VENICE MARTINEZ’s Point of View MONDAY. Maaga akong pumasok sa school. Nagderitso ako sa bulletin board kung saan nakapaskil iyong ranking sa midterm exam. Nagtataka ako kasi kakaunti lang ang tumitingin ng result kaysa dati. Halos nasa class A lang ata lahat. Una kong tiningnan ang pinakatop at nanlaki ang mata ko sa’king nakita. Rank 1 Jared Mendiola --- 850/850 Ang galing! Perfect niya iyong test! Grabe, wala na talaga akong masabi. Siya na talaga! Eh, ako kaya kamusta? Nakapasa kaya ako? “Venice! Dali, halika dito!” masayang sabi ni Nicole sa’kin. “Bakit?” Taka kong sambit tsaka lumapit sa kaniya. Ngumisi siya. “Top 20 ka!” masaya niyang anunsiyo habang paulit-ulit akong yinuyugyog. “Hindi nga?” hindi ko makapaniwalang tanong. “Tingnan m

