TRIDA POV "Now, the decision is yours. Will you trust me or not?" Natahimik ako saglit. I studied his face and I know for sure na puwede ko siyang pagkatiwalaan. I leaned forward and rest my forearm in the table. "Come closer," bulong ko sa kaniya. Ngumiti naman siya. Mukhang pabor na pabor sa kaniyang maging malapit sa akn. Nirest niya rin ang forearm niya sa mesa at inilapit ang mukha niya sa mukha ko. Luminga-linga muna ako sa paligid just to make sure na kami lang dalawa ang tao sa rooftop at walang ibang makakarinig sa sasabihin ko. Binalik ko na ulit ang tingin ko sa kaniya pero inilayo ko nang bahagya ang mukha ko dahil sobrang lapit na namin. "Ganito 'yon," I started. "Di ba aware naman kayo sa mga nangyayari sa school natin. 'Yung mga namatay na estudyante?" Tumango siya. "Oo.

