“Bea! Anong ginagawa mo dito!? Anong nangyari sa’yo!?” Sobrang shock si Ate Krista na makita ako matapos kong mag-doorbell at kalampagin ang gate niya nang maraming beses.. Hindi ko na alam kung anong oras na dahil kahit tingnan ang wristwatch ko ay hindi ko na nagawa pa. Hindi siguro siya makapaniwala sa itsura ko ngayon. Hindi ko alam kung gaano na ako kapangit sa tindi ng mugto ng mata ko. Alam kong magulo pati ang buhok ko na hindi ko man lang nagawang suklayin. “Ate Krista… Si Craig…” Hindi ko na natuloy pa ang sasabihin ko dahil sa panghihina ng tuhod ko ay napasalampak na lang ako sa semento. Sinapo ng kamay ko ang mukha ko para doon umiyak. Naramdaman ko ang hawak ni Ate Krista sa balikat ko. Nang tinanggal ko ang kamay ko ay nakaluhod na siya sa akin at magka-level na ang m

