VENICE MARTINEZ's Point Of View THIS is it! Walang nang ayawan ito. Totohanan na talaga ito. Hindi ako mapakali at para bang sinisilihan ang pwet ko sa kaba. Hindi talaga mawala ang mabilis na pintig ng aking puso sa tindi ng aking kabang nararamdam ngayon. Para bang mas malakas pa ang dagundong ng aking dibdib sa dagundong ng music sa buong gymnasuim ng school. "Oh my gosh! Venice? Is that you?" Sabi ni Jess ng maabutan niya ako sa back stage na nagreready na. Kasama niya sina Francis at Nicole na nakatitig lang sa akin. Napakunot noo ako. "Mukha ba akong ewan?" Tanong ko nang hindi nila lubayan ang mukha ko. Nagkatinginan silang tatlo bago tumingin ulit sa akin. "Ang ganda mo!" Talagang sabay sabay nilang sabi. Nawindang naman ako sa kanila. "Wee di nga?" Hindi pa rin ako m

