“PAPA, kanino pong mansyon ito?” Namamangha kong tanong matapos naming makababa sa harap ng malaking bahay na ito. Malayo ito sa apartment na tinutuluyan namin dahil halos apat na oras din ang ginawang biyahe namin sakay ng bus.
“Sa, Mendiola. Nagyaya kasi ang Tito Matt mo na dito tayo sa kanila kumain ng dinner.”
Parang nagpanting iyong tainga ko sa sinabi ni Papa. Mendiola?? Ibig sabihin.. Juicecolored!
“Papa! Bakit ngayon mo lang po sinabi?” Wala sa loob akong tiningnan ni Papa habang nakarehistro sa kaniyang mukha ang pagtataka.
Mabilis kong kinuha ang dala-dala kong salamin at tiningnan doon ang ayos ng aking mukha. Tsinek kung meron ba akong muta o dumi na baka maging dahilan ng aking kapintasan. Kinuha ko ang aking polbo sa bag at ginamit iyon.
Bumukas ang gate matapos magdoorbell ni Papa ng dalawang beses at bumungad sa amin ang gwapong mukha ni Jared. Mabilis kong tinago ang hawak hawak kong salamin at polbo sa aking likuran.
“Magandang gabi, hijo.” Bati ni Papa sa kaniya na binigyan niya rin naman ng tugon. Kapag ba ako bumati sa kaniya, babatiin niya rin ba ako pabalik?
“Pasok po kayo,” anyaya niya na pinaunlakan naman ni Papa.
Pinuno ko ng hangin ang aking dibdib at mahigpit na hinawakan ang tangkay ng aking dalang shoulder bag.
“Magandang gabi,” bati ko sa kaniya.
Napakunot-noo siya tsaka ako tiningnan nang maigi.
“Walang maganda sa gabi kung mukha mo ang nakikita ko.” Aniya at naglakad na papasok ng bahay nila.
Ilang segundo akong napatanga sa kawalan dahil sa sinabi niya. Bumuka ang bibig ko tanda ng pagkamangha sa kaniyang sinabi. Mabilis kong inapuhat ang aking salamin at tiningnan ang aking mukha. Hindi ko pa pala naaayos ang polbo ko! Nakakahiya!
Bumukas iyong pinto ng mansyon at lumabas ang isang nasa mid 40’s na lalaki. Mataba siya at hindi gaanong katangkaran. Mas matangkad pa nga sa kaniya si Papa pero maputi siya at matangos ang kaniyang ilong at alam kong sa kaniya minana ni Jared ang kaniyang kutis at feature ng ilong.
"Angelo! Kanina pa namin kayo hinihintay. Pasok kayo." Masayang anunsiyo nito.
"Magandang gabi. Salamat sa pag-imbita, Matt. May utang ako sa iyo." Nahihiyang sabi ni Papa.
"Ano ka ba naman wala iyon. ‘Wag mo ng isipin." Sabi ni Tito Matt at napatingin siya sa ‘kin.
"Siya na ba iyong nag-iisa mong anak?" Aniya. Tumango si Papa.
"Hello po. I’m Venice Martinez. Nice to meet you, po. Salamat po sa pagtulong sa amin ni Papa." Nakangiti kong sambit.
Ngumiti rin siya. “Walang anuman iyon, Venice. Tama nga si Tina maganda ka ngang bata.” Sabi niya na ikinapula halos ng aking mukha.
"Sabi ko naman sa iyo Papa maganda talaga si Venice," sabi ng maganda at matangkad na babaeng nasa mid 40's din siguro ang edad. Matangkad siya at balingkinitan ang kutis. Ang ganda ng kaniyang mata na bumagay sa hugis puso niyang mukha.
"Nasaan ba si Matthew, Red?" Tanong ni Tito Matt kay Jared.
Red? Iyon pala ang palayaw niya?
Natawa ako. Bakit ba? Ang weird ng name niya eh, hindi naman kasi siya mapula.
