Kabanata 7

413 Words
-NICOLE JEAN FUENTEZ's Point Of View HI, Im Nicole Jean Fuentez. Best friend ni Venice na maganda, mapagmahal, at supportive na nilalang. Pero hindi mareach ng talino ko ang nangyayari ngayon. Papano ba naman ang sikat na genius s***h campus heartthrob na si Jared Mendiola pumunta lang naman sa classroom para yayaing sumama sa kaniya ang aking best friend. ‘Di ba, ang taray lang! Magtatapat na kaya si Jared sa kaniya, for real?   Sabi ko na nga bang pakipot lang iyang Jared na iyan, eh. Hindi niya talaga kayang labanan ang alindog ng best friend ko. Tuturuan ko na sana ng tricks itong si Venice kung papano mapa-in love ang isang cold hearted guy na katulad ni Jared pero hindi niya na ata kailangan ng tulong ko.   "Ano na friend ang lagay? Naririnig mo ba ang pinag-uusapan nila?" Taka kong tanong kay Jess, short for Jessica.   "Anong tingin mo sa tainga ko mala-antenna? Nasagap lahat ng usapan nilang dalawa?" sarkastiko niyang sagot habang pilit na nagtatago sa halaman.   "Bakit kasi ang layo nila, eh. Hindi tuloy natin marinig ang pinag-uusapan nila." Bulong ko.   Hanep din kasi itong Jared na ito sa lahat kasi ng mapipiling lugar kung saan pwedeng kausapin si Maymay sa likod ng school pa. Sa walang mga estudyanteng dumadaan. Hindi kaya may masamang balak iyang Jared na iyan sa best friend ko? Aba, subukan niya lang na may gawing hindi maganda kay Maymay mararamdaman niya ang upper cut ng isang Nicole Jean Fuentez!   "Oh my Gosh! May inabot si Jared kay Maymay!"   Nakuryuso ako nang sabihin iyon ni Jessica habang nakasilip sa telescope na hawak hawak niya. Kung saan niya man nakuha ang telescope na iyan ay ‘wag ninyo akong tanungin dahil kahit ako ay hindi ko rin alam.   "Patingin nga!"   Pinagbigyan ako ni Jess na sinilipin kung anong lagay ng dalawa. Sa pagsilip ko nakuha na ni MayMay iyong binigay ni Jared. Hindi ko alam kung ano iyon dahil hindi malinaw tapos may inabot din si Maymay kay Jared.   Ano to? Exchange gifts? Sa pagkakaalam ko November palang ngayon at next month pa ang Christmas. Hindi rin birthday ni Maymay dahil May ang birthday niya at maslalong hindi birthday ni Jared dahil alam kong July pa ang birthday noon.   "Oh? Ano na? Bakit ang tagal mag-usap ng dalawang iyon?" Iritadong sabi ni Jibbson sabay hila ng telescope sa akin at siya naman ang sumilip doon.    
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD