Kabanata 3

792 Words
“OKAY na po ba kayo rito, Tito Angelo?” Tanong ni Jared kay Papa nang maihatid niya kami sa apartment room namin. Sobrang laki na nga nito kumpara sa boarding house na tinutuluyan namin dati. Dalawa ang kwarto na may sariling bathroom at comfort room! May mini library din, sala, kitchen, at dining. Mayroon ding malambot na sofa na talaga namang magiging komportable ka kung mauupuan mo. Kung ako ang tatanungin wala na akong masasabi, okay na ako rito.   “Okay na kami rito, Jared. Maraming salamat,” ani Papa na nakangiti.   Nagpaalam na si Jared sa amin at iniwan na kami ni Papa. Mabilis akong tumayo tsaka lumapit sa pinto kung saan lumabas si Jared para sundan siya at magpasalamat na rin sa kaniya. Nadatnan ko siyang nakatayo sa isang pinto kaharap sa pinto ng apartment room namin. Iniangat niya ang code case ng pintong iyon at pinindot base sa password niya.   “Dito ka rin nakatira?” takang usal ko na ikinalingon niya sa akin. Bukas na ngayon ang kaniyang pinto.   “Sa tingin mo,”  masungit niyang tugon. Nakataas pa ang kaniyang mga kilay.   Napangiti ako sa kaniya. “Magkapitbahay pala tayo,” masaya kong anunsiyo.   “Bakit parang masaya ka pa?” hindi maalis iyong kunot sa kaniyang noo. Suplado talaga!   “Wala lang.” Hindi ko mapigilan ang pagsilay ng ngiti sa aking labi dahil sa kaisipang magkatabing apartment room lang kami ni Jared.   “Weirdo,” aniya tsaka pumasok at sinara ang kaniyang pinto.   Ano nga ulit ang kaniyang password?   201218!     “AALIS ka na, Jared?” Dinig kong tanong ni Papa na nasa labas na, kinabukasan. Hindi pa rin ako makapaniwalang natutulog ako sa apartment room malapit lang sa room ng lalaking gusto ko .   "Opo." Magalang niyang sagot.   Late na kasi akong nagising dahil napasarap ang aking tulog. Hindi naman ako ganito kakomportable kapag nasa ibang bahay maslalo na’t first time, pero ewan ko ba at mabilis akong naging komportable rito sa kwarto na ito.   "Kuya, sasabay na ako sa iyo!" Nagmamadaling sigaw ng isang batang lalaki at mabilis na inubos ang kaniyang pagkain. Lumabas na ako ng tuluyan sa pinto.   "Hindi.  ‘Kay Papa ka sasabay. Magkaiba kayo ng deriksyon ng school ng Kuya mo. Si Venice ang sasabay sa kaniya, hindi ba Venice?" Sabi ng babaeng matangkad tsaka lumingon sa akin. Napakunot-noo ako. May kasama pala siya sa apartment niya?   "Po?" Taka kong tanong.   "Sumabay ka na kay Red, Venice. Baka kasi maligaw ka pa kung hindi ka susunod sa kaniya. Bago ka pa naman dito sa lugar na ito." Sabi ng babae. Mangiyak-ngiyak na napalingon sa aking gawi iyong batang lalaki. Ang cute niya, namumula pa ang kaniyang mukha. Hindi ko na lang siya pinansin.   "Sige po." Sabi ko bago sumunod kay Jared.   Humihingal ako nang maabutan ko siya. Ang bilis niya kasing maglakad. Nasa unahan siya at sumusunod ako sa kaniya. Hindi ko mapigilang mapaisip, kung hindi ko sana siya binigyan ng letter hindi siguro kami ganito kaawkward ngayon.   “Kaano-ano mo iyong dalawang babae na nakita ko kanina?” subok kong tanong habang naglalakad kaming dalawa. Nagbabakasakali na sumagot siya.   “Mama at pinsan ko,” sagot niya na ikinatigil ko sa paglakad.   JuiceColored! Hindi man lang ako nakapagmano o greet ng maayos sa kanilang dalawa kanina.   "Hoy!" Napalingon ako kay Jared na malayo na ang agwat sa akin ngayon dahil sa paghinto ko.   "Bakit?" Taka kong tanong.   "Wag mong sasabihin sa kahit sino na nakatira tayo sa iisang apartment. At tsaka, ‘wag mo akong kakausapin sa school." Sabi niya bago naglakad na ulit.   Napanguso ako sa kaniyang sinabi. Anong akala niya sa sarili niya? Hindi ko talaga siya kakausapin sa school!   Kung dati walking distance lang ang school ngayon naman kinakailangan pang sumakay ng bus. Sobrang siksikan pa dahil sa dami ng taong sumasakay tuwing umaga. Huminto kami sa bus station at naghintay ng babiyaheng bus. Umupo ako roon sa waiting shed habang naghihintay ng bus na darating. Maya-maya may humintong bus na punong puno ng pasahero. Bumukas ang pinto at biglang lumabas ang sangkaterbang pasahero mula roon. At dahil sobrang siksikan napatangay ako sa mga naglalabasang tao.   "Ah! Wait lang po! Yung bag ko! Ah! Wait--Aw!" Bigla ako hinapo dahil sa pagkakabunggo at pakikipagsiksikan. Natanggal pa ang sintas ng aking sapatos kay inuna ko muna iyon.    "Wait lang sasakay pa ako!" Sigaw ko nang makita kong umaandar na ang bus paalis.   "Jared!" Nakita kong napatingin sa akin si Jared habang prenteng nakaupo sa loob ng bus.    Pinanlakihan ko siya ng mata. "Pigilan mo! Wait!"   Wala siyang ginawa at tinitigan lang ako habang umaalis hanggang sa mawala siya sa paningin ko. Agh! What a day!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD