9

1702 Words
EVA Inis na inis si Eva paggising kinabukasan. Halos wala siyang tulog. Paulit-ulit lang na bumabalik sa isip niya ang nangyari kagabi. Ang biglang paglapit ni Lennox, ang mariing titig nito at ang putànginang pagkain nito sa kanyang pudày. Paulit-ulit iyong pumapasok sa isipan niya. Dama pa rin nga niya hanggang ngayon ang mainit na dila nito doon. At naiinis siya dahil parang namamasa siya habang iniisip iyon. “Bwisit,” mura niya habang hinahaplos ang noo. “Anong pumasok sa kukote ng gagóng at ginawa ‘yon? Sabik na sabik lang siya sa pudáy ko ganoon? Wala ba siyang ibang makain na pudáy na kasing tambôk ng akin?!" Paglingon niya, mahimbing pang tulog si Maya habang nakayakap sa manika nito. Napangiti siya saglit pero agad ding napabuntong-hininga. 'Hindi dapat ako nagpapadala sa kalandian ng lalaking iyon. Sabihin na nating masarap nga siyang kumain ng pudày pero hanggang doon na lang iyon. Kahit kainin niya pa ang pudày ko ng paulit-ulit, hindi na ako mahuhulog pa sa kanya.' Ilang oras pa ang lumipas, nagising na rin si Maya. Inasikaso niya ang kanyang anak para ihatid na ito sa Mariposa Learning Corner. Habang nag-bibihis ng uniporme, napansin niyang nanginginig pa ang mga kamay niya. Hindi niya alam kung sa galit o sa inis sa sarili. “Hayop talaga! Bakit ba ayaw maalis ng pangyayaring iyon sa isipan ko? Tangina kasi eh! Kahapon lang kami nagkita pero kinain na agad ang pudày ko?! Napakagagó talaga kahit kailan!" inis niyang sabi sa sarili. Pinilit niyang ngumiti sa salamin, pero halatang lutang ang itsura niya. Malalim ang eyebags, maputla at pero kahit na ganoon, maganda pa rin talaga siya. Pagdating sa La Mariposa Grill, halos wala siya sa wisyo. Pero pinipilit niyang maging maayos sa trabaho. Inaalis niya talaga sa isip niya ang ginawa ni Lennox. “Ay, girl, okay ka lang?” tanong agad ni Claudia pagpasok pa lang niya. “Parang hindi ka natulog ah.” “Hindi talaga,” sagot ni Eva sabay hikab. “Bangag ako ngayon, swear.” “May nangyari ba kagabi?” tanong pa nito na may halong ngiti. Napataas lang ang kilay ni Eva. “Wala.” Pero kahit anong pagtatago niya, halatang may kakaiba. Habang nagse-serve siya ng order, tatlong beses siyang natapunan ng tubig, dalawang baso ang halos mabitawan niya at isang beses pa siyang natawag ng customer. “Miss, okay ka lang? Parang may problema ka.” "Wa-Wala po, ma'am," alanganin siyang ngumiti sabay talikod. Mariin siyang pumikit bago kinurot ang sarili. 'Tangina mo talaga, Lennox! Papatayin na talaga kita kapag nagkita tayo ulit!' Habang abala siya, biglang lumapit si Rupert mula sa likod niya na dalang kutsilyo’t kaldero. “Uy, Miss Eva,” bungad nito ng nakangisi. "Magkakilala pala kayo ng kaibigan kong si Lennox? Anong pinag-usapan niyo kagabi? Bigla kayong nawala eh." Napahinto si Eva at tumingin sandali. “Ha?” “Aba, huwag kang mag-ha-ha diyan. Kwento mo nga, ano’ng mayroon sa inyo ni Lennox? Ang tagal no’ng gagong ‘yon walang siniseryoso eh.” “Wala,” malamig niyang sagot. “Wala raw,” pang-aasar ni Rupert. “Eh bakit daw kagabi, parang may nangyari? Nakita kitang namumula, oh! Eh, kung ako si Lennox baka ‘di lang halik ‘yon-” “Tarantado ka manahimik ka,” gigil niyang sabi sabay tuloy sa pag-ayos ng baso. “Rupert, kung wala kang magawa, mag-prito ka na lang. Mas okay pa ‘yon kaysa pagtsismisan ako.” Tawang-tawa si Rupert. “Ay defensive! Alam mo, kapag sinabing wala, ibig sabihin mayroon!” Tinapunan lang ito ni Eva ng masamang tingin. “Isa pa, Rupert at isasawsaw ko ‘yang ulo mo sa mainit na sabaw.” “Ay, grabe ka naman! Galit na galit! Sige na, sige na, peace!” sabi nito sabay taas ng kamay pero halatang aliw na aliw sa reaksyon ni Eva. “Pero seryoso, ang swerte no’ng kaibigan ko, ah. Ang ganda mo tapos ang sexy mo pa! No wonder mag-iiba ugali no’n dahil sa iyo.” Napatingin si Eva pero hindi na sumagot. Pinili niyang tumalikod at mag-focus sa trabaho. "Huwag mong pansinin. Huwag mong pansinin ang hinayupak na iyon," paulit-ulit niyang sabi sa isip. Pagsapit ng hapon, tapos na ang shift niya. Sobrang pagod siya. Hindi lang katawan kundi isip. “Girl, mauna na ako ha,” sabi ni Claudia. “Ikaw, magpahinga ka ng maaga. Ang bangag mo na.” Ngumiti lang si Eva. “Oo, magpapahinga ako. Salamat.” Pag-uwi niya, tahimik na ang buong paligid. Ang mga ilaw ng ibang bahay ay patay na. Tanging mga alon lang ng dagat ang maririnig sa malayo. Si Maya ay tulog na at nakasiksik sa ilalim ng kumot. “Ang bilis mo talagang makatulog, anak,” bulong ni Eva habang hinahaplos ang buhok ng bata. Lumabas siya sa pintuan, dala ang baso ng malamig na tubig at umupo sa upuan sa labas. Tahimik na aa labas at nakaka-relax. Ngunit sa gitna ng katahimikan, naroon pa rin ang gulo sa dibdib niya. Napatingala siya sa langit. Maliwanag ang buwan at sa bawat hinga niya, bumabalik ang alaala ng gabing iyon. ‘Yong biglaang halik ni Lennox. ‘Yong mainit na hininga nito na dumampi sa labi niya. ‘Yong sandaling natigilan siya, hindi alam kung lalayo o lalapit. 'Yong gabi kung paano nito sipsîpin ang mani niya at higupin ang katas niya. “Bwisit kang lalaki ka,” bulong niya. “Anong karapatan mong gawin ‘yon? Akala mo ba madadala mo ulit ako sa mga ganyang kalokohan?” Ngunit habang sinasabi niya iyon, napansin niyang umiinit ang pisngi niya. “Putanginà talaga,” gigil niyang sabi sa sarili sabay takip sa mukha. “Ano bang problema ko? Bakit ako namumula? Hindi ako kinikilig! Hindi! Never!” Sinubukan niyang ipihit ang isip niya sa ibang bagay. Trabaho, anak, gastusin at iba pa. Pero kahit anong pilit, bumabalik pa rin sa isip niya ang mukha ni Lennox. Muling sumagi sa isip niya mga masasayang alaala nila. Iyong paraan ng pag-ngiti nito na parang alam ang lahat ng kahinaan niya. “Argh!” sabay sabunot niya sa sarili. “Eva, tangina ka talaga. Ano ba!” Habang nakatingin siya sa dilim, may biglang narinig siyang yapak sa likod. Napalingon siya pero wala siyang nakita. “Siguro pusa lang,” bulong niya. Ngunit ilang segundo pa, narinig niya ulit ang yabang pero mas malapit na. “May tao,” mahina niyang sabi at saka kinabahan. Paglingon niya muli, halos mapatili siya. Si Lennox, ay nakatayo sa likod niya. May nakaloloko itong ngiti. “Tangina naman, Lennox!” sigaw ni Eva bago napahawak sa dibdib. “Gusto mo ba akong atakihin sa puso?!” Ngumiti lang si Lennox. “Hindi ko naman sinasadya. Ang hina kasi ng pandinig mo.” “Hindi mahina ang pandinig ko, gagó ka lang sumulpot!” Tumawa si Lennox. Tawang tipong nakakaloko. “Ang ganda mo pa ring magmura, Eva. Akala ko nagbago ka na. Iyong pagmumura mo lang ang tinatanggap ko." Inirapan niya ito. “Hindi ako nagbago, Lennox. Ikaw lang ‘yong nagbago. Ikaw ‘yong nawala.” “Hindi naman ako nawala. Bumalik nga ako, oh.” “Bumalik? Hindi ka bumalik, tanga! Sadyang nagkita lang tayo dito sa isla!” bulyaw ni Eva. “Pagkatapos ng ilang taon, isang halik lang, akala mo okay na ulit lahat? Hindi ganon kadali!” Lumapit pa lalo si Lennox. "Hindi lang naman kita basta hinalikan. Kinain ko pa nga iyang si tambók," nakangisi nitong sabi. Nanlaki ang mata ni Eva kasabay ng pamumula ng kanyang pisngi. "Tangina mo! Manyakis kang hayop ka!" Napailing na lang si Lennox. "Hindi ko sinasabi na okay na lahat sa atin. Pero gusto kong makausap ka ulit ng maayos, Eva.” Tumingin si Eva sa binata. "Hindi ko alam kung kaya ko ‘yon. Ayokong makausap ka pa sa totoo lang." “Subukan mo muna.” Hindi siya makatingin nang diretso kaya napayuko na lang siya. Para kasing natutunaw siya sa mga titig ni Lennox. Imbes na maging matigas siya at palaban, para siyang nauupos na kandila sa titig nito. “Lennox, gabi na. Umalis ka na. Ayokong magising pa si Maya.” Kumunot ang noo ni Lennox. "Maya?" Napakurap si Eva sabay iwas ng tingin. "Oo. Anak ng pinsan kong namayapa. Sa akin iniwan kaya ako ang kinikilala niyang ina," pagsisinungaling niya. Tumango si Lennox. "Mag-usap na tayo ng maayos." "Wala tayong dapat pag-usapan," may diin niyang sabi. Tumikhim si Lennox. "Mayroon tayong dapat pag-usapan. Marami. At gusto kong humingi ng tawad sa iyo. Patawad kung hindi na ako nakabalik pa sa Maynila. Hindi ko magawang iwan ang pamilya ko dito. Lalo na't mahina na si lola..." mahinahong sabi ni Lennox. Hindi niya ito tinitingnan. Naiintindihan naman niya ang point nito pero hindi niya maintindihan kung bakit kailangan pa nitong putulin ang komunikasyon nila noon. Kung hindi sana ginawa iyon ni Lennox, wala namang kaso sa kanya kung sumunod siya sa islang iyon. Baka nga sila pa rin hanggang ngayon at parehas na empleyado sa isla Mariposa. “Lennox…” mahina niyang sabi. “Ano pa ba ang gusto mong mangyari, ha? Nasaktan mo na ako ng sobra tapos ngayon manggugulo ka na naman? Wala ka talagang awa 'no?" Ngumiti si Lennox ng tipid. “Makinig ka muna.” Magsasalita pa sana siya pero bigla na lang siyang hinatak ni Lennox. Nanlaki ang mata niya dahil ang kamay nito ay nasa malusog niyang dibdib at saka nilalamas iyon ng mabagal. Kahit nakadamit pa siya at naka-bra, ramdam niya ang init ng palad ni Lennod. “Putangina naman, Lennox!" Ngumisi lang si Lennox habang patuloy na nilalamás ang dibdib niya. Napakagat siya ng labi dahil may kakaibang init at kiliti ang hatid ng ginagawa ni Lennox sa dibdib niya. "Miss mo rin pala ako, 'no?” “Hindi!” sagot niya pero halata namang nagsisinungaling siya. Natawa si Lennox. “Sige. Kung ‘yan ang gusto mong paniwalaan.” "Alisin mo nga iyang kamay mo! Bakit mo nilalamàs dedé ko?!" sabi niya sabay hampas sa kamay nito. Bago pa tuluyang umalis si Lennox, dinakma muna nito ang kanyang pudày sabay takbo ng mabilis palayo. "Hayop ka talaga!" gigil niyang sabi.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD