bc

ISLAND BOYS: Maginoong Barumbado

book_age18+
141
FOLLOW
1.8K
READ
love-triangle
family
HE
opposites attract
playboy
badboy
bxg
office/work place
small town
disappearance
enimies to lovers
lies
cruel
waitress
like
intro-logo
Blurb

Ang guwapong binatang si Lennox ay nakatira sa isla ng Mariposa. Ang binatang maginoo na barumbado. Kinababaliwan ng mga babae roon ngunit wala siyang pakialam sa mga ito.

Hanggang isang araw, hindi inaasahan ni Lennox na darating sa islang iyon ang babaeng minsan na niyang winasak ang puso! Ang babaeng minahal niya ng totoo ngunit hindi sila puwedeng magsama dahil ang buhay niya ay nasa isla at hindi siya puwedeng manatili sa tabi nito.

Magagawa kayang buksan ni Eva ang puso niya para kay Lennox? Ang lalaking dumurog sa kanya noon na siyang naging dahilan para maging matibay siya ngayon? Paano niya sasabihin na nagbunga ang saglit na pagmamahalan nila noon?

chap-preview
Free preview
1
LENNOX DOUGLAS "Hoy! Putangina mo gusto mong basagin ko bungo mo?!" malakas na sigaw ni Lennox sa isang lalaking nais pagnakawan ang isang matanda. Nanlaki ang mata ng lalaki. "Tangina naman! Malas!" anito sabay takbo. Gigil na kinuyom ni Lennox ang kanyang kamao nang lumapit siya sa matandang babae. Ang matandang ito ay si aling Maria na nagtitinda ng kakanin. Ito ang kanyang kinabubuhay at pinagkukunan ng pang-araw-araw nilang gastusin ng kanyang apong nasa elementarya pa lang. "Ayos ka lang po ba, 'nay?" mahinahong tanong ni Lennox kay aling Maria. Nginitian siya nito. "Oo naman. Salamat sa iyo, Lennox. Kung hindi ka dumating baka nakuha na sa akin ang kakarampot na perang kinita ko." Bumuga ng hangin si Lennox. Maginoo siya ngunit barumbado. Malapit ang puso niya sa matatanda dahil lumaki siya sa kanyang lola. Na hanggang ngayon ay buhay pa at kasama niya sa bahay nila sa isla. May sarili silang bahay sa isla ng Mariposa. Pero ngayon ay nandito siya sa Santa Claridad. Ang Santa Claridad ay isang abalang bayan sa baybayin ng Palawan na nakaharap sa dagat kung saan tanaw na tanaw ang Isla ng Mariposa sa malayo. Dito dumadaan lahat ng papunta at pabalik ng isla. Narito ang palengke, eskwelahan, mga gusali kagaya ng mall at kung anu-ano pa. Traysikel at multicab ang pangunahing sasakyan. Namalengke kasi si Lennox kaya naroon siya. "Mag-ingat ka ka po palagi, nay. Sabihin mo sa akin kung babalikan ka pa ng lalaking iyon. Putangina no'n eh. Babaliin ko ang leeg niya kapag nakita ko siyang ginagagó kayo," may gigil na sabi ni Lennox. Matamis na ngumiti ang matanda. "Oo sige. Salamat, pogi. Ingat ka sa pagbalik sa isla." "Sige, nay dito na po ako," sagot ni Lennox. Dumiretso siya sa pantalan kung saan nakadaong ang bangka nilang pamilya. Hindi ito pangkaraniwang pampasaherong bangka. Mas maayos at malinis ito. Gawa sa kahoy na pininturahan ng puti at bughaw. May sariling motor na kayang lumusong kahit malakas ang alon. Nakaukit sa gilid ang pangalan. “Esperanza”. Pangalan ng kanyang lola. Umupo muna siya saglit sa gilid ng bangka at saka pinahid ang pawis sa noo habang pinagmamasdan ang paligid. Ang Santa Claridad ay buhay na buhay. May mga batang nagtatakbuhan sa pantalan, mga bangkerong sumisigaw ng biyahe papuntang iba’t ibang isla at mga mamimiling patuloy sa tawaran. Sa malayo, tanaw na tanaw niya ang silweta ng Isla ng Mariposa. Tila isang luntiang paraiso na nakalutang sa bughaw na dagat. Marahan niyang itinulak ang bangka palabas ng pantalan. Saglit siyang huminga ng malalim at saka pinaandar ang makina. Umugong ang motor at nagsimulang humiwalay ang bangka mula sa ingay ng bayan. Tipid na napangiti si Lennox. Sa kabila ng lahat ng gulo at ginhawa sa Santa Claridad, sa isla ng Mariposa naman matatagpuan ang katahimikan. Kaya maraming turista ang nagpupunta roon. Ang iba nga, bumili na ng lupa at doon na nanirahan talaga. "Ano? Nabili mo ba ang lahat ng pinabibili ko sa iyo, apo?" bungad sa kanya ni lola Ezperanza pagdating niya sa isla. "Yes naman, lola. Ako pa ba?" mayabang niyang sabi. Natawa ang lola niya. Dumiretso na sila sa kanilang maliit na bahay ngunit malinis naman ang loob. Gawa sa semento ang kalahati ng bahay na iyon at kahoy naman ang kalahati. Matibay ang pagkakagawa dahil kasama si Lennox sa paggawa nito. "Ako na ang bahala dito, apo. Magpahinga ka na muna," wika ng lola niya. Ngumiti si Lennox at saka lumabas ng kanilang bahay. Naupo siya sa upuan na gawa sa kahoy at saka pinagmasdan ang malinaw na tubig dagat. "Nandito ka na pala, Lennox! Tangina talaga nito ni Rupert eh. Iyong sexy at magandang turista, putangina talaga! Tinira sa likod bahay nila! Napakagagó talaga ng kaibigan nating iyon! Ubod ng manyak!" tawang-tawang sabi ni Orion nang lapitan siya nito. Napailing na lang si Lennox. Maginoo rin ang kaibigan nilang iyon pero ubod naman ng manyak. Halos lahat na lang yata ng babaeng matipuhan ay hindi nito pinalalampas. Talagang binibira nito. Kahit din naman sila ay paminsan-minsang tumitikim ng mga babaeng gusto sila. Pero bihira. Si Rupert talaga ang mahilig. "Hayaan mo na siya. Sakit na talaga niyan. Kapag nagkaroon ng aids iyan, tatawanan ko na lang iyan," sabi ni Lennox. "May babae nga kaninang lumapit sa akin eh. Halatang gustong magpabira. Hindi ko pinansin. Mukhang malandi at sanay na sanay sa ganoong gawain eh. Natakot ako," naiiling na sabi ni Orion. Si Orion naman ay isa ring maginoo ngunit may pagkasuplado. Hindi basta-bastang pumapatol sa babae. Madalas na suplado siya sa mga ito. "Ewan ko ba kung bakit may ganiyang mga babae. Mayroon ding ganiyan sa akin. Galing Manila naman. Tangina ayaw akong tantanan. Masasapak ko na sana eh. Ang landi! Nakakabanas akala mo naman maganda. Mukha namang pusa. Nag-contact lense pa. Akala mo bumagay sa kanya," gigil na sambit ni Lennox. "Gagó ka! Nilait mo naman ng sobra. Pero ganiyan nga sila. Mga sabik sa titï amputà!" dagdag pa ni Orion. "Yow! Nandiyan lang pala kayo! Tara na! Magtrabaho na tayo!" nakangising wika ng kararating lang na si Rupert. Sinabuyan ito ni Orion ng buhangin sabay tawa. "Ikaw ang magtrabaho doon dahil puro kababae! Tagal mong magkatulo sa kahayupan mo!" Malakas na tumawa si Rupert. "Kasalanan ko ba kung guwapo at masarap ako? Siya naman itong gustong-gusto na galawin ko. Pinagbigyan ko lang. At saka ang boring niyo rin kasing dalawa. Kinababaliwan tayo dito sa isla pero hindi niyo iyon ginagamit para makatikim kayo ng iba't ibang klase ng tahong!" Napailing si Lennox. "Manahimik ka na nga lang diyan, Rupert. Gaya mo pa kami sa iyong fûck boy ng islang ito. Hay naku." Tumayo si Lennox at saka pinagpagan ang sarili. Pumasok siya sa loob ng kanilang bahay at saka kinuha ang kanyang uniporme para bumalik na sa trabaho. Si Lennox ay bartender sa El Faro Bar para sa nightlife sa islang iyon. Si Rupert naman ay cook aa La Mariposa Grill. Seafoods ang pangunahing menu. Habang si Orion naman ay tour guide staff ng Dive Shop & Tours para sa adventure kagaya ng norkeling, diving at secret coves. "Magtrabaho na tayo. Baka mapagalitan na tayo ng mga boss natin," saad ni Lennox bago lumakad na patungo sa El Faro Bar. Tumawa sa gilid niya si Rupert. "Yeah! Trabaho muna bago iyöt!" "Gagó ka talaga!" bulyaw ni Orion.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

30 Days to Freedom: Abandoned Luna is Secret Shadow King

read
310.1K
bc

Too Late for Regret

read
286.0K
bc

Just One Kiss, before divorcing me

read
1.7M
bc

Alpha's Regret: the Luna is Secret Heiress!

read
1.2M
bc

The Warrior's Broken Mate

read
137.6K
bc

The Lost Pack

read
396.4K
bc

Revenge, served in a black dress

read
147.1K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook