"OKAY ka lang ba, Venice?" Tanong ni Nicole. Napalingon ako sa kaniya.
"Tingin mo okay lang ako?" Maluha luha kong tugon.
Pinaghalong sakit, pait, panghihinayang at rejection ang aking nararamdaman ngayon. Hindi ko matanggap. Hindi man lang niya tinanggap iyong sulat ko. Pinaghirapan ko pa naman iyong isulat. Nagsearch pa ako para i-check iyong grammar ko tapos sasabihin niya basura lang itong sulat ko? Grabe naman siya.
"Siya iyon?"
"Oo, siya nga."
"Siya iyong nagbigay ng love letter ‘kay Jared pero hindi tinanggap ni Jared."
"Hindi ba nasa class C siya?"
"Ang kapal ng mukha niyang magbigay ng letter sa top student ng campus sa harap ng maraming estudyante."
"Grabe. Hindi marunong lumugar."
"Nakakahiya siya."
"Ano nga ang pangalan niya?"
"Venice Martinez ng class C.”
Sana naman kung pagtsitsismisan nila ako hindi iyong tipong rinig na rinig ko ‘di ba? Ang sasama naman nila. Anong masama kung magbigay ako ng letter sa top student ng campus? Mamamatay ba ako? Makukulong? Ipinahayag ko lang naman ang damdamin ko. Masama bang maging totoo?
"Hoy! Kayo, ah! Tigil tigilan ninyong pagtsismisan ang kaibigan namin. Hindi na kayo nakakatuwa!" Nakataas ang kilay na sambit ni Nicole.
"Oo nga! Kung wala kayong magawa mag-aral na lang kayo kaysa naman pinagtsitsismisan ninyo ang buhay ng ibang tao." Mariing sabi ni Jessica.
Hindi ako umimik peros deep inside gusto kong yakapin ang dalawa kong kaibigan sa pagpoprotekta sa akin. Biglang tumahimik ang lahat.
"Halika na nga, Venice." Sabi ni Nicole sabay hila sa akin.
Nakarating kami sa room. As usual, magulo at maingay sa room naming ng aming itong datnan. Karamihan sa makikita mo sa aming klase ay pulos lalaki na naglalaro, iyong iba naman naggigitara at kung ano-ano pang ginagawa. Four years na akong nasa class C. Ang class C ang pangalawa sa huling section sa lahat ng sections dito sa aming school. Ang alam ng iba mga walang alam, walang mararating sa buhay, stupido at mga bobo lang ang mga estudyante ng klaseng ito.
Alam ko namang hindi ko makakasama si Jared sa isang klase dahil nasa honor class siya kaya ginawa ko itong sulat ko para sa kaniya perp…
Ayoko. Hindi ko kailangan iyang basurang iyan.
Iyan iyong natanggap ko! Gusto kong na lang umiyak.
"Tama na iyan, Friend. ‘Wag mo nang isipin iyong nangyari kanina." Sabi ni Jessica habang hinahagod ng kaniyang kamay ang aking likod. Nakasubsob ako sa desk ko habang umiiyak sa kahihiyan.
"Alam ninyo, gwapo nga si Mendiola, talented at matalino pero may problema siya bilang tao." Sambit ni Nicole.
"Tama ka diyan, Cole. Hindi siya interesado sa mga babae kahit na eighteen years old na siya.”
“Wait lang, baka naman,” nagkatinginan sina Jessa at Nicole.
“Bakla siya!” sabay na sambit nilang dalawa.
“Wag nga kayong mag-isip ng ganiyan! Grabe kayo, ha.” Napailing ako.
“Hindi siya bading,” komento ko. Pilit na kinukumbinsi ang aking sarili sa aking sinabi.
Lumapit sa akin si Nicole. “Pero, okay lang iyan Venice meron pa namang mas normal na lalaki diyan sa tabi tabi." Aniya.
"Venice! Totoo ba? Totoo bang nagconfess ka sa Mendiola na iyon? Gusto mo ang nerd na iyon? Papano na tayo niyan? Papano na ang VenSon?" Sabi ni Jibbson habang yinuyugyog ang braso ko ng paulit-ulit.
Siya naman, si Jibbson Ramirez. Ang childhood friend ko. Mabait iyan, maaasahan at napakaresponsable rin. Never ko pa siyang nakaaway at kaklase ko na siya simula elementary. Madalas niyang sabihin na may gusto raw siya sa akin pero hindi ko naman iyon binibigyan pansin dahil alam ko namang nagbibiro lang siya. Parang kapatid ko na rin siya kasi napakaover protective niya pagdating sa akin.
"Anong tayo? Wala namang tayo, ah. Tsaka anong VenSon?"
Inalis ko iyong pagkakahawak niya sa braso ko. Minsan talaga may madrama itong si Jibbson.
"What? Hindi ba sabi ko sa iyong gusto kita? Hanggang ngayon ba naman hindi ka pa rin naniniwala? Tsaka iyong VenSon, pinagsamang pangalang natin iyon Venice plus Jibbsson equals VenSon. Ganda ‘di ba?”
"Hindi."
“Aw!” humawak si Jibbson sa kaniyang dibdib at umakto na parang nasaktan sa sinabi ko. Napailing na lang ako sa kaniya.
"Ano na ang plano mo ngayon, May? Ano nang gagawin mo sa letter na iyan?" Takang tanong ni Jessica.
"Itatago ko na lang. Magigive up na siguro ako kay Jared. Hindi niya nga tinanggap ang letter ko, ako pa kaya?" nagfake laugh ako.
"Maymay," malungkot nilang tawag sa akin. Ngumiti ako sa kanila.
"Ano ba naman kayo. Okay lang ako. Okay lang talaga ako." Sabi ko.
Napatingin ako sa sulat na nasa ibabaw ng desk ko. Alam ko namang hindi niya ako magugustuhan. Una pa lang wala naman akong pag-asang tatanggapin niya itong sulat ko. Pero kahit na ganoon masakit pa rin sa part ko na hindi niya talaga tinggap itong munting sulat ko.
Hay! Kawawang sulat.