bc

Rental Girl

book_age16+
9
FOLLOW
1K
READ
goodgirl
dare to love and hate
student
drama
campus
realistic earth
school
sacrifice
like
intro-logo
Blurb

Gaanu ba talaga kahirap mabuhay? Si Donah Lee isang college student 17 years old. Masipag,Matalino, Maganda, at pangpagent ang katawan. Pero ang pamilya ay di kayamanan. At ang nagpapalaki ay ang kanyang Single Mom. Sa hirap ng buhay sinubukan niyang gawing rental ang pagiging babae nia. Dahil sa hindi palegal ang edad ni Donah kailangan niyang magpanggap na 22 anyos para kumita at matustusan ang pangangailangan sa araw araw. Si James Kang 18 years old at schoolmate ni Donah. Katulad ni Donah Matalino, Matipunong Lalaki, Gentleman, at Richkid. Maganda ang buhay ni James at nag iisang anak pero kailangan niya ng atensyon ng magulang dahil kakatrabaho wala ng oras para sakaniya. Kaya hinanap ni James ang atensyon na iyon sa iba't ibang babae. Nagtagpo si James at Donah, nagkasundong ibibigay ang kaniya kaniya nilang pangangailangan sa magkaibang pamamaraan nila. Anu kaya mangyayare sa kaniya kaniyang buhay nila James at Donah? "Kakayanin ko pa ba itong sitwasyon na pinasok ko?"

chap-preview
Free preview
Rental Girl (The Beginning)
" Bwiset! Anu ba yang ginawa mo!? " Sigaw ko sa lalaking humawak sa hita ko sa bus. Lahat ng pasahero nagtinginan at nanahimik na tila ba may anghel na dumaan. "Ano.. Anong pinagsasabi mo jan ineng? Bakit.. Bakit ka ba sumisigaw? " Takot at at painusenteng sagot ng lalaki sa akin. Kaya nagtinginan lahat ng tao sa akin na may kasamang panghuhusga na para bang gumagawa lang ako ng issue sa loob ng bus. "Kuya, mukha ba akong nakikipagbiruan sayo? Bakit mo ko hinipuan? Bakit mo hinawakan ang legs ko? " Sagot ko para makita nilang hindi ako gumagawa ng kwento. Pero biglang sumagot ang lalaking mayabang kung umasta. "Hinipuan? Hinawakan? Anung pinagsasabi mo ii wala nang nakakita dito na ginawa ko un? Sige nga! Ituro mo kung sino nakakita nang sinasabi mo?" Mayabang na boses at pagduro sa balikat ko. Tumingin ako sa likod pa harap ng bus pero ni isa walang tumitingin sa akin na para bang walang silang nakita o narinig man lang. Kaya dahil karamihan sa mga tao dun ang gusto lang makita ay ang iskandalo at makuha ang pansin nila, Humagulgol at umiyak at sinabi "Huhuhu (pasigaw na iyak) Bakit ka ganiyan kuya. Ikaw na nga ang nang hipo ikaw pa nagmamaang maangan na parang inosente huhuhuhu" umiiyak pero iniisip kung tama pa ba ang ginagawa. Nang biglang may tumayong matandang babae at sinabing nakita niya ang pangyayareng panghihipo sa akin. Kaya lahat ng pasahero dun ay hinawakan ang lalaki at tumawag ng pulis. Habang nagkakagulo sila ako naman ay tumatawa sa loob loob ko na para bang baliw dahil sa ginawa kong kabaliwan. Nangbumababa na ako sa bus stop "Donaahhh.. Donaaahhhh" May biglang sumigaw na napakalakas. Paglingon ko kung sino, nakita ko si Leah na biglang yumakap saakin. "Donah miss you na, bakit ba ang hirap hirap mong makita ha. Pareho lang naman tayo ng school na pinapasukan." Ngiti at hampas sa kamay niya dahil sa sobrang higpit ng yakap nito sa akin. "Leah sorry na okay, kaya bitaw na please nasasakal na ako." Si leah isa sa kaibigan ko since elementary. Mabait super bait at may pagkamarites kaya laging updated pag siya ang kasama ko. Ang daming tanong sa akin ni Leah ng kahit anung bagay bagay. Pero niisa wala akong kinuwento. Nang malapit na ako sa classroom ko, "Leah later na lang ha malapit ng magbell, bye see you later" "Sabi mo yan ha, see you later!" Sigaw nito sa akin." "Diinnnggg.." -school bell Lahat nagtatakbuhan at nagmamadaling upo sa kanikanilang mga upuan at biglang pumasok ang aming teacher, "Stand up. Say good morning teacher" Utos ng bida bidang naming president "Good morning Sir Oli" sabay sabay naming banggit at bati kay sir Oliver Seo. Mga ilang oras na pagtuturo at pagkukwento ni Sir sa buhay niya mga classmates ko biglang nagsigawan "10.. 9.. 8.. 7.. 6.. 5.. 4.. 3.. 2.. 1.. Goodbye Sir Thank you for the wornderful teachings today" tayuan at sigawan ng mga pasaway kong classmates Wala magawa si Sir Oli kundi kumamot sa ulo , Umiling at ngumiti. Habang nagtutulakan at sabay sabay lumabas ang mga classmates ko ako naman nanatiling nakaupo at nakatingin kay Sir Oliver. Nang biglang tumingin sa akin si Sir. " Donah? Bakit may kailangan ka ba o may sasabihin ka ba?" Biglang tanong na lang ni Sir Oli sa akin. "Ahh sir wala po. Don't worry sir walang problema" Ngiting sagot ko sakaniya. Tumango at ngumiti rin sa akin ni Sir Oli habang papaalis. Nang biglang tumakbo papalapit sa akin si Leah at hinampas ako sa likod "Hoy Donah anu yun ha? Anu ung nakita ko? Ikaw ha.. aayyiiee ganun pala ang type mo ha" pang aasar niya sa akin habang tumatawa. "Timang wala ako gusto or hindi type si Sir baliw. Nacurious lng ako bakit ganun siyang teacher. Parang walang problema. Kahit binabastos na siya ng mga students niya. Kaya naman na patitig ako sakaniya" Sa totoo lang yun talga ang laman ng utak ko kung bakit ko biglang natitigan si Sir Oli. Dahil sa kakulitan at paulit ulit na tanong ni Leah inaya ko na lang siyang pumunta na sa cafeteria. "Tara na gutom lang yan Leah" Matapos ang buong araw ko sa School umuwi ako agad at hindi na inantay si Leah umuwi. Pagdating ko sa bahay, Hindi ko nakita si mama. At napakakalat ng bahay namin. Parang ilang bagyo ang pinagdaanan sa gulo at kalat. Habang naglilinis biglang bumukas ang pinto " Donaah.. nak.. nanja ka na ba?" Napalingon at si mama lang pala ang dumating. May mga bitbit si mama na mga plastik at pagod napagod ang mukha at katawan ni mama. " Ma.. akin na yan. Anu ba itong mga ito? San nanaman to nanggaling ma!?" Galit na tanung ko kay mama. Na alam ko naman na kung saan nanaman niya nakuha yun. " Nak alam mo naman na kailangan kong gawin to diba para may mabenta ako" "Pero ma.... hayss!! kahit anu naman sabihin ko hindi ka naman nakikinig sa akin. Kaya di na lang ako magsasalita bahala ka jan ma." Inis na pakikipag usap kay mama dahil ayaw na ayaw ko ung ginagawa niya na nagmumukha siyang pulube sa mga kamag anak namin. Pero tawa at ngiti sa labi lang ang pinakita sa akin ni mama na para bang wala siyang iniisip na problema. Kaya bigla akong napaisip kung anung dahilan bakit ako napatitig kay Sir Oliver kasi parehong pareho sila ni mama ng mga ngiti at mata na pag tinitignan ko at kinakausap parang wala lang sakanila ang mga nangyayare sa paligid nila. Hanggang sa pagtulog ko yun at yun pa din ang tumatakbo sa isip ko. Kung paanu nila nagagawang ngumiti sa ganung sitwasyon. Paanung masaya pa din sila kahit mahirap naman na talaga ang kalagayan nila. Kasi kung ako ana ilalagay sa posisyon nila ngayon, Hindi ko alam kung ang magiging disisyon ko ba ay katulad din ng ginagawa nila ngayon. Kung magiging katulad din ba nila ako na magpapanggap na okay, maayos, malakas kahit kitang kita naman na ng lahat na hindi naman talaga maayos ang nangyayare sa kanila. " Bakit ba kailangan nilang gawin yun para lang maitawid ang isang araw na ganun ang kalagayan nila? Bakit!!? "

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

The Ruthless Billionaire. Hanz Andrew Dux

read
78.2K
bc

The Ex-wife

read
232.6K
bc

KIDNAPPED BY THE HOT UNCLE

read
54.1K
bc

MAKE ME PREGNANT (TAGALOG R18+ STORY)

read
1.9M
bc

The Cold-hearted Beast -SPG-

read
57.3K
bc

Hate You But I love You

read
63.4K
bc

NINANG PATRIZ (SPG)

read
24.4K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook