Chapter 2

1606 Words
/Lily Jamira/ "Zyrus Denzel Vlodz." Pagkasabi non ni Candis ay muli kong tiningnan ang lalaki. Sa pagkakataong 'yon ay nakatingin din siya sa direksyon ko. Our eyes met. I don't know. Bakit parang pamilyar sa 'kin ang ganoong tingin at titig. Hindi ko lang maalala kung saan at kailan. "Sige Candis, paki invite siya mamaya sa VIP room number 6, I wanna meet him." Nakangiti lang na nag yes sa akin si Candis. Girl, you own my heart before... Muli akong napatingin kay Zyrus. Bakit parang narinig ko na before ang sounds ng kantang 'yan? Somewhere in my college days? About 8 years ago? I guess... You gonna make my heart skip a beat like I live again... And It feels like. Parang bumalik ang mga ala-ala ko nung college days. Kung paano nagsimula ang lahat. 8 years ago... University of Sta. Elena.  Intramurals Day Hindi magkamayaw ang hiyawan ng lahat lalo na nung lumabas ako bilang isa sa mga cheerleader squad ng campus namin. I am one of the famous Cheer Pep squad member here. We are the USE Jaguars. From Collage of Business And Accountacy Department. Lalo silang nagsigawan nang nagsimula na kaming sumayaw. Consistent champion naman kami pagdating sa ganito kaya ano pa ba ang aasahan ko? After naming ipakita ang performance namin ay tuloy pa rin sila sa hiyawan. Halos dumagundong na nga ang buong campus gym. "Galing naman ni Bakla!" Salubong sa 'kin ni Chandrix. Short hair na naman ang gaga! "Nasaan si Rencroix Baks?" Bungad na tanong niya sa'kin. "Nako ka, diba may boyfriend ka? Ba't mo pa hinahanap ang lil bro ko?" sumimangot siya. "Masama ba siyang hanapin? Aba! May utang lang naman siya sa 'kin!" nangunot noo ako. "Aba, himala kinausap ka?" Sabi ko. Kasi ang trip ng babaeng 'to kapag nire-reject ni Ren ay nagpapagupit ng buhok by length lang naman. Sa sobrang ikli ng buhok ni baks ngayon ay napaghahalataan na ilang beses na nasopla ni kapatid. Hindi ko naman kasi siya masisisi. Lalo na si Ren. Kapag ayaw pa naman non ay ayaw niya talaga. At 'yung ano kase... Hays. "Oo na Baks, bigo pa rin ako sa kapatid mo. Bakit ba kasi siya lang ang laman ng puso ko." kunwari ay pupunas siya ng luha. "Umayos ka nga Baks, try mo nalang muna 'yang bf mong si Alexander malay mo mahalin mo rin siya." hindi naman ako against na mahalin niya ang lil bro ko pero ang paulit-ulit na masaktan siya dahil kay lil bro ay ayaw ko rin naman. She's my bestfriend ayoko rin na nasasaktan siya. Lalo siyang nag act na umiiyak. Hinimas himas ko nalang kuno ang likod niya. "Lil Sis!" napalingon kami sa tumawag. Si Kuya Rendell 'yon habang may kalampungan na babae. Sakit sa mata jusko! Pero nung lumapit siya sa'min ay pinalayo na niya yung kalampungan niya. Siraulo talaga. "Bait ah, hindi mo man lang ba ipakikilala 'yon?" taas kilay na tanong ni Chandrix. Ako? Nako sawa na ako sa kanenermon dito sa kuya ko. Buti naman ay graduating na siya this year sa Engineering course niya. Wala yata talagang balak magseryoso sa babae. "Tapos na ang oras ko sa kanya hindi ko na siya kilala. Aist! Wag niyo na pansinin 'yon. Btw, Hi Chanda. Miss me?" Inirapan lang siya ni Baks "WHO YOU?!" sigaw naman ni Chanda. Nag act na akala mo ay nabaril si Kuya Rendell. "Aray ah, okay. Si Niks nasaan?" Bigla ko siyang binatukan. "Kuya naman! Pati ba naman senior highschool?" Bunsong kapatid kasi ni Chanda si Nicole. "Ang sakit ng batok mo Lil Sis ha! Masama ba siyang itanong?" "Wag ang kapatid ko Rendell. Malilintikan ka sa'kin. Ay, di bale na. Hindi ka naman papansinin non. Pinaglihi sa sama ng loob 'yon." Natawa ako. Hindi rin kasi magkasundo si Chanda at Nicole. Iyon ang lagi niyang kwento sa 'kin na walang araw na hindi sila nagbabangayan. Well, ganoon yata talaga ang magkakapatid. "Sige una na ako. Hanapin ko pa si Lil bro. Bye!" umalis na si Kuya. Pero ang damuho! Ayun, may inakbayan na naman na babae. Hay nako. Naglakad na kami palabas ni Chanda. Kasalukuyan siyang nakatutok sa Iphone niya. "Ay ano ba yan!" Napatingin ako kay Chanda. "Bakit?" tanong ko. Inis niyang inilagay muli sa bulsa ng bag niya ang cellphone niya. "Nagalit si Gray! Kasi, iniwanan ko raw siya kanina sa booth. Mag marriage booth daw sana kami? Duh? Kay Rencroix ko lang gusto makasal no!" "Loka loka ka. Ikaw talaga baks!" "Nako siya! Masyado siyang seryoso at-Oh my! ano 'yon?" Shocked siya. Napatingin ako sa gawi ng tinitingnan niya. Sa campus ground. May nagkukumpulan na mga student. At dahil sadyang may pagka tsimosa si Chanda ay hinila niya ako do'n. Natanaw namin ang isang lalaki na nakaluhod sa isang babae na tila nagmamakaawa. Samantalang ang babae ay tila walang pake. "Babe, patawarin mo na 'ko. Please, wag mo akong iiwan." naiiyak na ang lalaki. Ano ba 'yan? dito pa talaga? "Ace! Ano ba naman 'yan? Ayos mo nga! Tumayo ka d'yan!" pero hindi parin natinang ang lalaki. Nagsimula na itong umiyak. "Parang awa mo na Babe Channel Ashleya. Wag mo akong iiwan!" Tila inis na ang lalaki. "Ayoko na nga Ace! Tama na! Tigilan mo na ako! Ayoko na! Ayoko na!" pumiksi ng malakas ang babae at tumakbo na palayo. Nakatingin parin ako sa nakaluhod na lalaki. Nakakaawa naman siya. Sinisimulan naman siyang kuhanan ng ibang student. Mahal na mahal siguro ng lalaking 'to 'yong babae. Hindi naman kasi siya luluhod ng ganyan. "Uy, baks!" siniko ako ni Chanda. "Nakatulala ka na d'yan?" Muli akong napatingin sa lalaki. Tumayo na ito at lumakad palayo. "Grabe, 'di ko akalain na may ganyan pala talagang lalaki no?" tumango lang ako. Hindi ko alam kung bakit napaka apektado ko para sa lalaking 'yon. "Ay baks! May battle of the bands pala ngayong 5pm! Tara nood us!"  "Sige," sabi ko. Hinila ako ni Chanda. Ewan ko ba kung bakit super apektado ako sa nangyari sa lalaking 'yon. Pagkarating namin sa Campus court ay medyo naguumpisa na pala. Marami ring mga students na nanonood. "Sunod na daw si Den! Grabe kinikilig ako" Napatingin ako sa katabi naming student na tila pigil na pigil ang kilig. "Ay balita ko lumalabas na siya sa TV tapos kinuha siya sa international as singer!" "Oo! Pero infairness, ang galing niya din sa last soap opera kung saan nandoon siya." Lalong lang silang kinilig. Hindi naman kasi ako mahilig manood ng tv dahil puro books lang ang gusto ko. Tapos kapag manonood ako ay inaagaw lang ni Trinix para manood ng Cartoon network hays. "Hayan na siyaaaaa" Nagsimula na ngang magkamayaw ang lahat. Halos mabingi kami ni Chanda sa ingay. Girl, you own my heart before... I was stunned when he started to sing. I can't help but to stare at him . I will still into you... You will still my only love... Napapikit ako. I felt my tears fell down. Feel na feel ko ang himig ng malamig na boses niya. Every lyrics ay feel ko ang emotions. Who are you? How can you make my heart feel this way? Who are you? Nakahawak lang ako sa dibdib ko habang dinarama parin ang pintig non. "Miss Lily, ayos na po ang VIP room." tumango lang ako kay Candis. Nagtungo na ako sa VIP room. Hintayin ko nalang siya doon.  After all the pain na nangyari sa 'kin I know na nakakabangon na ako paunti-unti. May mga bagay man na nawala sa akin. Tulad ng pagsasayaw. I'm a cheerleading pep squad member before. Dancing is my life. After that accident. Sabi ng doctor ay hindi na ako pwedeng sumayaw kasi nga may limit na ang pagod ng mga binti ko. Pakiramdam ko ay inalisan ako ng buhay that time na narinig ko 'yon. I felt like I'm a living dead. Sa totoo lang ay dance studio talaga ang gusto kong itayo pero dahil mas malulungkot lang ako kapag may nakikitang mga sumasayaw kaya hindi ko itinuloy 'yon. Itong 'The Lily's Lux Bar' nalang ang ipinatayo ko. At nagpapasalamat naman ako na naging successful. Napatingin ako nang bumukas ang pinto ng VIP room. Tila slow motion na nagkatitigan kami. Those eyes... "Nice meeting you, Zyrus Denzel." I said. Naupo siya sa tapat ko. I can smell his scent... "I am Lily Jamira Mondejar, the owner of this bar." Nakangiti kong sabi sabay abot ng kamay ko. Dahan dahan din niyang iniabot ang kamay niya. "Glad to meet you Miss Lily." Nagshakehands kami. I felt a strange friction. "And I'm so happy to see you. Again." Napatitig ako sa kanya. What does he mean? "Excuse me?" nakakunot noo kong tanong sa kanya. Nangiti lang siya na kinalabas ng dimples niya both cheeks. "Ah, nope, nothing." he said. "Okay, by the way thank you so much sa pagtanggap ng invitation to perform here." ewan ko ba kung ano 'tong kaba na nararamdaman ko. "No problem, just tell me again if you like me to be a guest here again." Tumango ako at nangiti. "Sure, thank you." Nangiti din siya. "Anything...for you." Nangunot ang noo ko. Bakit parang may gusto siyang ipahiwatig o ano? "Oh, any drinks you want?" I ask. "Just whiskey." tumango ako. Saka tinawagan ang nasa counter para um-order. Hindi pa rin magkamayaw ang puso ko. Bakit ganito? Ano ba 'to? "Hoping for this time, Mira..." I froze at the moment at dahan dahan siyang nilingon. Nakatingin lang siya sa'kin. "Who are you?" I said between the fast beating of my heart. "How did you know my nick name?" He smiled. --
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD