ISANG Linggo. Isang linggo na ang nakakalipas mula nang mailibing si Papa at wala pa rin pagbabagong nangyayari sa akin. Nandito pa rin ako sa aking kwarto. Nag-iisa at nagmumukmok. Nagbabakasakaling hindi nangyayari sa akin itong nararanasan ko ngayon. Napaupo ako sa aking kama habang nakatingin sa litrato ni Papa. Tumulo na naman ang aking luha sa mga mata. Hanggang ngayon hindi pa rin ako makapaniwalang wala na siya. Na iniwan na niya ako at sumama na siya kay Mama sa langit. Pinunasan ko ang luha ko sa aking mata gamit ang kanang kamay ko. "Ang daya mo naman, P-Papa eh. Hindi pa nga ako handang umalis ka eh. M-Miss na miss mo na ba si M-Mama kaya sumama ka sa kaniya?" Napahugot ako ng malalim na hininga. "W-Wala na si Mama... Wa-Wala ka na rin.. pa..pano na ako niyan? Sino nang ma

