/Lily Jamira/
Dahan dahan kong iminulat ang mga mata ko. Grabe, ang sakit ng ulo ko. Ano bang ginawa ko kagabi?
Muli akong napapikit dahil pumitik talaga ang grabeng sakit sa ulo ko. May pilit akong inaabot sa side table.
Nakakapagtaka? Bakit wala ang side table ng kwarto ko? Doon na ako tuluyang nagmulat.
"NASAAN AKO?!" Inikot ko ang paningin ko sa buong kwarto. Kulay gray and white ang buong kwarto. Nakapatay ang ilaw tanging meditating light lang ang nakasindi pero tumatagos na ang sikat ng araw sa dim curtain na kulay gray rin. May nakapausok pa na aroma theraphy. Aminado naman ako nakaka-relax dito sa kwarto na 'to. Pero ang tanong nasaan ako? Sino ang nagdala sa akin dito?
"HAAAAAAAA." Napasigaw ako kasi nakapair of pajama lang ako na panlalaki. Ang laki pa nga sa'kin.
Hala? Bakit wala akong alam sa nangyari kagabi? Ano bang ginawa ko? Jusko naman Lily!
Bumaba ako ng kama at lumabas ng kwartong 'yon. Napawow ako dahil isa pala 'yong malaking condo unit. Mukha talagang lalaki ang may ari dahil sa interior design ng buong unit. May nakikita pa akong mga plaque at mga awards and throphys. Naglakad ako patungo sa kitchen. May naririnig kasi ako na parang nagluluto at boses ng lalaking kumakanta ng 'All I ask' pero syet mas maganda yata ang cover nitong naririnig kong kumakanta.
I will leave my heart at the door
I won't say a word
They've all been said before you know
So why don't we just play pretend
Like we're not scared of what's coming next
Or scared of having nothing left
Sumilip ako pagkatungo ko sa kusina. Isang nakatalikod na lalaki ang nagpi-prito ng bacon ang egg.
Syet! Topless habang naka apron!
Ang ganda ng pagkabroad ng likod niya. Nakatulos lang ako sa kinatatayuan ko kasi nga pinapakinggan ko lang siyang kumanta. Napakaganda ng acapela.
Look, don't get me wrong
I know there is no tomorrow
All I ask is...
Naaamoy ko lang ang niluluto niya. Napakabuttery ng amoy ng buong kusina tapos ay sumasabay pa masculine scent niya. Halatang napakalinis niya sa bahay dahil may robitic vacuum siya na umiikot ngayon sa buong unit.
Lumingon siya. Nanlaki ang mga mata ko ng makilala siya.
"Good morning." He beamed. Gusto kong mahimatay. Paano ako napunta sa unit niya?!
"ZYRUS DENZEL!" Nangiti lang siya at muling tumalikod upang ihango ang mga niluluto niya. Itinuloy niya ang pagkanta.
If this is my last night with you
Hold me like I'm more than just a friend
Give me a memory I can use
Take me by the hand while we do what lovers do
It matters how this ends
'Cause what if I never love again?
Ang taas non...napakalamig ng boses niya ang sarap sa taenga. Grabe. Full of emotions pa ang pagkanta niya. Inilagay niya sa lamesa ang mga niluto niya. May nakahanda na rin na fresh milk doon at mga plato para sa dalawang tao. May fried rice at fruits din.
"Come here let's eat." sabi niya. Para naman akong nahipnotismo at sumunod. Pinagpatuloy niya lang ang kanta.
I don't need your honesty
It's already in your eyes
And I'm sure my eyes, they speak for me
No one knows me like you do
And since you're the only one that matters
Tell me who do I run to?
Siya na mismo ang naglagay ng fried rice ko sa plato ko at bacon at scramble egg na napakabango. I looked at his gesture. I remember one person on his gesture. Kumakanta pa rin siya.
Look, don't get me wrong
I know there is no tomorrow
All I ask is
If this is my last night with you
Hold me like I'm more than just a friend
Give me a memory I can use
Take me by the hand while we do what lovers do
It matters how this ends
'Cause what if I never love again?
Nakatingin lang ako sa kanya. Such a wonderful voice of him. Pero hindi pa rin ako makapaniwala na kasama ko ngayon ang sikat na matinee Idol ng Pinas na school mate ko back in college. Nawala rin siya ng three years sa showbiz industry. At ngayon lang din nagbalik. Ngumiti lang siya after kumanta.
"Sorry, this is my vocalization every morning. Let's eat." May kinuha siyang gamot sa isang garapon at ibinigay sa akin yon.
"Inumin mo after you eat. Pampawala ng hangover 'yan." tumango lang ako at sinimulan kumain. Napatingin ako sa malaking wall clock niya. 10am in the morning na pala. Sobrang haba yata ng tinulog ko. Palibhasa kasi may jet lag ako kahapon.
"I just wanna ask. What happened?" tanong ko. Medyo sapot pa kasi ang utak ko. Wala pa talaga akong maalala.
"You're drunk and wasted. Sinukahan mo pa nga ako eh, Nalagyan ka that's why I changed your clothes. Then...ammm." Namilog ang mga mata ko.
"May nangyari sa'tin?!" Bigla siyang napabuga sa iniinom niyang kape.
"My goodness, no." napa poker face ako. Sorry naman daw.
"So, ano nga ang 'then' na 'yon?" kinain ko nalang ang bacon. Ako nahihiya sa tinatanong ko eh.
"Maraming press ngayon sa labas ng unit ko. Kasi may ginawa ka kagabi..." uminom ako ng fresh milk. Bigla ay parang nag replay sa isipan ko ang mga kagagahang ginawa ko kagabi.
"Sino ka...bakit kita kailangang mahalin?" napatingin ako sa lalaking kayakap ko. I don't know kung sino siya pero pakiramdam ko kay sarap sa pakiramdam na makulong sa mga bisig niya.
"Kapag minahal mo ako, 'yon na ang pinakamasayang mangyayari sa buhay ko Lila." Tumawa ako at hinampas siya sa balikat.
"Ikaw ba si Prince Charming? Kasi hindi na ako naniniwala sa love na 'yan simula nung iniwan ako ng gago kong Ex. Hahahaha" Bahala na kung magmukha akong tanga. Kukunin ko pa sana ang isang bote ng brandy kaso ay inagaw na naman niya iyon.
"Ano ba! Akin na!" hilo na ako kaya hindi ko na maikot ang paningin ko. Aminado naman ako na talagang may tama na 'ko. Ano ba naman kase 'to. Muli akong naumpog sa chest niya. Ni-feel ko lang na parang unan 'yon.
"Alam mo...para kang si Zel. Yung kaibigan ko noon? Ganito rin ka broad ang chest n'on. Ang sarap higaan. Kaso...iniwan din niya ako. Nasa heaven na siya." Umiyak na naman ako. Naramdaman ko na niyakap niya uli ako ng mahigpit.
"I'm here. I'm here again, Lila." tuloy lang ako sa pagiyak. Gusto ko lang umiyak ng umiyak. Bakit kasi ang hilig nilang mangiwan lahat?
Biglang naudlot ang moment namin nang may mga lumapit na press sa 'kin at puro flash ng camera ang nakikita ko.
"Ano ba 'yan! Ang sakit sa mata. Umalis nga kayo!" Hinahawi ko ang mga press kaso ay sunod-sunod silang may tinatanong. Hindi ko naman maintindihan kasi hilong-hilo na 'ko. Hinarangan lang ako nitong lalaki.
"Tigilan niyo kami ng asawa ko! Alis! Alis! Shoooo!" pagtataboy ko sa kanila. Hindi ko din alam kung bakit lumabas din yon sa bibig ko. Tila lalong nangkagulo ang mga press at reporters. Celebrity ba 'tong kasama ko?
Bigla ay binuhat ako pa bridal way ni Guy. Saka siya tumakbo palabas ng exit. Humabol naman ang mga press. Mabilis siyang sumakay sa sasakyan niya at isinara iyon.
Napasapo ako mg noo nang maalala ang lahat ng 'yon.
PARA KANG TANGA LILY JUSKO.
Kinuha niya ang remote at binuksan ang TV. Saktong pagmumukha niya ang nandoon. At ang reporter feel na feel ang pagka chismosa. Kesyo nasa labas pa rin daw ang mga press. Na kesyo may itinatago raw bang asawa si Zyrus. Na kesyo may nabuntis daw. Sino daw ang kasamang babae kagabi. Ka stress pala talaga Showbiz industry. Pangarap ko pa naman dati maging celebrity kaya nga kinarir ko ang pagsasayaw. Kaso nga ngayon...wala na.
"Wag kang magalala may secret passage ako para makalabas ka mamaya sa building na 'to. Tumango lang ako. Napakabait naman pala.
"Pasensya na sa nangyari kagabi ha." sabi ko sa kanya.
"It's okay, ang importante okay ka na." He said. Pinagsandok niya ako ng soup. Napaka caring niya talaga. Pansin ko na parang mag-isa lang talaga siya dito wala kasi akong ibang nakikita kundi mga pictures niya na nakasabit between sa mga walls.
Nakakaloka pala talaga ang mga press dito sa Pinas. I'm sure ako madami niyan nakapaskil na ang pagmumukha sa lahat ng dyaryo at blogs. Sikat din naman kasi ang 'The Lily's Lux Bar' tapos ang nakalinya pa sa headline: May ari ng isang sikat na Bar lasengga pala.
Letse.
Letse talaga. Hindi na nga ako maglalasing sa susunod. Punyeta naman kasi nila Ace at Channel eh.
After namin kumain ay napagpasyahan ko ng maligo gamit ang banyo sa kwarto niya. Siya raw ang naglaba ng mga damit ko. May dryer naman daw siyang mabilis magpatuyo ng damit. Parang gusto kong mahiya sa kanya na grabe ang pang-aabala na ginawa ko. Sinukahan ko na nga. Siya pa ang naglaba. Kasi naman Lily. Hay nako.
Pagkaligo ko ay abala na ako sa pagpapatuyo ng buhok ko ng blower. Natanaw ko si Zyrus na naghuhugas ng pinagkainan namin. Mas gusto kong lalo mahiya. Wala man lang akong ginawa. Pagkatapos kong mag blower ay napansin ko ang isang room medyo bukas ang pinto. Natanaw ko ang isang drums set. Mukhang studio niya yata ang room na 'yon. Puro musical instrument kasi ang laman. Papasok na sana ako sa loob nang bigla niya akong harangin.
"Wag dito, hindi ko pa nalilinis." Isinara niya ang pinto. Nangunot lang ang noo ko kasi mukha namang hindi marumi sa loob.
"Okay fine." I said. Nagtungo na lamang ako sa sofa at naupo. Gusto ko ay sabay nalang kaming lumabas ng unit niya baka kasi pagpyestahan ako. Naalala ko na wala pala akong cellphone.
Nako po wag naman sana mag-alala sa 'kin ang mga magulang ko at mga kapatid ko. O 'di kaya ay sermunan ako.
"Zyrus, pwede bang pahiram muna ng phone mo? " Kinuha niya ang cellphone niya sa bulsa niya at inabot sa 'kin 'yon.
"Here." kinuha ko 'yon. Walang password. Halatang walang syota. Haha.
Buti nalang at kabisado ko ang number ni Ren at Kuya Dell. Kamusta na kaya ang dalawang 'to? Sana naman ay nagkaayos na sila at magkaintindihan kasi maski ako ay hindi maniniwala na anak ni Ren si Skylar eh. Pinaglihihan baka maniwala pa 'ko. Ewan ko sa kuya ko na nung nagsabog yata ng katangahan sinalo niyang lahat pati latak.
After kong magtext ay accidentally napunta ako sa gallery ng phone niya. Natulala ako nang makita ko doon si Ace at siya. Kasama si Channel at isa pang babae na kamukha ni Ace. Si Aria Blaire? Nasa Pilipinas na rin? Iyon ang kapatid ni Ace na isang balerina. Kasabayan ko 'yon dati sa dance school. At oo, hindi kami magkasundo. Naalala ko na step brother pala ni Ace si Zyrus. Pagkaswiped ko ay picture naman ni Zyrus buhat ang isang sanggol. Iyon ang baby ni Channel at Ace. Heto na naman ang parang humihiwa sa puso ko.
Pipindutin ko na sana ang gitna nang biglang may tumawag.
Si Ace.
Saktong lumabas na si Zyrus sa kwarto niya. Ibigay ko sa kanya ang phone.
"May tumatawag." I said. Sinagot naman niya 'yon.
"WHAT?" maski ako ay nagulat sa pagsigaw niya. Gulantang ang reaksyon niya na tila hindi mapakali.
"Sige sige. Papunta na ako d'yan." Napasabunot siya sa buhok niya.
"What happened?" I asked. Naupo siya sa tabi ko.
"We need to go Lila, may emergency kila Ace." Nangunot ang noo ko.
"What is it?"
"May kumuha daw kay Baby Tram. Yung baby ni Channel at Ace." My jaw dropped in horror.
"WHAT?!" hindi ko narin maiwasang kabahan. Tila nalimutan kong galit ako o ano. Napalitan 'yon ng awa.
"Let's go." Zyrus said. Napasunod nalang ako sa kanya.
--