IVY POV Kinuha agad ni daddy sa kamay ko ang cell phone at saka niya 'yon tiningnan. Nang makita niyang restricted number ang nasa screen ay agad niya 'yon ibinalibag. Tumama 'yon sa pader at nagkahiwa-hiwalay. "Dad...b-bakit..." Pareho kaming nagulat ni mommy sa ginawa niya. "Get a new one. Kinuha ng lalaki kanina ang number mo sa phone ko. And it's very easy to hack a cell phone, even if all they have is the phone number. They can also find your location," seryoso niyang sabi. Bigla naman akong natakot. Ibig sabihin, gusto talaga nila akong mahanap dahil sa kwintas? "Simula ngayon, don't let anyone touch your phone and don't let others have your phone number. You have to be careful." *** Pagkatapos ng naging pag-uusap namin nila mommy at daddy ay sinabihan na agad nila akong umalis

