/Lily Jamira/
"Walanghiya ka Rendell!" Nanlaki ang mga mata ko at nabitawan ko ang cellphone ko dahil bigla na lamang sinugod ng suntok ni Kuya Rendell si Lil bro.
Hala bakit?
"Kuya ano ka ba! Bitawan mo si Rencroix!" Nakangisi lamang si Rencroix habang hawak ni Kuya Rendell ang kwelyo niya.
"So, inaamin mo na ikaw ang ama ng anak ni Nicole?" Lalong nanlaki ang mga mata ko.
"Ano'ng ibig sabihin nito, Ren?" Sigaw ko na rin. Gulong-gulo na kasi ako sa kanila. Malapit nang sumakit ng todo ulo ko.
"Lila, kamukha niya ang anak ni Nicole." Napatanong din ako sa isipan ko. Akala ko ba nalaglag ang anak ni Nicole? Ano 'to?
Tumawa lamang si Rencroix, 'yong tawang nakakainsulto. Para bang may ibig siyang ipahiwatig na makakapagpabalik samin sa mga ulirat namin.
"Ako lang ba ang Mondejar na lalaki rito? Pero sige kung 'yan ang iniisip niyo, wala na akong pakielam!" Lalong hinigpitan ni Kuya Rendell sa kanya. Gigil na gigil siya.
"Hinayaan mo na walang naging ama 'yung bata ng limang taon! Ang galing Rencroix, after kay Sychelle at Chandrix pero Nicole pala talaga? Tagatuhog ka na pala ngayon?" Napasigaw ako kasi ubod ng lakas ng suntok ang pinadapo ni Ren kay Kuya Dell. Hindi ko na alam ang gagawin ko. Wala na kasi si Pierre dito sa mansyon.
"f**k you! Don't you ever dare tell those f*****g words to me! Para sabihin ko sa'yo, kumpara sa pagtuhog mas masahol pa ang ginawa mo gago!" Niyakap ko na si Kuya Dell kasi binabalak niya pa na sugurin si Ren.
"Umalis ka dito! Hayop ka! Umalis ka!!!" Sigaw ni Kuya Dell. Gusto ko na maiyak sa mga nangyayari ngayon. Napaano ba ang mga kapatid ko?
"Talagang aalis ako ayoko rin makita ang pagmumukha mo!" Masamang tingin lang ang pinukol nila sa isa't isa. I can't take it anymore.
Lumabas na si Re ng mansyon. Si Kuya Dell naman ay napasuntok sa sahig sa sobrang galit. Naguguluhan ako sa nangyari dahil ilang araw akong may business trip sa Macau. Hindi ko naman akalain na ganito ang dadatnan ko.
"Paano nagkaanak si Nicole? Wala akong alam." Nanginginig siya sa galit. Kinuha niya ang cellphone niya at may pinakita na picture sa akin doon. Picture iyon ni Nicole at Rencroix na may buhat na bata si Rencroix.
"Oh my ghad! Kamukha niya nga!" Gulantang kong sabi. Kahit sino man ang makakita sa kapatid ko at sa anak ni Nicole ay mapagkakamalan talagang mag-ama. Pero paano? Kailan? Bakit?
"Si-nend sa'kin ni Pierre 'yan. Nakahide pa sa 'kin sa sss niya ang picture nila na 'yan. Hindi ako makapaniwala na magagawa sa'tin to ni Ren." Hinagod ko nalang ang likod ni Kuya.
"Wait lang kuya, kukuha ako first-aid kit. Gamutin natin mga sugat mo." I just saw him in pained tears. Ayoko ang lahat ng nangyayaring ito. Ayokong-ayoko.
Kasalukuyan kong ginagamot ang sugat ni Kuya Rendell nang dumating si Pierre.
"May sapak ba talaga 'yong bunso niyong kapatid? Pumunta lang ng unit ko para sapakin ako?" Nakita ko nga na may suntok siya sa pisngi. Dinaluhan ko rin siya.
"Nako, pasensya na My King. Sila nga rin ni Kuya Dell, nagbunuan kanina."
"Napakatanga niya kasi. Magha-hide nalang nga hindi pa ako sinama. Kaya ayokong maging kaibigan 'yang matino niyong bunso eh." Nailing na lamang ako. Si Ren kasi ay kadarating lang daw galing sa Singapore habang ako naman ay from Macau.
"Wala akong alam sa lahat ng 'to. Sila Dad ba alam na?" tanong ko. Mamaya ay kakausapin ko rin si Chanda. Napakaseryoso ng mga nagaganap eh.
"Wala munang magsasabi kila Mom at Dad, alam mo ang nagyayari sa parehong pamilya natin at mga Fernandez. Baka mapatay pa ni Tito Richard si Rencroix." Napahawak na lamang ako sa sentido ko. Paniguradong malaking eskandalo nga 'to. Pero hindi ko pa rin maisip. Sila Rencroix at Nicole? Ano kayang magiging reaksyon ni Chanda?
"Lakas talaga ng lahi niyo ano? Napakacute ng bata. Parang tuwang-tuwa kay Rencroix oh." Nakatingin si Pierre sa picture ng tatlo. Biglang inagaw ni Kuya Dell ang cellphone niya.
"Manahimik ka nga d'yan Pierre." Ibinulsa niya ang cellphone niya.
"Kailangan ko rin kausapin si Nicole regarding dito. Dahil sa oras na magmatch si Ren at ang bata sa DNA test, mas malilintikan sa akin si Ren." Tinaasan siya ng kilay ni Pierre.
"Tanga ka ba? Kitang-kita mo naman na hindi na kailangan ng DNA test. Mondejar na Mondejar ang mukha ng bata." Napatikhim si Kuya.
"Mas okay na yung sure tayo, baka kasi coincidence lang o kaya baka napaglihian lang ni Nicole si Ren? Kasi pre isipin mo, anim na taon si Nicole sa France at hindi pala gala si Ren!" Nagtinginan kami ni Pierre.
May point si Kuya. Eh womanhater si Ren. Halos araw-araw kaming magkakasama dito. At paano maaatim ng isang ama na tiisin ang kanyang anak na hindi makita ng maraming taon? Tapos nung nagkita sila parang reunion pa?
Ang weird. Napakaweird talaga.
"Kuya, eto na sasabihin ko na. Sa totoo lang kasi six years ago, nung malapit na ang graduation nila Nicole, nasa kanila ako non. Tapos ayon dinugo siya. She almost died by that time dumating lang si Alexander to help us. Tas ayun nga sinabi sa 'kin ni Chanda na buntis si Nicole at nalaglag 'yon." Nanlaki ang mga mata ni Kuya Dell.
"What?! She was just seventeen by that time!" sigaw ni Kuya na tila hindi makapaniwala. Hayan nasabi ko na. Patawarin sana ako nila Chanda. Pero, alam naman na yata ng lahat na may anak na si Nicole eh.
"Yeah, kaya nga itinago nalang nila ang insidenteng 'yon. Then, Tito Chard decides na i-migrate nalang si Nicole sa France. Pero ang alam ko talaga nalaglagan siya ng anak. So...who is that kid? At magkaedad lang sila ng nawalang anak ni Nicole?"
Grabe, sumasakit na rin ang ulo ko kakaisip. Kailangan ko talagang kausapin si Chanda. Palipat-lipat lang ang tingin sa amin ni Pierre.
But on the other hand, parang napakasaya ko na may pamangkin ako na ubod ng cute. Kaya talagang pupuntahan ko sila mamaya. Kinuha ko ang Hermes bag ko. Hinayaan ko nalang ang naibato kong cellphone. Bibili nalang ako ng bago.
"Mauna muna ako Kuya, tingin ko kakausapin ko sila Chanda. I need to know what happened." nakatulala lang si Kuya Dell.
"Hindi ka man lang magpapahinga, My Queen? May jetlag ka pa diba?" Umiling lang ako.
"No need My King, hindi rin naman ako makakapagpahinga kakaisip eh." Nauna na akong lumabas at nagsabi sa personal driver ko na aalis ako. Hindi ko binalak na humawak ng manibela after ng nangyari sa akin three years ago. Halos bakal na kasi ang ibang buto ko sa paa kaya nga hindi na ako nakabalik sa pagsasayaw. Bawal mapagod ang paa ko. Halos isang taon din bago ako nakapaglakad ng maayos. A painful and lenghty process just because of one failed wedding.
Tumawag ako kay Chanda. Sabi niya ay nasa opisina pa siya ng Myriad kaya doon na ako dumeretso. Pagkarating ko do'n ay nadatnan kong may pinapatulog siyang batang lalaki hinehele niya iyon.
Pagkakita ko sa mukha ng bata.
"WHAT THE— HELLO!" Nanlaki ang mga mata ni Chandrix, napakislot ang bata. Pinagpatuloy lang na ihele 'yon ni Chandrix. Sinenyasan niya ako na wag maingay. Hindi ako makapaniwala na kamukha nga ni Ren ang bata. But..habang tinititigan ko ay parang si Kuya Dell na? Magkamukha kasi si Kuya at Ren eh.
Pinaupo ako ni Chanda sa sofa. Naupo na rin siya. Nakatulog na ng mahimbing ang bata. Gustong-gusto ko ring kilikin.
"Alam mo na rin pala?" mahinang boses niya.
"Ano nga ba? Naguguluhan ako." napabugtong hininga siya.
"Kadarating lang nila sa France, si Nicole kasi may dinaluhang meeting kaya iniwan niya muna dito si Skylar." napatingin ako sa bata.
"Totoo ba na si Ren ang ama niya?" tanong ko.
"Hindi, sinong tanga ang maniniwala na ang womanhater mong kapatid ang mangbubuntis sa kapatid ko?" naisip ko nga rin kanina eh.
"Eh, sino?"
"Actually, hindi ko rin alam. Ayaw din sabihin ni Nicole. Pinaglihian niya lang daw yata ang mga kapatid mo kaya raw siguro naging kamukha. Naalala mo noon diba, kung sungitan at kainisan ni Nicole si Rendell at Rencroix? Non pala, naglilihi na ang gaga kong kapatid." Lakas naman pala talaga ng lahi namin, hano?
"Grabe naman kasi ang pagiging magkamukha. Para silang pinagbiyak eh." Hinaplos ko ang noo ng bata. Napakacute na nakakagigil.
"At ayaw na rin ni Daddy na iopen kung sino ang tatay ni Skylar baka raw kasi mapatay niya kung sakali. Kilala mo naman ang Tatay namin diba?" tama siya. Ayaw na ayaw kasing naiinvolve sa kahihiyan ang mga Fernandez.
"Ano naman itong balita kong may fiancé na si Nicole?" Biglang umasim ang mukha ni Chanda.
"Asa naman sila na papayag ako na magpakasal si Nicole at ang kaibigan niyang si Min Re Seo. Siya lang ang umako rito kay Sky pero never naging sila ng kapatid ko. Magkaibigan lang talaga sila." Napatango ako. Now crystal clear na sa 'kin ang lahat. Ewan ko ba dun kay Ren, malakas din ang tagas minsan o nang-aasar lang talaga?
Nagpaalam na ako kaagad kay Chanda dahil may mga tatapusin pa raw siyang mga trabaho. Si Skylar naman ay mahimbing lang na natutulog sa sofa. Sayang hindi ko siya nakausap at nakalaro. Pagod yata talaga sa biyahe. Kung ako rin ay masasapak ko rin kung sino ang tatay niya.
Napagpasyahan ko nalang na pumunta sa mall para bumili ng frappe sa Starbucks. Palakad na ako patungo doon nang may makasalubong ako.
A guy and a lady. Ang babae ay may hawak na sanggol. And they're so familiar to me. Especially the face of the man, who betrayed me and left me hopeless.
YES THEY REALLY ARE.
Napahinto rin sila nang makita ako. It's Ace...and none other than Channel...
Napatingin ako sa sanggol na mukhang nasa isang buwan pa lang.
"Lily..." Narinig kong sabi ng taksil na lalaki na tumakbo sa kasal namin three years ago. Akala naman niya hindi ko siya makikilala porket nakashades siya. Pati ang kasama niya.
Inobserbahan ko sila mula ulo hanggang paa. Kahit may jetlag ako, fresh and pretty parin ako noh. My confidence works that way.
"So I knew it. It's nice to see the both of you again." Ngiting plastik lang ako. Kung wala lang hawak na sanggol ang Channel na ito ay sinabunutan ko at kinaladkad. Pasalamat sila at pigil na pigil ang galit ko kahit na prefer ko na silang patayin.
"Ahhh...yes, nice to see you too." Sabi ng walangyang Ace! Tangina ka! Ang sarap mong sakalin gago!
Pakiramdam ko ay durog na durog na ang puso ko. Pwede bang tumalon nalang ako sa floor ng mall na to ngayon?
Muli akong napatingin sa sanggol.
"Baby niyo? He's so adorable." Kinuha ni Ace ang sanggol dahil siya na ang bumuhat. Walang imik si Channel, akala mo ay may kinatatakutan. Oh yes, be afraid of my presence.
"Yeah, my son. Tram Reid." Kahit nararamdaman ko na nanghihina na ang mga tuhod ko ay nagpanggap ako na kaya ko. Pero ninanais ko na umiyak ng umiyak until I go numb.
"Great! Okay, I need to go. Such a nice and beautiful family for the both of you." Mabilis akong tumalikod at naglakad.
Tuluyan ng tumulo ang luha ko. After all this years...siya pa rin pala. Bakit ba ganito parin ang lintik na damdamin ko para sa kanya? Bakit ko sobrang minamahal ang lalaking nanakit sa 'kin? Bakit umasa pa rin ako na babalikan niya ako? Na hihingi siya ng tawad? Na mag-eeffort siya para lang mapabalik ako sa kanya?
Ano'ng klaseng puso ang meron ako? Sobrang sakit. Napakasakit talaga.
Nagpahatid ako kay Manong Gido sa The Lily's saka siya pinauwi. Puno ang lahat ng VIP room kaya sa bar counter nalang ako. Nagpakuha ako ng isang bote ng brandy sa mga tauhan ko. Gusto kong uminom lang ng uminom. Drink 'till my tastebuds turn sour. Sa sobrang sakit na nadarama ko ay parang gusto kong ubusin lahat ng alak dito sa bar ko.
Wala akong natawagan dahil nga nasira ang phone ko. Kaya ako nalang mag-isa, as what I've always been acquainted to. Sunod-sunod lang ang paglagok ko. Hindi ko ininda ang pait ng alak na to. Kumpara sa sakit at kirot na nadarama ko, walang-wala pa ito.
"Paano ko malilimutan si Ace, tangina!" Sigaw ko. Malakas na ang music sa buong bar ko kaya parang balewala lang sa kanila kung para na akong nasisiraan ng bait dito.
"Tangina ka Ace! Mahal na mahal pa rin kitang gago ka!" Muli akong uminom ng straight shot. Medyo nararamdaman ko na ang pagkahilo. Hindi naman ako madaling malasing pero dala na yata ito na may jetlag ako at wala pa akong pahinga.
"Gusto na kitang malimutan. Paano bang hindi na kita mahalin Ace? Paano?!" Muling sigaw ko. Ibinaba ko ang ubos nang isang litrong brandy. Parang namamanhid na ang buong katawan ko. Sana pati puso ko rin.
"Gusto ko ng limutan ka...paano...paano..." Nanghihina na ako. Umiikot na ang buong paligid ko.
"Malilimutan mo siya kapag minahal mo ako, Mira." naramdaman ko na may humawak sa magkabilang balikat para alalayan ako kasi papatumba ako.
Inangat ko ang paningin ko. Hindi ko maaninag na mabuti ang mukha niya.
"Mahalin mo ako Mira. Mahalin mo 'ko." tila napakabagal yon na naririnig ko. Naramdaman ko nalang na napahiga ako sa chest niya. I heard his beautiful heart beats.
Parang narinig ko na ito noon...
--