Tyronne's Pov Tinutukan niya ng baril si Allison, kahit na nahihirapan ako ay pinilit kong makatayo. Tumakbo ako papunta kay Allison at niyakap ko siya. Bang! Bang! Bang! Tatlong bala ang pumutok sa may likod ko. Hindi na akong papayag na si Allison na naman ang mag ligtas sa akin at mapahamak ng dahil sa akin. Ako naman ngayon ang mag liligtas sa kanya. Napahiga na ako at bumibigat na rin ang talukap ng mata ko. “Tyronne bakit? Bakit? Bakit mo sinalo ang bala? Maiiwasan ko yun. Bakit ba lagi ka na lang palpak? ”Umiiyak na sabi nito Pilit akong ngumiti sa kanya. “Minsan na nga lang kita mailigtas palpak pa hahaha. Allison wag kang mamamatay dahil gigising pa ako. Mahal na ma-ha kita”At bumi

