Simula
-VENICE MARTINEZ's Point Of View
ISANG malalim na buntong hininga ang aking pinakawalan habang nakatanaw sa mga estudyanteng naglalakad papasok ng gate ng aming paaralan. Nandito kami ngayon sa lounge ng aking mga kaibigan habang hinihitay si Jared Mendiola, ang lalaking bibigyan ko ng pinagpuyatan kong sulat kagabi.
Si Jared Mendiola ang nag-iisang lalaking nakakuha ng aking atensiyon. Kilala ko na siya simula elementary pa lang kami dahil isa siya sa mga batchmates ko. Kilala siya ng lahat dahil lagi siyang nangunguna pagdating sa academics at sobrang gwapo niya rin talaga.
Natandaan ko pa iyong time na nagbigay siyang welcome address sa buong grade seven dahil nakuha naperfect niya lang naman ang entrance exam na binigay ng aming school. Napatulala ako at bigla na lang nagslow motion ang buong paligid pagkakita ko sa kaniya. Feeling ko nga nalove at first sight ako.
Kaya mula noon, lagi ko na siyang ini-stalk. Never akong pumasok ng library pero nang dahil sa pagsunod ko sa kaniya nagawa kong pumasok sa library at tumambay doon ng higit na apat na oras para lang titigan siya. Bukod doon, nalaman ko rin ang schedule ng subjects niya araw-araw. Tsaka, kakasunod sa kaniya’y nalaman ko ring allergic siya sa peanuts, ayaw niya ng maingay kapag nagbabasa siya ng aklat, mahilig siyang kumain ng burger, at ang cool niya kapag naglalaro siya ng basketball.
"May, okay ka lang ba?" Tanong sa akin ni Nicole habang nakapaskil ang ngisi sa kaniyang mga labi.
"Kaya mo iyan, May! Fighting!" Nakangiti namang sabi ni Jessica na alam kong pinapalakas ang aking loob.
Sila ang dalawang napakasupportive kong best friends. Kaming tatlo ay magkaklase na simula grade seven pa lang kami at hanggang sa ngayon.
Napabuntong-hininga ako. "Friend, parang hindi ko na kaya. ‘Wag na lang kaya?" Nagdadalawang isip kong sabi.
Papaano kung hindi niya tanggapin itong sulat na ibibigay ko? Papano kung pagtawanan niya lang ako?
"Aray!"
Nasapo ko ang aking noo na pinitik ni Nicole.
"Sino ba ang nang-istorbong nagyaya sa amin dito ngayon para lang maibigay ang ginawa niyang sulat sa pinakamamahal niyang genius?" Nakapameywang na sabi ni Nicole sa akin.
"Ako," mahina kong sagot.
"Sino ba ang may pakana ng love letter na iyan?" Nakataas ang kilay habang nakaturo sa hawak hawak kong letterna sambit ni Jessica.
"Ako." Sabi ko ulit.
"Sino bang gusto mapansin ni Jared Mendiola?" dagdag pang usal ni Nicole.
"Ako." Mabilis kong sagot.
"Oh, iyon naman pala, eh. Ikaw! Ikaw ang salarin. Tapos ngayon ka pa aayaw? Eh, nandito na tayo." Sagot ni Jessica sabay ngisi.
"Tsaka Venice, kung hindi mo iyan ibibigay ngayon kailan mo iyan ibibigay? Kapag may girlfriend na siya? Pinaghirapan mo iyan ‘di ba? Anong oras ka na nakatulog kagabi para lang matapos iyang sulat na iyan?" Usisa ni Nicole sa akin.
"Alas tres ng madaling araw."
Ang totoo inaantok pa nga ako hanggang ngayon. Dalawang oras lang ang tulog ko kagabi dahil tinapos ko itong sulat na ginawa ko.
"Oh, kita mo na! Madaling araw ka na pa lang nakatulog para lang matapos iyang letter mo tapos hindi mo ibibigay? Sayang ang effort mo kung nagkataon. Kaya ibigay mo na iyan ngayon. Malay mo tanggapin niya iyan. Mabait naman si Jared, ‘di ba?"
Tumango ako kay Nicole. Tama, mabait naman talaga si Jared. Magugustuhan ko ba siya kung hindi?
Humigpit ang pagkakahawak ko sa letter. Ibibigay ko na talaga ito sa kaniya.
Hinigpitan ko ang pagkakahawak sa sulat tsaka napalingon muli sa mga estudyanteng nagdaraan sa aming harapan.
Nanlaki ang mata ko ng mapansing ang isang matangkad at maputing lalaki na papasok kakalabas lang ng kotse. Sinundan ko siya ng tingin habang naglalakad siya papasok ng school. He was wearing our school uniform pair with balck shoes. He was holding his cellphone on his other hand while the other is busy pushing back some strand that falling on his forehead.
"Malapit na siya. Harangan mo iyong dadaanan niya bilis!" Ani Nicole.
At bago pa ako makahakbang naitulak na niya ako. Nawalan ako ng balanse kaya napasubsob ako sa lalaking kaharap na walang iba kundi si Jared.
Pinaningkitan ko ng mata si Nicole sa ginawa niya. Ngumisi lang pabalik ang gaga.
"Are you okay?" dinig kong tanong ni Jared.
Napaangat ako ng tingin sa kaniya. Tsaka umayos ng tayo. I tried so hard to remain smiling kahit na nanginginig ‘yung labi ko sa pinagsamang kaba at bilis na pintig ng aking puso.
Sobrang lapit ng mukha niya sa mukha ko. Kaya natitigan ko siya ng maigi.He was taller than me. Makakapal ang kaniyang kilay na bumagay sa mata niyang katamtaman lang ang laki. Napakamesteryoso rin ng kaniyang kulay itim na mata na para bang nanghihipnotismo kapag iyo iyong tiningnan. Matangos ang kaniyang ilong na bumangay sa kaniyang maputing kutis. Mapupula ang kaniyang labi na para bang ang sarap halikan.
"Miss?"
Tapos iyong pilik mata niya, grabe ang hahaba. Feeling ko mas mahaba pa ang mga iyon kaysa sa akin.
"Hey, tititigan mo na lang ba ako?" Seryoso niyang sabi na may halo ng iritasyon. Parang biglang sumanib ang aking katawang lupa sa aking sarili na nagpabalik ng aking huwisyo sa nakitang iritasyon.
"A-Ano.. Uhm.. Sorry." Nahihiya kong sambit. Nakakahiya ka talaga, Venice! Tititigan mo nalang nga siya hindi mo pa magawa ng ayos! Masyado kang showy!
Saglit niya akong sinulyapan bago ako linampasan at tuloy tuloy na naglakad palayo. Napalingon ako sa kaniya at napahawak ng mahigpit sa sulat na ginawa ko na para lang talaga sa kaniya.
"Ano, Jared! Wait lang!" Sigaw ko. Napatigil siya at napalingon sa akin. Nagtataka. Lumakad ako palapit sa kaniya at nang nasa harapan niya na ako inabot ko iyong sulat ko sa kaniya habang nakayuko.
"Para sa iyo," Sabi ko.
Lumipas ang ilang segundo. Bakit tumahimik ata ang buong paligid?
Mula sa pagkakayuko tinaas ko iyong ulo ko. Nakita ko si Jared sa harap kong nakatingin sa akin ng seryoso. Napalunok ako. Ganiyan ba ang expression ng tatanggap ng sulat? Kulang na lang kainin niya ako ng buo.
"Ayoko. Hindi ko kailangan iyang basurang iyan." Tinalikuran niya ako at nagpatuloy siya sa paglalakad. Naiwan akong nakatunganga sa kawalan.
Ayoko. Hindi ko kailangan iyang basurang iyan.
Para akong nawalan ng lakas at napaupo sa semento habang nag-e-echo sa isipan ko iyong sinabi ni Jared. Tinawanan ako ng mga estudyante na nakarinig at nakakita sa ginawa ko.
Ayoko. Hindi ko kailangan iyang basurang iyan.
First time kong magbigay ng sulat palpak pa! Basura raw? Gusto ko tuloy maiyak sa kahihiyan.