"Oh! Krisnyl, halika dali may ipapakilala ako sa iyo." Sabi ni Tita Tina sa batang babaeng kababa lang galing sa taas.
"Bunso mo po, Ma’am?" Tanong ko.
Umiling siya. “Pamangkin ko.” Aniya tsaka tumingin sa akin. “Don’t call me Ma’am. Masyadong formal kung Ma’am ang itatawag mo sa’kin I prefer Tita o kaya naman Mama.” Kumindat pa siya sakin. Namula ako sa huling sinabi niya. Hindi ko alam na bolera ang Mama ni Jared sana pati siya ganoon. Charot!
“Sino po sila?” tanong ni Krisnyl habang nakatingin sa amin ni Papa.
"Siya ang Tito Angelo mo at ang iyong Ate Venice." Pakilala sa’min ni Tita Tina.
Ilang segundong nagpalipat-lipat ang tingin ni Krisnyl sa aming dalawa ni Papa.
"Hi, I’m Matthew Mendiola Co. Grade four student." Pakilala niya.
Grabe sobrang cute niyang bata. Para siyang girl miniature ni Jared. Ang taba-taba ng pisngi niya na namumula. Pakiramdam ko babakat ang kamay ko sa kaniyang pisngi kapag pinisil ko iyon. Yumuko ako ng kaunti para magkapantay ang aming mukha. "Hello, Matthew. I’m your Ate Venice Martinez." Nakangiti kong pagpapakilala.
Walang naging reaksiyon si Matthew at nakatitig lang sa akin ng maigi.
"Ate Venice, ang pangit mo po." Nanlaki ang mata ko sa sinabi niya.
“Huh?” taka kong tanong. Namumula ako sa hiya. Alam kong hindi ako maganda pero bakit kailangan pang imamukha sa akin, ‘di ba? Nagtaas siya ng kilay.
"Hey, Matthew!” Malakas na sambit ni Tita Tina na sinabayan pa ng paglaki ng kaniyang mata sa kaniyang antipatikong pamangkin.
“Magsorry ka sa ate Venice mo." Dagdag pa ni Tita.
“Ayoko!” umiling si Matthew tsaka tumingin sa akin.
“She’s not my Ate! Si Ate Chantal lang ang ate ko at hindi ko gusto ang katulad niya!" Tinuro niya ako.
“I hate her,” sabi pa niya tsaka tumakbo pataas.
"Matthew!" Galit na sigaw ni Tito Matt. Dirediretso lang si Matthew sa paglakad paalis.
"Naku, ‘wag mo nang pansinin iyong batang iyon, Venice. May pagkasutil talaga iyon. Hindi ko alam kung saan ba iyon nagmana." Naiiling nalang na sabi ni Tita Tina.
Nahihiya akong napatango sa kaniya tsaka napatingin sa gawi ni Jared na may nakakalokong ngiti sa labi. Maslalo akong napayuko. Feeling ko, hindi ata ako magugustuhan ng dalawang magkapatid.
Nagkulong ako sa kwarto ko pagkauwi namin ni Papa galing sa mansion ng Mendiola. Napaupo ako paharap sa tokador at tinitigang mabuti ang aking sariling replika.
“Pangit ba talaga ako?”
Napabuntong hininga ako tsaka tumayo at napahiga sa kama. Tumitig ako sa kisame. Hindi pa rin mawala sa aking isipan iyong sinabi ni Matthew sa akin kanina. Bumalikwas ako ng bangon at inikot ang aking mata sa buong paligid. Kailangan kong makahanap ng pagkakaabalahan.
Napansin ko ang mga notebooks at aklat kong nakaayos sa mesa hindi kalayuan sa kama ko. Mabilis akong lumapit doon. Tama! Magrereview nalang ako. Mathematics subject ang unang napagtuonan ko ng pansin na reviewhin. Pero matapos ang ilang minuto’y gusto ko nang maggive-up.
"Agh!"
Hindi ko talaga magets kung ano ba itong mga properties of equalities and inequalities na ito. Ang sakit sa ulo.
Triny ko naman iyong English subject. Siguro nakaten minutes lang ako ng hawak doon sa aklat at binitawan ko na rin kaagad. Sobrang lalim kasi ng mga words at tsaka reading comprehension ang exam namin. Kumusta naman ako non? Araling Panlipunan na lang kaya. Tama! Pinapahuli na dapat ‘yang mga mahihirap na subjects. Ito na lang muna babasahin ko.
Pero makalipas ang ilang minuto.
“Ayoko na!”
Bumalikwas ako ng bangon tsaka nagpasyang lumabas ng apartment para bumili ng makakain sa labas dahil walang kalaman laman ang aming refregirator kung hindi malamig na tubig at juice.
Mabuti na lang may malapit na convenience store dito at mabilis akong nakabili ng makakain. Nakabalik na ako sa apartment at tangka na akong papasok sa pinto ng mahagip ng aking paningin si Jared na kakalabas lang. Napalingon siya sa gawi ko at napakunot-noo. Tumingin ako saking suot tsaka pinagcross ang aking kamay saking katawan. Nakasando lang kasi ako at shorts.
Naglakad siya palapit sa akin.
“Akala mo naman may makikita ako diyan sa patpatin mong katawan.” Aniya bago ako linampasan. Nakanganga ko siyang sinundan ng tingin.
“Antipatiko!” gigil kong sabi sa kaniya.
“May kaaway ka,Venice?” Napalingon ako sa nagtatakang si Tita Tina na may dala dalang paper bags.
Lumapit ako sa kaniya at tinulungan siya sa pagbibitbit noon. “Wala po,Tita.”
“Ang dami mo naman pong pinamili, Tita.” Komento ko habang pinipindot ni Tita iyong code ni Jared. Ganoong pa rin ang password. 201218 pa rin!
“Ipagluluto ko kasi kayo ng lunch para bukas.” Nakangiting tugon ni Tita tsaka pumasok ng loob ng room ni Jared. Sumunod ako sa kaniya at napahanga sa linis na tumambad sa akin. Dumiretso kami ng kusina para ilapag lahat ng pinamili niya. habang naglalakad hindi ko maiwasang mapatingin sa mga litrato na nakasabit sa dingding at mga cabinet na nakikita ko. Napatigil ako nang makita ko ang litrato ni Jared na nakaschool uniform habang nakapout.
"Gusto mo ba ang litratong iyan?"
Hindi ko namalayan na nasa likuran ko na pala siya.
"Pwede po ba?" namimilog ang mga mata kong tanong. Kapalmuks na talaga ito!
"Oo naman! Sige kunin mo na. Kasi gusto naman din iyang itapon ni Jared ako lang nagpupumilit na i-display iyan diyan."
Wa! Ang swerte ko talaga kay Tita sobrang bait! Gusto ko tuloy siyang maging mother-in-law.
Kinuha ko ang picture na iyon ni Jared tsaka nagpaalam na rin ako kaagad kay Tita dahil ayokong madatnan ako ni Jared sa loob ng apartment room niya. Saktong pagbukas ko ng pinto ng apartment room ko ang pagdating naman niya.
“Hi,” malawak ang ngiti kong bati sa kaniya.
Hindi niya ako pinansin at linampasan niya lang ako.
“Oy, kilala mo ito?” pinakita ko sa kaniya iyong litrato niya. Nanlaki ang kaniyang mata pagkakita noon.
“Papano mo nakuha iyan?” asar niyang sabi.
Mabilis akong pumasok ng pinto. “Binigay ng mama mo. Impernes, ang cute mo dito.” Sabi ko tsaka siya dinilaan at mabilis na linock ang pintuan bago pa man siya makalapit sakin.
Napatingin ulit ako sa kaniyang litrato. Saan ko kaya ito pwedeng i-display?!