CHAPTER FIVE - BEACH

1630 Words
ANTON. HINDI ko namalayang nakatulog na pala ako kung hindi pa ako nagising ng isang ingay mula sa TV ko nanatili palang nakabukas nang makatulog ako. Napasinghap ako. Heto na naman ang sakit kong 'to. Basta kung saan ako nakaidlip d'on na. Hindi ko man lang iniisip kung ano ba ang mayroon, tulad na lamang ngayon at napakalakas pa ng sound ng TV ko at 'yong pagkain na in-order ko kanina hindi ko man lang nakuhang ipasok sa ref nang nakatulog na ako. Tamas akong umupo. Kaya pala masakit ang likod ko, dito lang pala ako nakatulog sa sofa, halos kalahati yata ng katawan ko ang 'di kasya. Pambihira. Nagpasya na akong tuluyang tumayo para tingnan ang pagkain ko at naramdaman ko rin ang pangangalam ng sikmura ko. Gutom na rin pala ako. Ipapainit ko na lang ang pagkain ko. Sana pala kumain na lamang ako kanina bago ako natulog, naalala ko nga pala at pinagpaliban ko ito dahil sa labas na lang sana ako kakain. "Buhay nag-iisa nga naman," aniya ko. Pasado alas syete na ng gabi. Kung aalis pa ako para mamasyal sa labas okay naman kung tutuusin. Gusto ko rin magtampisaw sa dagat kapag ganitong oras at mas mainam ang lamig ng tubig. Mas gusto ko ito kaysa sa araw at iilan lang din ang mga taong nasa paligid. Nanaig pa rin sa akin ang kagustuhan kong mamasyal pagkatapos kong kumain. Ayaw ko rin magtagal sa unit ko at mas lalo lang akong mababagot dito. Mas gusto ko pang abutan ng hating gabi hanggang sa tabing dagat bago umuwi at magpahinga. Isa pa baka makita ko rin si Mariz d'on. Here I am again. Naalala ko naman ito. Pakiramdam ko si Mariz ang isa sa missing piece ko. Paano naman mangyayari 'yon? E, kakikilala ko nga lang din dito. Hindi nga maganda ang paghaharap namin nito. Gusto ko lang din siya inisin. Parang ang cute niya lang din kasi mapikon. Ngayon lang ako nakakita ng babaeng maliit lang pero ang tapang-tapang. Nakakatuwa siya. Minadali ko na ang sarili ko para maubos ang kinakain ko at makalabas na habang maaga pa. Hiling ko na lang na sana nandoon si Mariz. Gusto ko lang din ulit masilayan ang mukha nito. -- MARIZ ILANG beses na ba akong nagpabaling-baling? Halos hindi ko na rin mabilang pa. May gusto akong gawin na pinipigilan ko lang ang sarili ko. Tinatanong ko ang sarili ko kung aalis ba ako para pumunta sa tabing dagat? Maganda ang panahon ngayon. Nagdadalawang-isip lang ako na baka may isang asungot na naman ang nandoon. Ayaw kong makita ito. Sisirain niya lang ulit ang araw ko, sapat na 'yong kanina ayaw ko ng maulit pa at baka magpapahinga na lang ako magulo pa nito. Mahirap na, 'ika ko. Tila may kung ano talagang pwersa ang nagyayaya sa aking lumabas muna kahit sandali lang. Ang sabi nila maganda raw kapag mamasyal kapag gabi d'on, nagdadalawang-isip lang talaga ako at baka nandoon ang lalaking 'yon. Sisirain na naman nito ang gabi ko. Hindi bale na dito na lang ako sa hotel room ko. Mainam na 'yon at tahimik lang ako dito. Walang asungot. Hindi magugulo ang gabi ko at makakapagpahinga ako ng sapat. Pero hindi ko naman mapigilan ang ma-bored dito. Maaga pa para magpahinga. Naisip kong nandito nga pala ako para mamasyal hindi para magmukmok. Nanggigil na naman ako sa lalaking 'yon. Bakit kasi sa dinami-rami ng pweding maabala nito ang buhay at pamamasyal ako pa mismo. Bumalik ulit ako sa pagkakahiga sa kama ko. Wala sa sariling napatingin ako sa kisame. Marami na naman ang dumalaw sa kamalayan ko. Iniiwasan ko nga pala ang lahat ng 'to, pero heto at iniisip ko na naman. Wala talagang mangyayari kung magmumukmok lang ako. Nagpasya akong tumayo. Lalabas na lang ako kahit ilang oras lang. Hanggang sa antukin lang siguro ako. Pinili kong isuot ang bestidang puting binili ng mama ko para sa akin nang mabalitaan niya ang luluwas ako ng Boracay para sa isang bakasyon. Na-miss ko na naman si mama, hindi ko man lang maiwasan. Kamusta na kaya 'to? tanong ko sa sarili ko. Siguro naman okay lang ito at hindi naman tumatawag sa akin ang bunso kong kapatid na si Martha. Binilin ko si mama sa kaniya at alam kong hindi nito pababayaan ang nanay namin. Babalik din naman ako ng Manila at hindi naman ako magtatagal dito. Babalikan ko rin naman kahit papano ang buhay ko. Hindi lang sa ngayon at pakiramdam ko hindi pa ako buo. Pero oras na maramdaman kong sapat na ang panahon na ginugol ko sa islang 'to babalikan konna sila pati ang lahat ng sandaling kasama ko si Eloy noon. Bahala na 'ika ko sa aking sarili. Hindi naman habambuhay ganito ako, nagtitiwala ako sa sarili kong magiging maayos ang lahat sa akin. Ngayon pa lang nararamdaman ko na ang kalayaan na gusto kong maramdaman noon. Isa lang talaga ang kailangan ko ngayon 'yon ay ang closure lang na pinagkait sa akin ni Eloy. Ang sabi ko nga noon--- pwedi naman siya umalis. Huwag lang sa pagkakataong 'to na alam niyang masasaktan ako kung basta-basta niya na lamang ako iiwang walang pasabi o paalam man lamang. Isang malalim na buntong hininga ang pinakawalan ko. Inayos ko na ang sarili ko 'yong hanggang balikat kong buhok hinayaan ko na lang ilugay ito. Wala na akong panahon sa kahit na anong pag-aayos sapat na sa akin na ganito lang, ang mahalaga maaliw ko lang ang sarili ko kahit papano. Isang pag-ikot ang pinakawalan ko sa salamin. Nasiyahan naman ako sa ayos ko. Okay na 'to. D'on na lang siguro ako kakain sa labas. May nakita akong masarap na pweding kainan d'on kanina. Bubusugin ko ang sarili ko ngayon, para kahit na anong oras din akong bumangon bukas. Wala din naman akong pupuntahan kaya magpapahinga na lang ako kung anong oras man ako uuwi ngayon. Ni-lock ko na ng maayos ang hotel room ko. Hiling ko na sana maging maayos ang pamamasyal ko sa labas na walang kahit na sino ang pweding umabala sa akin. Lalong-lalo na ang lalakeng 'yon, aniya ko. ANTON NANDITO ako ngayon sa tabi ng dalampasigan. Wala akong balak maglunoy, gusto ko lang talaga magpahangin. Wala naman akong iniisip o kahit na anupaman. Gusto ko lang mapag-isa kahit na alam kong sa hotel room ko nag-iisa lang naman ako. Isang sulyap ang pinakawalan ko sa paligid. Mabuti na lamang pala at kumain na ako kanina. Maraming tao karamihan mga lahing banyaga, mas marami pala talagang bakasyunista sa isla kapag ganitong buwan. Isa pang ikot ang pinakawalan ko. May hinahanap ang mga mata ko. Hindi man lang siya matanaw ng tingin ko o baka wala siya rito, baka nagpapahinga na ito. Ayaw ko naman isiping nandito ang cute na babaeng 'yon. Sapat na rin naman sa akin ang pagkikita namin kanina. Nasiyahan na ako r'on. Hindi ko maiwasang mapangiti. Siguro naiisip din naman ako nito kahit papano. Naniniwala naman akong hindi naman ako ganoon kahirap kalimutan. Binaling ko ulit ang tingin ko sa tahimik na karagatan sa harap ko. Walang gaanong alon ngayon, hindi rin kasi masama ang panahon kay ganoon siguro. Masarap sana maligo tulad ng ibang nakikita ko. Ayaw ko lang at alam kong gabi na. Hindi rin makakabuti sa kalusugan ko kung sakali. Dito na lamang ako at makukuntento na lang akong tingnan sila. Isa rin 'to sa kaligayahan ko, ang makita ang mga taong nasa harap kong masaya. Mas iba siguro ang sayang mararamdaman ko kung sarili kong pamilya ito. Naalala ko na naman si mommy at daddy. Kamusta na kaya ang mga ito sa U.S? Alam ko naman na nasa maayos lang silang dalawa lalo na at kasama nila si Tita Ferlyn. Napatingin ako sa kaliwang bahagi ko, kung saan may ilang restaurant na nandoon tanaw mula sa kung nasaan ako nakaupo ngayon. Hindi ko inaakalang makikita ko ulit si Mariz. Bumibili ito sa isang shawarma house--- hindi ako nag-aksaya ng sandali para lapitan ito, ang buong akala ko hindi ko na ito makikita pa nagkamali lamang pala ako at heto nga ito. Mukhang nagutom ang dalaga at sa kaliwang kamay nito may hawak-hawak itong isang malaking baso ng iced tea. Lihim kong pinagmamasdan si Mariz, simple lamang ang suot nitong bestida at naka-tsinelas lamang. Hindi talaga ako binibigo ng babaeng 'to. Mas maganda pala talaga siya tingnan kung simple lang siya--- one of the best thing about here sa ilang araw na nakita ko siya. Ilang dangkal na lamang ang pagitan naming dalawa at alam kong hindi ako makikita nito. Maraming tao ang nasa likuran ni Mariz, isang himala nga lamang kung bakit ko ito nakita e. Iba rin siguro talaga ang tadhana, aniya kong natatawa sa sarili ko. Abala pa rin ang tingin sa kung ano man ang tinitingnan nito. Tingin ko hinihintay niya ang order niya. Masaya at kuntento akong pinagmasdan lamang si Mariz at mabuti na lang may ilang nauna sa akin para hindi ako makita nito. Hindi man lang ito luminga-linga sa paligid. Lihim kong pinagmasdan ang ayos niya at ang mga taong nasa likuran niya. Maliit na babae lang 'tong si Mariz, kaya hindi ko maiwasang hindi makaramdam ng kaba. Nagkasya na lamang akong bantayan siya ng tingin mula sa mga nasa likuran niyang halos lalaki lahat. Hihintayin ko na lamang ibigay ang order niya para naman makaalis na siya sa lugar na 'to. Hindi ko gusto ang pasimpleng tingin sa kaniya ng tatlong lalaking nasa gilid niya sa kaliwang bahagi. Hinanda ko ang sarili ko at kung sakaling may gawin man itong hindi maganda kay Mariz, hindi ako magkakamaling makipagbasag ng ulo sa kanila. Sumpa ko man, para sa babaeng hindi ko mawari kung bakit may espesyal sa kaniyang hindi ko maintindihan kung ano at kung para saan nga ba.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD