"Ano na ang plano mo, Ms. A? Ngayon na malaya ka na sa kamay ng mga Acosta. "Magpadala ka ng mga tao natin upang magmanman sa Hacienda Acosta. Gusto kong malaman ang lahat ng nangyayari sa loob at labas ng bahay nila." Mabilis kong binalik ang atensyon ko sa computer at pinanood ang gusali ng Ramos Company. Agad akong tumayo mula sa aking upuan at naglakad patungo sa isang silid kung saan nakakulong ang mga tauhan ni Solidad na nahuli ng aking mga tao. Pagdating ko, agad akong pumasok sa silid at nakita ko ang ilang tauhan ni Solidad na nakaupo sa sahig. Nakatakip ang mga mata nila ng tela, at nakatali ang mga kamay nila ng lubid. Umupo ako sa isang upuan, nagkrus ng mga binti, at pinagmasdan sila. "Alam niyo na ang gagawin niyo sa kanila. Siguraduhin na hindi na sila maabutan ng liwa

