TRIDA POV "Aray! Teka! Makahila ka naman!" reklamo ko. Pagkatapos kasi namin kumain ng almusal, niyaya agad ako ni Ivy sa taas. Halos kaladkarin niya pa nga ako papasok sa kwarto. "Pulong muna tayo. Lock mo pinto, dali." Wow. Ako na ngayon ang inuutusan niya. Nagtaka ako pero sinunod ko na lamang siya. Nang maisara ko 'yon at mai-lock ay agad akong umupo sa gilid ng bed ko at humarap sa kaniya. "Bakit? Tungkol saan?" tanong ko habang naglalakad siya nang pabalik-balik at mukhang hindi mapakali, with matching kagat pa sa kuko. She looked so worried. "Maupo ka nga. Nahihilo 'ko sa'yo!" Bigla siyang tumigil at tiningnan ako. Bakas ang kaba sa kaniyang mukha. "Alam ko na kung sino si Supremo," she said quietly, but enough for me to hear. "Sino?" Naupo siya sa tabi ko at nagsimula ng m

