Allison's Pov Umupo ako at pinanood ko silang makipag laban, kailangan ko ng lakas at ako na ang tatapos ng laban. Kung hindi kasi sila nag punta dito, tapos na sana ang laban kaso nasira ang plano ko ng dahil sa kanila. Exhale, Inhale yan ang paulit-ulit kong ginagawa. Habang busy sila sa pakikipag laban tinignan ko sa boots ko kung nandun pa ang kutsilyo, at nandun pa. Para akong nanonood ng cine, full screen ng action. Nakita ko na pagod na pagod na sila. Tinitignan ko ang bawat galaw nila especially ni Caleb. Alam kong may pinaplano si Caleb, hindi siya gagalaw ng walang plano. Aha! Alam ko na ang plano niya. Pinapagod niya kami, at kapag napagod na siyempre manghihina kami at hindi na makakayanang makip

