TRIDA POV "Saan ka ba kasi pupunta?" paulit-ulit na tanong sa 'kin ni Ivy. Kanina niya pa ako kinukulit simula nang magising ako hanggang ngayon sa paggayak ko ay hindi niya pa rin ako tinatantanan. "Basta. 'Wag ka muna magtanong. Pag-uwi ko na lang at saka ko sasabihin sa'yo," tanging sagot ko sa kaniya sabay dampot sa bag ko at saka na ako nagpaalam. "Aalis na 'ko." Sumunod siya sa paglabas ko sa pinto at hinatid niya pa ako sa lobby habang nakasimangot. "Magte-text ako sa'yo kapag nakausap ko na 'yung tao." Muli ko siyang binalingan bago ako tuluyang tumungo palabas sa gate. Naabutan ko na rin doon ang taxi na ipinasuyo ko kay Ate Mildred kanina habang gumagayak ako. Naghihintay na ito sa akin kaya agad na akong sumakay roon at sinabi na ang address na aking pupuntahan. Ilang oras a

