Note: paki-skip na lang kung ayaw nang balikan ang pov ni Daddy Craig. Thanks. __Craig POV’s continuation. Hindi ko pinahalata ang pagkahumaling ko at pinakita ko ang galit sa mukha ko. Tiningnan ko ng matalim ang babae dahil hindi ko rin nagustuhan ang sinabi nitong bayaran na lang ako. Oo at alam kong ‘yon ang tama dahil nadisgrasya nila ako. Pero tila binabalik lang ng statement ni Beatrice ang mga pang-aalisputa sa akin ng pamilya ni Shanon na akala ay isa akong taong madaling magpasilaw sa pera. “Sabagay, ganyan kayong mayayaman. Akala niyo, lahat ay kayang bilhin ng pera!” Ang natatandaan ko pang sinabi ko nang panahon ng araw na ‘yon. Hindi ko maiwasan na titigan din ang mukha niya. Lalo na ang mapula niyang labi na parang ang sarap halikan. Pero mas minabuti kong sungitan na

