Kabanata 2

822 Words
"LILIPAT na kayo ngayon sa apartment ng kaibigan ng Papa mo hindi ba?" Takang tanong sa akin ni Nicole matapos naming makalabas ng school. Kasama namin ngayon sina Jessica, Jibbson at si Francis na best friend ni Jibbson.   Tumango ako. Ang totoo niyan dahil sa nangyaring bagyo last week ay nasira ang aming bahay. Nadaganan kasi iyon ng malaking puno ng Acacia  n gaming kapitbahay. At dahil marupok na rin talaga ang materyales na ginamit dahil sa katagalan ng panahon ay nasira ito. Sa mumurahing boarding house lang kami namamalagi ni Papa buhat nang magpasya siyang  ipagawa ang bahay namin. Dahil hindi pa iyon tapos at dahil na rin gipit kami sa pera ngayon naisipan ni Papa na paunlakan na lamang ang suhestiyon ng kaniyang kaibigan na matagal nang  tumawag sa kaniya na doon muna kami tumira sa Apartment Complex na pagmamay-ari nila.   "Saan daw iyon?" nakakunot-noong tanong ni Jessica.   “Hindi ko pa alam. Wala namang sinabi si Papa."   “Kailan kayo lilipat?” takang usal ni Jibbson.   “Mamaya na, pagkauwi ko. Hindi rin kasi kami pwedeng magtagal sa boarding house na tinutuluyan namin kahit na malapit iyon dito sa school dahil alam ninyo naman dagdag gastos din iyon.” Halos kalahati ng kita ni Papa buwan-buwan ang binabayad namin sa boarding house hindi pa roon kasama ang baon at pamasahe ko araw-araw kaya talagang mabigat iyon para sa amin.   “Sasabay na ako sa inyo para makatulong ako sa paglipat ninyo.”   Umiling ako sa mungkahi ni Jibbson. Ayoko nang maistorbo pa siya. Lagi niya na lang inaabala ang sarili niya kapag may nagyayari sa akin.   “Hindi na. Salamat na lang. Nakaayos na lahat ng gamit namin. Hinihintay na lang ako ni Papa para makaalis na kami.”   "Ganoon ba?" Malungkot na sabi ni Jibbson.   Tinapik siya ni Nicole. "Oo. Sige na baka hinihintay na ako ni Papa. Mauuna na ako sa inyo. Bye!" Pumara ako ng taxi at sumakay doon para mapabilis ako ng uwi.   "Mag-iingat ka!" Sabay na sambit nina Nicole at Jessica.   Tumango ako bago sila tuluyang tinalikuran.     "PAPA, okay lang po bang tumira tayo sa apartment ng kaibigan mo ng libre?"  Nagbabiyahe na kami ni Papa papunta sa apartment complex na pagmamay-ari ng kaniyang kaibigan ng tanungin ko iyon.   "Oo naman. Siya pa nga ang kumimbinsi sa akin para alukin tayong tumira sa apartment  nila kung saan katabi ng apartment ng kaniyang anak na nakatira rin doon para may makasama ito kaya ‘wag kang mag-alala, nak." Kampanteng sabi ni Papa. Napabuntong-hininga ako.   "Ilan po ba ang anak ng kaibigan mo, Pa?" Koryusong tanong ko.   Napaisip si Papa. "Ang pagkakaalam ko isa lang ang kaniyang anak. At ang pagkakaalam ko’y sa school n’yo rin iyon nag-aaral." Tumango tango ako. Siguro napakasosyal ng anak ng kaibigan ni Papa ang yaman kasi nila.   "Nandito na po tayo, Sir." Deklara ng taxi driver na nasakyan namin.   Bumaba kami ng taxi ni Papa sa tapat ng malaking apartment. Humanga nga ako sa laki nito. Binayaran ni Papa iyong driver matapos niya kaming tulungan sa pagbaba ng aming mga bagahe bago umalis. Napalingon ulit ako sa napakalaking apartment complex na nasa aking harapan.   "Papa, hindi mo sinabi sa aking mayaman pala talaga ang kaibigan mo," tudyo ko sa kaniya.   "Hindi ba?" Napakamot ng ulo si Papa. "Mayaman talaga si Matt Mendiola dahil negosyante siya. Halos lima ring mga kompanya ang kaniyang pag-aari sa loob at labas ng ating bansa."   "Mendiola?" natilihan kong tanong.   "Oo, Mendiola ang apelyido ng kaibigan kong iyon," proud pa na sabi ni Papa bago may tinawagan sa kaniyang phone.   Hindi ko alam pero bigla na lang akong kinabahan. Mendiola? Hindi ba si Jared, Mendiola rin ang apelyido? ‘Wag mong sabihing..   Napailing ako.  Hindi pwede. Baka naman magkaapelyido lang sila. Hindi porket Mendiola, si Jared na agad.   “Oo, nandito na nga kami sa labas nitong apartment na sinabi mo.” Ani Papa.   “Huh? Ang anak mo?”   Lumingon lingon si Papa sa paligid kaya napalingon na rin ako sa paligid gaya niya. Bumukas iyong pinto ng apartment at lumabas doon ang isang matangkad na lalaki na nakatingin sa aming gawi. Mabilis ang pagtahip ng aking dibdib pagkakita sa kaniya. Lumapit siya sa amin. Habang papalapit siya’y pakiramdam ko’y nag-e-slow motion ang buong paligid.   “Angelo Martinez, Sir?” buo niyang tanong kay Papa.   Tumango si Papa. Ngumiti si Jared sa kaniya.   “Jared Mediola, po. Panganay na anak ni Matthew Mendiola.” Magalang niyang pagpapakilala kay Papa at nakipagkamay pa.   Namilog ang mata ko habang nagkarelief naman si Papa.   “Pasok na po kayo sa loob,” yaya ni Jared sa amin tsaka tinulungan akong buhatin ang aking dala-dalang maleta. Muntik nang lumuwa ang mata ko nang titigan niya ako. Kumurap-kurap pa ako nagbabakasakaling namamalikmata lang ako pero hindi talaga.   Si JARED MENDIOLA nga talaga ang kaharap ko ngayon!  
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD