“Ate Krista, b-buntis ako.” Nahihiya akong sabihin sa kanya pero kailangan kong magtapat. Wala naman na akong ibang mapagsabihan na malapit sa akin bukod sa kanya. Pinapunta siya ni Daddy dito sa mansion namin para kausapin. Lihim akong nakinig kanina sa usapan nila doon sa may office ni Daddy at dinig na dinig ko kung paano pinagalitan ni Daddy si Ate Krista dahil hindi raw ako nabantayan ng maayos at hinayaan na magtrabaho ako doon sa storage. Hiyang hiya ako kay Ate Krista na pati siya ay naperwisyo dahil sa nangyari sa akin. Ang masaklap nito ay tinanggal na siya bilang Mall Manager. At ang papalit? Walang iba kung hindi ang kapatid ni Tita Amanda. Sobrang sama ng loob ko sa kinalabasan ng mga pangyayari. Mall ‘yon na idea ni Mommy at ngayon ay makakapasok na ang pamilya ni Tita Am

