Chapter 3

2097 Words
/Lily Jamira/ Minsan gusto kong isipin na hindi nga ako malas sa magulang pero malas naman ako sa dalawang kapatid ko. Wala si Kuya Rendell, nagtungo siya ng USA at sana nga hindi na bumalik eh. Iniwanan ba naman ako ng lintik. Pagkaalis niya kanina ay nilagyan niya ng toy cockroaches ang bag at sapatos ko. Edi para na naman akong tanga na nagtatakbo kanina. Kulang talaga sa bakuna 'yon kahit kailan! Nandito ako ngayon sa sala, abala sa panonood ng teleserye kung saan isa sa second lead role si Zyrus. Ewan ko ba after nung last meet up namin ay hindi na siya nawala sa isipan ko. Did we meet before ba? Saan? Paano? Bakit? Ni hindi man lang nga sinagot ang tanong kong kung bakit alam niya ang nickname ko na Mira. Kasi isang tao lang ang tumatawag sakin ng ganon. Pero...patay na siya. Si Zel. Napaka weird talaga, pero medyo kinikilabutan din ako eh. Three years ago nung nameet ko si Zel sa Hospital habang tine-theraphy ako from coma. He's one of the ICU patients like me. Kaso ang case niya ay nasunog ang mukha niya. Kaya by healing process din siya noon dahil labis ang damage sa face niya sa pagkakasunog. Magkatapat lang kami ng room no'n. Then, dahil hindi naman sa lahat ng oras ay may nagbabantay sa amin akya lagi ko siyang pinupuntahan sa room niya kasi pansin ko rin na wala gaanong nagbabantay din sa kanya. "Gusto kong sabihin sa 'yo ang lahat. Sana matanggap mo pa rin ako..." Nakatutok lang ako sa eksena ni Zyrus sa soap opera. Damang-dama ko ang emosyon mula sa mga mata niya. Parang hindi siya pang second lead role eh. Pangbida na siya actually. This is true and unbiased talent. His eyes, those eyes...bakit parang ilang ulit ko na nakita before? Like I remember them staring at me with affection? Tumabi sa'kin si Rencroix. Kinuha niya ang remote control sa tabi ko saka nilipat ang Tv sa cartoon network. "Ako ang nauna rito ibalik mo do'n." I said calmly but he refused. "Ako ang nauna rito ibalik mo do'n." Panggagaya niya sa sinabi ko. Hindi pa rin niya nilipat. "Ren, ano ba!" I half screamed. "Ren, ano ba!" Panggagaya niya uli. "Hindi na ako natutuwa Ren!" I said louder this time. "Hindi na ako natutuwa Ren!" Gaya niya uli. Napatayo na ako at nagwalk out. "Ewan ko sayo!" I spat at him. "Ewan ko sayo!" Panggagaya niya pa rin. Umakyat ako patungo sa kwarto ko. Bully talaga si Ren eh! Nagkaroon ako ng bully at pranker na kapatid. Nakakainis! Pwede ba silang palitan? Binuksan ko nalang ang laptop ko at nanood nalang sa YouTube ng mga kanta ni Zyrus. Isa na ba ako sa mga hardcore fans niya? Natutuwa rin naman ako sa mga kanta niya. Tagos na tagos kasi sa puso ko. Pakiramdam mo nga para sa akin ang lahat ng iyon. Nahiga ako sa kwarto ko habang dinadama ang himig niya sa pagrendition niya ng kantang Nothing's Gonna Change My love for you. If I had to live my life without you near me The days would all be empty The nights would seem so long... I don't know why kung bakit kusa na naman na tumulo ang luha ko. I just remember him. Again. Beijing, China "Bakit ganon si Gray? Hindi niya man lang ba inintindi ang dahilan ko?" Patuloy ko paring dinadaluhan sa pag iyak si Chandrix. Kakabreak lang kasi nila ng boyfriend niyang si Alexander Gray. Ewan ko ba, kay tagal na rin nila pero hindi pa rin talaga siya natutunan na mahalin ni Chanda. Inamin kasi sa 'kin ni Chanda na hindi na kaya ng konsensya niya na ipilit na si Gray ang mahal niya. Bakit ba kasi ang kapatid ko pa na si Rencroix ang minahal niya? Ayoko rin naman na nasasaktan siya eh, kaso napakakulit niya. Mas belong together sila ni Gray, actually. Hindi ko naman kasi madidiktahan ang puso ng kapatid ko. Bestfriend ko si Chanda. Kapatid ko si Rencroix. Ayokong may nasasaktan isa man sa kanila. Nandito kami ngayon sa China for our foreign language course. Mini course lang naman 'to. Mga about one year lang siguro kami rito. "Alam mo Chanda, bumalik na tayo sa Hostel baka mamaya nandoon na yung isang kasama natin." Tumango-tango lang siya habang pinupunasan ang luha niya. Qing University is the one of prestigious University here at China. Hindi na kami nagdalawang isip ni Chanda nang makapasa kami for foreign language course rito. Syempre, nasa pinakamagandang unit kami ng rooms dito sa hostel. Yung for three people lang. Pagkapasok namin ay may babae na sa isang kama. She really looks rich and sophisticated with her golden fitted dress. Kumikinang sa gold si ate mong maganda. Napakaputi niya at mukha talaga siyang anak ng tsekwa. "Ammm, ni hao? Hi? Kamusta?" Ako na ang nag-approach si Chanda kasi ay nahiga na at nagtaklob na ng kumot. Ganyan talaga 'yan kapag masama ang loob hindi namamansin kahit sino. Nginitian lang ako ng babaeng tsekwa. "Tagalog nalang sanay naman ako." She said na kinabigla ko. Yes! Buti nalang nagtatagalog siya at hindi ko na need kunin ang dictionary ko sa bagay na ito. "Ay mabuti naman, pagpasenyahan mo na ang kasama ko ha, broken kasi. Lily Jamira nga pala." Inabot ko ang kamay ko. "It's okay, I hope tomorrow okay na siya. Melody Aidelle Sy." Nagkamayan kami. Napakabait niya talaga. At dahil mukhang tulog na si Chanda ay kami nalang ni Melody ang nagkwentuhan. Ang dami kong tawa sa mga kwento niya lalo na sa mga trip nila ng guy bestfriend niya na si Yang Xi. Kapag daw may time ay ipapakilala niya daw kami kay Yang Xi. Few days and months to go ay naging bff na rin namin si Melody dahil sobrang mapagmahal niya ring tao. Magkakaklase din naman kaming tatlo kaya heto, crazy trio na kami. Naipakilala na rin niya kami kay Yang Xi. Kaso ay nakakaintimidate kasi parang napakamature at laging serious mode. Para bang ang kill joy? Ganun ang feel ko sa kaniya. Minsan nga pinagbabawalan niya si Melody sa mga lakad namin pero dahil hindi niya kami kaya ni Chanda ay wala siyang nagagawa. Nakapunta kami sa malapalasyong tahanan ni Melody. Ikaw ba naman ang maging iisang anak ng isa sa pinakamayamang tao sa mundo? Kaso ay mukhang napakapribado niya dahil hindi siya isinasama sa mga profile ng tatay niya sa business world. Kumbaga hindi siya noticeable na anak siya ni Xian Sy. Kaya ayun libreng-libre siyang maglibot kahit saan. "Mga bakla, pupunta ba kayo sa concert ni Zyrus Denzel?" Hyper na suggest samin ni Melody. Naglalakad kami sa kahabaan ng turf field ng campus. "Wala pa kaming ticket." Nakangiting may inilabas si Melody sa Channel purse niya. "I've got you both. VIP seats!" Nanlaki ang mga mata namin ni Chanda. Actually, hindi naman kami fangirl ni Zyrus, si Melody lang. Naimpluwensyahan niya lang kami. Naikwento ko rin kay Melody na schoolmate namin si Zyrus sa Pilipinas. At syempre ang gaga kilig na kilig at hindi na ako tinigilan kakatanong. Hindi ko rin naman akalain na sisikat ng ganoon si Zyrus as singer at napakarami niyang tours all over the world. "Thank you so much Baks!" Sabay naming sabi ni Chanda. Naggroup hug kaming tatlo. Sa araw ng concert ni Zyrus ay inaabangan ko ang dalawa. Nauna na kasi ako sa VIP seat namin. Maya-maya pa ay nagtext sa 'kin si Chanda. Chandalalala: Baks sorry, malelate ako. Si Gray kasi tinawagan ako need daw namin mag-usap. Sorry talaga. Nangunot ang noo ko. MARUPOK TALAGA SI CHANDA!!! Tapos ay si Melody naman ang nagtext. Baks Melody: Baks, nako! Si Yang Xi parang tanga eh. Kakausapin ko muna 'tong bungo kong bestfriend. Wait mo 'ko a little bit. Napasimangot ako. Ano ba naman ang dalawang 'to! Talagang iniwan ako dito noh? Jusmiyo, ano naman ang gagawin dito? Nagsimula na ang tugtugan at hiyawan. Nagsitayo na ang lahat at itinataas ang mga lightsticks nila. Nakitayo ako. Tutal ay nasa VIP ako ay tanaw na tanaw ko ang concert stage. Lalong lumakas nag hiyawan nang lumabas na si Zyrus. Maging ako ay natulala na rin. He looks so good. Really good. And my heart...parang sasabog na sa lakas ng kabog. He started to strum his guitar. Halos mabingi ako sa hiyawan at nagpapalakasan pa ata ng fanchant. At dahil sobrang likot ng mga nasa harap ko ay nabangga ako. Naout of balance ako at buti nalang ay mabilis akong nasalo ng katabi ko. He's a guy... "Are you okay Miss?" He said with a smile. Hindi ako maaaring magkamali. Nagliwanag ang mukha ko. "Ace Bien Buencrisostomo, is that you?" Tila parang kinikilala niya ako. Malamang, he became famous dahil sa break up nila ng ex girlfriend niyang si Channel Ashleya Manansala. Campus clique kasi 'yon. "Oh, I remember now. You're Lily, the cheerleader." Nagngitian kami. Our dreams are young and we both know They'll take us where we want to go Hold me now, touch me now I don't want to live without you... My heartbeats are thrumming like a rhythm of harmony. I never felt these feelings before. Sa kanya lang. Only for Ace Bien Buencrisostomo. Since the day that I saw his tears and sadness. I just want to save him. Kaso habang tumatagal. It became love. "Idol mo din pala si Zyrus?" Tanong ko sa kanya. Tila balewala sa amin ang ingay ng paligid. "Nope, sinamahan ko lang siya dito. He's my stepbrother." "Really?" Hindi ko makapaniwalang tanong. "Yeah, bagong kasal lang ang Mommy niya sa Dad ko. His Father died since when he was a kid." Tumango-tango lang ako at napatingin kay Zyrus. Saktong nakatingin din siya sa 'kin. Nothing's gonna change my love for you You oughta know by now how much I love you One thing you can be sure of I'll never ask for more than your love... Still ay nakatitig lang siya sa akin. Para bang sinasabi non na he knows me...and he's singing it out loud for me. "Lily..." Naramdaman ko ang kamay ni Ace sa braso ko. Napalingon naman ako sa kanya. "Yes, Ace?" Hindi pa rin nawawala ang ngiti ko, mas lumalaki lamang ito. "I think I'm gonna enjoy watching this concert with you." Inilapit niya ang mukha niya sa akin. Nakangiti pa rin ako. Ang tanging nasa isapan ko non... Ay h'wag na matapos ang moment na 'yon. Kinabukasan na ako nagising. Pagkagising ko ay nakasanayan ko na may mga luha sa mga mata ko. Pagkahilamos ko sa banyo ko ay bumaba na 'ko. Nasa kalagitnaan na ako ng baitang ng hagdanan namin ay napahinto ako sa kung sino ang nakita kong nakatayo sa may hangganan nito. "Pierre? My King?" Napalingon siya sakin at si Kuya Rendell kausap niya. "Jam? My lil queen?" Patakbo akong bumaba at sinunggaban siya ng yakap. Grabeee namiss ko ng todo si My King ko. He's being crowned as my Kuya since back then. Bestfriend kasi siya ni Kuya Rendell kong bugok. Napatili ako sa sobrang excitement. Paano kasi almost six years din siya sa States. At pumunta lang don si Kuya para sunduin siya. "Nice to see you again, my Jam." He tapped my hair. "Dito ka na ba for good Kuya Pierre?" nagpout siya. Waaahhh ang cute niya talaga. "Bakit my lil queen gusto mo ba ako rito for bad?" Biglang natawa si Kuya Rendell. Nakitawa narin ako ng mahina. "Manahimik ka d'yan Kuya, sana si Pierre nalang ang nandito eh." I said. Nagkibit balikat lang si Rendell. "Alam mo Lily, ang tanga n'yan kanina. Sabi nung flight attendant if papasok na kami sa loob. Ang sinabi ba naman niyang si tanga ay kung pwede daw ba na 'yung flight attendant ang pasukan niya. Napakatanga eh tao 'yon. Paano niya papasukan 'yon." Nanlaki ang mga mata ni Kuya Rendell. Maging ako ay napasinghap narin. Nako, hindi talaga pwedeng pagsamahin ang mga ito. Sa kainosentehan ba naman ng My King ko. "What the f**k? Pierre?" Biglang pinagcross sign ni Pierre ang dalawang pointer finger niya. "Anong f**k ka d'yan? Dude! Lalaki ako, wag kang ganyan! Hindi ako pumapatol sa kapwa lalake!" Nangamot nalang ng batok si Kuya Rendell. Tawa lang ako ng tawa. Palibhasa kasi ay sanay na ako kay Pierre. I think this is gonna be a long day for us with Kuya Pierre. I hope I can delve deeper into it, I need a distraction. -
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD