "A girl-with-no-face. I touch her hands in my dreams. It feels like real.Just like a dejavu. She's the puzzle that I need to complete." wala sa sarili nitong sabi. Hindi ako nakatingin sa kanya.Hina hunting ba ito ng nakaraan at alaala niya?. Napakagat labi ako. Possible kaya na ako ang babaeng yun?. Kinuha nito ang soup at isinubo sa akin tinangihan ko ito.Kinuha ko ang bowl. " Ako na po, kaya ko naman" nahihiyang sabi ko sa kanya. "No it's ok.I'm going to make sure na okey ka bukas." "Hindi ako na. Okey na ako." pagmamatigas kong sabi sabay ngiti. At kinuha ang bowl na hawak niya. Natigilan ito. "This is the first time I saw you smile" nakangiti sabi nito. Napalis ang ngiti sa labi ko. Biglang bumilis ang t***k ng puso ko. Mataman niya akong tinitingnan. Bumaba ako ng tingin tsaka nilapag ang bowl sa side bed. "Gusto ko ng matulog" sabi ko rito. Hindi ako makatingin sa gawi niya. "Okey, make sure you eat and take your medicine.Goodnight,Anya" deritsong sabi nito. Hindi na ito umimik at tumalikod.Sinundan ko ito ng tingin. ****** Kinaumagahan magaan ang pakiramdam ko. Agad akong bumangon at nag ayos. Lumabas ako ng pinto at saktong lumabas din si sir. "Good morning sir" bati ko rito. " Morning"tipid nitong sabi. Nagsabay kami sa pasilyo. Saglit na tumigil ito at dinukot ang phone May tinatawagan ito na ipinapabigay alam na pupunta na kami ng site. Bumyahe kami ng 30 minutes bago nakarating ng site. Kalahati palang ang natapos rito. Maraming trabahador ang abala sa kani kanilang gawain Sinalubong kami ng engineer at foreman. Nakipag usap dito si sir at fina follow up kung ano pang mga kailangan na mga materyales.Hindi biro ang lawak nitong building. "Anya, write all the details. I need that to my meeting presentation to the board ."marahang utos nito. "Yes sir" sabi ko inisa isa ang bawat detalye. " Hey!watch out! " narinig ko na lamang ng may biglang humablot sa akin. Napayakap ako rito.Napayuko ako at nakatutok ang ulo ko sa matigas ng dibdib nito. Ang mga kamay nasa taas ng ulo ko.Napasinghap ako ng maramdam ko ang init ng katawan nito. "Sir.sorry po"rinig kong hinging paumanhin ng isang trabahador .Mabilis itong bumaba mula sa taas. "Next time you better watch out"! sigaw ni sir. Galit ito Tinanggal nito ang kamay niya mula sa ulo ko. Hindi ako nakahuma sa gulat. "Ma'am, sorry po."nagmamakaawa ng isang lalaki na may katandaan ito. Parang doon bumalik ang ulirat ko. "Okey lang po manong. Nextime nag ingat nalang ho kayo" napabaling ako ng tingin kay sir. Masama pa rin ang tingin nito sa matanda. "Ma'am, sir sorry po talaga" hinging paumanhin nito. Tumango na lamang ako. Hindi parin tumitinag si sir kaya wala sa sarili kong hinawakan ang kamay nito at hinila palayo. Nagpatianod naman ito. Ngunit bigla itong natigilan at mabilis na binawi ang kamay niya. Pinasok nito ang hawak kung kamay sa bulsa niya.Habang ang isang kamay nito ay tinatangal ang butones ng polo nito sa dibdib. Napaliyad ito na hindi mapakali. Ilang beses siyang napalunok na may kung akong bara sa lalamunan nito na nakatalikod sa akin.Kaya mapakunot noo ako sa kinikilos niya. "I can manage" masungit na sabi nito pero hindi nakatingin sa akin at naunang umalis. Sumunod ako rito.Sinuri nito isa isa basi sa blue print.Wala naman naging problema dahil updated ito. Tinanghalian na kami nakabalik ng hotel. "Let's go, We should grab a lunch?"sabi nito. Tumango ako.Maraming kainan dito sa Baguio. Pero mas pinili namin kumain na lamang sa hotel. Wala na kaming oras dahil mahaba pa ang byahe namin pauwi. ******** Nasa kalagitnaan na kami ng byahe ng biglang nag ring ang phone ko..Si Nate. "Hello anak!" bungad ko rito. " Pauwi na," "Wag mo ng antayin si mama, malalate siya ng uwi" "Kamusta ka dyan" "You have bad dream again" derideritsong sabi ko. Napabuntong hininga ako. "Okey baby, humiga kana dyan." "Anong gusto mong kwento?"tanong ko rito. " Anak, natapos na natin yan diba.ano pang gusto mong malaman" pagsusumamo ko rito. Napatingin ako kay sir, nakatutok lang ang mga mata nito sa daan. " Yes, dito pa si mama" "Pwede iba nalang wag nalang si papa"paglalambing ko rito. " Favorite color niya?.Blue. " Hate animals. Spider. "Enough na. Natulog kana dyan." pagtigil ko sa kabilang linya. "Come on.baby, Akala ko napag usapan na natin to..sige na, bye na.Love you"at tsaka pinatay ang call. Napabaling ako ng tingin kay sir, mahigpit ang kapit nito sa manibela at nakatuon ang mga tingin nito sa kalsada. Napabuntong hininga ako. Nakatingin ako sa kalsada na nilamon na ng kadiliman. "Bakit ayaw mong ipaalam sa bata kong sino ang ama niya may karapatang ang bata"matigas na sabi ni sir sa akin. Napabaling ako rito. " Hindi ganun kadali ang sinasabi mo."madiin kung sagot sa kanya. "Why? Be brave to say to him the truth"paghahamon ni Sir James. "Hindi na niya kailangan pang malaman" "Aren't you selfish. Your child is dying to know here father" mataas ang boses nito. Kaya mapaharap ako rito. " Don't dare to judge me sir, you don't know anything." umakyat ang dulo sa ulo.Napayukom ako ng kamao sa galit. " I didn't judge you.Im just saying. It's his right to know" bigla itong huminahon. "Why should I tell here, even his father don't remember him and don't know him!" hindi ko napigilan ang luha ko sa sobrang galit ko. Hindi ito kumibo. Nangiyak ngiyak ako tumagilid ako at humarap sa gilid ng kalsada. "I'm sorry.." hinging paumanhin nito. Hindi ako sumagot Nayani ang katahimikan sa loob ng sasakyan. Maghahating gabi na ng nakarating ako ng bahay. "Thank you sir, sa paghatid. Ingat po kayo sa daan" yumukod ako at tumalikod.Ito lamang ang nasabi ko simula ng hindi kami nag imikan sa loob ng sasakyan kanina. "Anya,wait!!" tawag nito sa akin. "Won't you invite me a cup of coffee. Malayo pa ang uwian ko sa Cavite" nahihiyang sabi nito. Nag alinlangan ako. Paano kung maabutan kong makalat ang sala. Hmmpf.. bahala na. Huminga ako ng malalim bago tumango. Dahan dahan kung binuksan ang pinto at sinindihan ang ilaw. Nakakalat ang mga coloring pencil at mga papel. Naabutan kung makatulog sa sala si Nate. May hawak itong litrato. Kinuha ko ito at nilapag sa mesa. Tsaka binuhat papuntang kwarto niya. Nakatulog si Gen sa kwarto ko. Mabilis kong inayos ang mga nagkakalat sa sala. Tsaka pinaupo si sir. "Sir pasensya na po kayo sa naabutan niyo"? nahihiyang sabi ko rito. "It's okey, I don't mind" sabi nito nakatingin ito sa mga drawing ni Nate. "Wait lang po sir, ipaghanda ko po muna kayo ng kape." sabi ko at pumasok na ng kusina. Pagbalik ko sa sala dala ang coffee nakita kong nakatutok ito sa hawak niyang litrato na nilapag ko sa mesa. Mabilis kong nilapag kape at hinablot sa kanya ang litrato. Litrato ito ni Nate nong bata pa siya. Halos nalagutan ako ng hininga iba ang titig nito sa akin. Hindi ko alam kung may halong pagtataka o naguguluhan. Bumaba ako ng tingin " Saglit lang sir. " Mabilis akong tumalikod at pinasok sa kwarto ni Nate ang larawan niya. Pagbalik ko ng sala. Nakita ko itong nakatingin sa wall frame na nakasabit. Larawan namin ni Nate noon. Kinakabahan ako. Baka nag uumpisang magdududa ito. "Ehem. Lalamig na po ang coffee niyo sir"pukaw na sabi ko rito "Oh sorry" para naman itong natauhan. Sumimsim ito ng coffee. Maya Maya nagpaalam na itong umuwi. Hindi niya nakalahati ang kape. ******** "Anong oras ka umuwi kagabi?" tanong ni Gen na kagigising lang nito. Midnight na.Hindi na kita ginising " simpleng sagot ko rito "Hmm.. so anong nangyari sa inyo sa Baguio" naitrigang tanong nito. "Wala." sagot ko .Wala naman talagang nangyari eh. Mataman nito akong tinitingnan wariy pinag aralan. " Umamin ka nga Anya. Hindi ka ba nahihirap tuwing lagi kayong magkasama ni Ivan. Hindi ka ba nahahabag tuwing nakikita mo siya" seryosong tanong nito. Napatawa ako ng pagak at napalunok. " Nagpapatawa ka ba insan?. Hindi na big deal yun wag kang magaalala at tanggap ko na iyon" kaila ko pero merong parte sa puso ko na hindi ko matanggap na sanay madugtungan pa lalo na ama siya ni Nate. " Tsskk.Your transparent" nakangisi ito at tumalikod. Natigilan ako. Napailing lamang ako rito. "Pahatid si Nate mamaya ah. Kailangan ko ng pumasok."bilin ko sa pinsan ko. "Duh, excited kalang makita ang ama ng anak mo eh" sagot nito sa akin mula sa sala. "Tumigil ka na dyan Gen, marinig ni Nate." inis ko rito. Hindi na nakakatuwa ang biro niya. Narinig kung tumawa ito. Saglit akong pumasok sa kwarto ng anak ko na ang himbing pa ng tulog nito. Dinampian ko ito ng halik sa pisngi bago umalis.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD