Craig POV Akala ko ay dahil sa pagsusungit ko kay Beatrice ay iiwasan na ako ng babae. Pero doon na ito nag-opisina malapit sa loading dock kung saan ako nagtatrabaho. Higit sa lahat ay kailangan ko itong lapitan paminsan minsan dahil sa pagkakataon na kailangan nitong i-check ang mga delivery receipts. Halata ko naman na nagpapapansin sa akin si Beatrice. Pero sa dinami dami ng babaeng nahuhumaling sa akin at lantaran ang paglalandi na ginagawa ay kay Beatrice lang nagwawala ang puso ko. Natakot ako sa sarili ko na mas malalim pa sa pantasya ang nararamdaman ko sa dalagang parang anak ko na ang edad kung maaga lang ako na nakabuntis. Hindi ko naramdaman ito kahit kay Shanon na hindi hindi ko naman naging type sa unang pagkikita namin. Nahulog na lang ang loob ko sa una kong asawa. Pe

