Kabanata 6

726 Words
SCHOOL. "Venice, sabihin mo na kasi sa amin kung saan ka nakatira." Pagpupumilit ni Nicole sa akin habang nag-aayos ako ng gamit. Katatapos lang kasi ng klase at break time na.   "Oo nga, May. Hindi mo pa nga pala nasasabi samin kung saan ka ba sa Pel Ayo St. banda." Dagdag pa ni Jessica.   "Bakit ba ayaw mong sabihin sa amin? May tinatago ka ba, Venice?" Koryuso na ring tanong ni Jibbson.   "Ano.. hindi naman sa ganoon--"   “Venice, pinapatawag ka ni Sir Hans sa faculty office.” Sabi nang isa naming nerd na kaklase. Napatingin sa akin iyong tatlo na akala mo may ginawa akong masama. Umiling ako.   “Wala naman akong ginawa, ah.” Sabi ko bago pa man may makapagtanong sa kanila.   Tumayo ako tsaka lumakad palabas. Kumatok muna ako sa pinto ng faculty tsaka iyon tuluyang binuksan. Binati ko lahat ng guro na nakita ko tsaka kinakabahang lumapit sa table ni Sir Hans.   “Sir, pinapatawag niyo raw po ako?” Umangat ang tingin ni Sir sa akin.   “Yes, kindly sit.” Minuwestra niya iyong upuan malapit sa table niya.   Naupo ako doon.   “May kasalanan po ba ako, Sir?” kinakabahan kong umpisa.   Umiling si Sir Hans dahilan para mapanatag ng kaunti ang aking loob.   “Wala pa naman pero gusto na kitang warningan ngayon pa lang.” Aniya.   “Po?” naguguluhan kong tanong.   “Ikaw ang may pinakamababang marka sa buong klase last prelim exam kaya pinatawag kita ngayon para sabihin sa iyong baka magsummer ka o hindi kaya bumalik ka this school year kung hindi mo aayusin ang exam mo. Ayokong maging panatag ka lang sa mga scores na nakukuha mo. Gusto ko galingan mo this time sa midterm kasi ang iba mong teachers maliban sa akin ay hinihikayat na ipatawag na ang magulang mo para makausap sila regarding this matter.”   Parang isang bombang sumabog sakin iyong sinabi ni Sir Hans. Kasi ang dami na ngang iniisip ni Papa dadagdagan ko pa kung nagkataon.   “Ano po kaya Sir ang pwede kong gawin para mapataas ang score ko sa exam? Ayoko ko pong mapatawag ang Papa ko.” Mahina kong tanong.   Sumandal si Sir Hans sa kaniyang umiikot na upuan at pinaikot ikot sa kaniyang kamay ang kaniyang ballpen habang nakatitig sa akin.   “I suggest na magpatulong ka sa mga kaklase mong mas nakakaalam ng lessons ninyo o kaya sumama ka sa mga naggogroup study sa library.”     NAPABUNTONG hininga ako nang tuluyang makalabas ng faculty. Habang naglalakad pabalik ng classroom iniisip ko pa rin iyong sinabi ni Sir Hans na dapat kong gawin para maging mataas ang score ko sa nalalapit na midterm exam.   “Anong nangyari? Bakit mukha kang Biyernes Santo?” Bungad sa akin ni Nicole pagkadating ko ng room.   “Pinagalitan ka ba ni Sir Hans?” Koryusong tanong ni Jibbson na tinugon ko ng iling.   "Venice Martinez,"   Lahat kami napatingin sa lalaking tumawag sa aking buong pangalan. Prente siyang nakasandal sa pintuan ng room namin habang nakatingin sa akin. Biglang kumalabog ang aking dibdib nang mapako sa akin ang kaniyang tingin.   "Bring your bag and come with me." Sabi niya at nauna ng lumakad paalis.   Napatayo ako sa aking upuan tsaka napakunoot-noo. Bakit kaya?   "Hey, May? Anong nangyari? Bakit ka naman tinawag ni Jared Mendiola?" Kunot-noong tanong ni Jessica.   "Hindi ko rin alam kung bakit," taka kong sabi habang iniimis ang aking gamit.   "Oh my Gosh! Di kaya magcoconfess siya sa iyo?"  Kinikilig na pakli ni Nicole na nagpabalik sa mood ko.   "Alis na ako." Sabi ko bago pa mawala sa paningin ko si Jared sumunod na ako sa kaniya.   Ano kayang nangyari? Bakit kaya niya ako pinuntahan sa room para pasamahin sa kaniya? Wala naman siyang kailangan sa akin maliban sa picture niya na binigay sa akin ni Tita Tina kagabi na hanggang ngayon ay dala dala ko pa rin.   Hindi kaya tama si Nicole? Magcoconfess ba talaga siya? Ano naman kayang sasabihin ko kapag nangyari iyon?   Oo, Jared mahal din kita matagal na. Ikaw lang naman hinihintay ko, eh. So, tayo na? Im so happy! Sabi ko na nga bang may gusto ka rin sa akin eh! Pakipot ka pa. Sabi ko na nga ba you can't resist me!   Ganern ba? Yiee! Excited na ako!      
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD