Chapter 36:ACOSTA MANSION

1715 Words

"Meguil, tama na. Lasing ka na. Sinisira mo lang ang sarili mo dahil sa babaeng 'yan," sabi ni Solidad. Tumingin siya nang diretso kay Solidad, saka ibinaba ang baso na hawak niya sa mesa. "Bakit ka pa nandito? Hindi mo ba ako narinig? Ilang beses ko bang sabihin sa'yo, umalis ka na sa bahay na ito. Hindi ko kailangan ang pag-aalala mo." Wala na si Camila. Iniwan ka na niya, pero bakit ganoon pa rin ang pagpapahalaga mo sa kanya? "Umalis ka na! Nakalimutan mo ba na nawawala ang asawa ko sa ospital? Kung malaman kong may kinalaman ka sa pagkawala niya, hindi mo magugustuhan ang mangyayari. Sana wala kang kinalaman, Solidad. Umalis ka na sa bahay ko!" "Bumalik ka sa pinanggalingan mo! Hindi mo ba naiintindihan? Ayoko nang makita ang mukha mo sa bahay na ito. Lumayas ka!" sigaw ni Meguil

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD