Kabanata 4

520 Words
HABANG nasa gate palang ng school rinig na rinig ko na ang bell. Ibig sabihin mag-i-start na ang klase at ibig sabihin din noon late na ako. Buong akala ko kasi mabibilisan kung magtataxi ako pero dahil sobra ang traffic sa Edsa nalate pa rin ako ng bongga. Kaya noted to myself, ‘wag nang mag-taxi tuwing umaga.   Mabilis akong tumakbo papasok ng school. Muntik na akong madapa dahil doon sa nakausling bato buti na lang nabalanse ko pa rin ng maayos ang aking katawan. Hinahapo akong nakarating sa locker room. Kinuha ko iyong Math at English book ko roon at naglakad na papuntang classroom. Pero, bago pa ako makarating sa klase ko napadaan muna sa harap ko si Jared na mabilis kong inirapan at walang pangalawang tinging linampasan.   Nakakainis! Akala mo kung sino siya! Oo, genius siya, gwapo, mayaman at sikat. Pero iyong ugali niya nakakabanas! Mahirap bang patigilin yung driver kanina ng bus para sana makasakay ako? Sarap niyang ipatong sa tuktok ng Mount Taal at isawsaw sa lava nun! Grr!   "Oi, Venice! Anong nangyari? Bakit ganiyan ang mukha mo? Bakit ka nakabusangot? May war ba?" Sunod-sunod na tanong ni Nicole pagkapasok ko ng room.   "Wala," hindi ko naman kasi pwedeng sabihin sa kaniyang si Jared ang dahilan ng pagkabusangot ko dahil baka malaman niyang nakikitira kami sa apartment nila. Mahirap na. May pagkatsismosa pa naman itong mga kaibigan ko.             "Sus, Bakit ka nga bad trip? Akala ko ba nakalipat na kayo ng bahay kagabi?"   "Nakalipat na nga kami kagabi. Ang kinababad trip ko lang ay iyong nakasalubong ko kaninang lalaki sa locker room."   "Sinong walangyang lalaking iyon at jujumbagin ko!" Si Jibbson na kakaupo lang sa kaniyang upuan malapit sa akin.   "‘Wag na. Ayoko ng away." Sagot ko. Knowing Jibbson may pagkabasagulero pa naman iyan.   "Pero, saan ba banda iyong bahay ng kaibigan ng papa mo?" Ani Jessica na kanina pa pala nandito at nakikinig sa mga usapan namin.   "Sa Pel Ayo St." Oh crap! Pahamak ka talaga bibig.   "Ha? ‘Di ba ang layo nun?" Tango ang naging tugon ko sa sinabi ni Nicole.   "Samahan ka naming umuwi mamaya, May."  Umiling ako sa gustong mangyari ni Jibbson.   "Hindi na. Malayo iyon baka.... gabihin pa kayo sa pag-uwi."   "Saan ka ba sa Pel Ayo St?" Koryuso nang saad ni Jessica.   "Sa ano..." hindi ko alam kung anong maaari kong sabihin para makalusot sa kanila.   "Sa?" Sabay-sabay nilang tanong habang naghihintay ng aking isasagot.   "Sa ano.. sa.." napakamot ako ng ulo. Ano ba?!    "Nandiyan na si Sir Hans! Bumalik na kayo sa upuan!" Sabi ni Francis na ikinatuwa ko! Nagsipag-upuan na kasi sina Jibbson, Nicole at Jessica pagkapasok ni Sir Hans. Strict kasi itong adviser namin kaya ilag kami sa kaniya.   "Next week na ang Midterm Exam ninyo. Mag-aral kayo at pagbutihin ninyo ang exam para naman may makapasa na sa inyo. Hindi iyong puro kayo laro, f*******:, i********:, Twitter at lakwatsa." Umpisa ni Sir. Speaking of Midterm, oo nga pala Exam na nga pala next week. Kailangan kong mag-aral. 
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD