MARIZ
NASIYAHAN ako sa in-order kong chicken shawarma. Kahit papano nabusog ako. Masarap din talaga ang pagkain sa Boracay lalo na ang comfort food kong 'to. Mabuti na nga lang at may nahanap agad ako at hindi ako nahirapan. Lumingon ako sa paligid, malaya kong hinayaan ang mga mata ko sa mga tanawin. Gabi na, pero nandoon maliwanag pa rin ang islang 'to.
Kaya siguro maraming tao sa gabi kesyo sa araw 'yon nga lang maingay lang talaga.
Isa pang paglingon ang pinakawalan ko nang sa sarili ko ay may naramdaman akong nakatitig sa akin.
Imahinasyon ko lang siguro 'to, aniya.
Nagpatuloy ako sa paglalakad ko. Gusto kong pumunta sa kaliwang bahagi ng isla baka d'on marami akong mabiling pasalubong para sa mga kapatid ko. Ang weird lang dahil mas gusto ko sa gabi.
Wala pa rin pala akong pinagbago, parang ako lang 'to noong madalas pa kaming namamasyal ni Eloy sa iba't ibang isla. Halos naikot na namin ang lahat at heto nga Boracay talaga ang pangarap namin kapag ikakasal kaming dalawa.
Hindi ko na naman maiwasan malungkot sa mga naalala ko. Hiling ko na sana kahit isang araw lang mawala sa isip ko si Eloy.
Hindi ko namalayan dinala na pala ako ng paa ko sa harap ng mga bilihan ng mga key chain at ref magnet.
"Mas maganda mamili kung araw.." Napalingon ako sa biglang boses na narinig ko sa likuran ko.
Iyon na lamang ang pagkabigla ko na ang lalaking asungot na naman ang nalingunan ko.
"Ikaw na naman? Sinusundan mo ba ako ha?" inis kong sambit dito.
"Ang pagkakaalam ko private ang lugar na 'to. So. Bakit mo naman nasabing sinusundan kita, Ms.?"
Tiningnan ko siya ng mariin, kung nakakamatay lang siguro ang tingin ko feeling ko namatay na ito.
"Ano ba ang kailangan mo sa akin? Baka pwedi mo rin akong tantanana? Wala ka naman kailangan sa akin 'diba?" inis kong sambit dito.
Mas lalo yata akong pinipikon ng lalaking 'to. Nagpatiuna ako sa paglalakad.
"Sandali lang naman. Nakikipagkaibigan lang naman ako. Masama ba 'yon ha?"
"Hindi ko kailangan ng kaibigan. Pwedi ba! Kung wala ka magawa sa buhay mo tantanan mo ako dahil hindi ka nakakatuwa!" sambit ko sa kaniya.
Dahil sa lalaking 'to nawala ang balak kong pamimili ng gusto kong bilhin para sa pamilya ko. Tinalikuran ko siya. Ang akala kong pababayaan na ako nito ay hindi nangyari, nakasunod pa rin ito sa akin nang lingunin ko siya.
"Pwedi ba..Get lost! Hindi ko kailangan ang presensiya mo, tantanan mo ako! Nakikiusap ako sa 'yo!"
"Sandali lang naman, Mariz. Akala mo ba ligtas sa 'yo ang lugar na 'to ha? Nag-iisang babae ka lang na gumagala. Paano kung mapapahamak ka d'yan ha?" ani pa nito sa akin.
Tiningnan ko siya nang mariin nang lingunin ko ito.
"Wala akong pakialam kung ano ang gusto mong sabihin. I just want to be alone so please leave me alone. Hindi kita kilala at baka sa iyo pa ako hindi ligtas!" galit kong turan dito.
Pinagpatuloy ko ang paglalakad ko walang lingod likod na iniwanan ito. Ang asungot, ani ko sa sarili ko. Mula nang makita ko ito hindi na talaga ako kailanman pa tinantanan ng lalaki na ito. Hindi ko alam kung anong klaseng tao ba 'to at patuloy sa pangungulit sa akin. Tagalog naman ang salita ko pero hindi man lang makaintindi sa salitang layuan niya ako. Nakakainis talaga.
Nagpasya na lamang akong umuwi sa unit ko, ang balak kong pamimili ay hindi ko na nagawa pa. Baka kasi bigla na naman itong sumulpot sa akin at ito pala ang masamang tao, aniya ng sarili ko.
ANTON
SINUNDAN ko ng tingin ang papalayong dalaga. Bakit ba ito galit na galit sa akin? Hindi ko naman ito inaano. Nakikipag-kaibigan lang naman ako. Masama ba ang makipagkaibigan sa kaniya? Ano ba tingin niya sa sarili niya, anak ng presidente? Hindi naman siguro ah. Napakataas naman ng tingin ng babaeng 'to sa sarili niya. Kung ayaw niya makipagkaibigan kundi huwag, hindi ko naman siya pinipilit ah. Ang sa akin lang ay ang maging ligtas siya. Masama ba 'yon? Hindi naman siguro 'diba?
Isa pang sulyap ang pinakawalan ko rito. Tuloy-tuloy pa rin ito sa paglalakad. Nakaramdam naman ako ng guilt feelings, gabi na baka mapahamak lang ito. Nakumpirma ko pa namang nag-iisa lang ito sa lugar na 'to.
Nakita ko ang sarili kong sinusundan anv dalaga. Hindi na lang ako magpapahalata rito. Nakipagsiksikan ako sa ilang mga tao sa kaliwang bahagi ng daan kung saan natatanaw ko pa rin siya. Dire-diretso lang ang paglalakad nito. Hindi man lang lumilingon. Kung saan man ito pupunta wala akong ideya, baka uuwi na ito. Bahala na. Susundan ko pa rin siya, sapat na sa akin ang maihatid siyang ligtas sa hotel na tinutuluyan nito. Alam ko sa sarili kong ligtas ang isla ng Boracay sa masasamang loob dahil na rin sa mga nagkalat na pulis at ilang tanod sa paligid. Hindi ko rin maintindihan ang sarili ko kung bakit gustong-gusto kong ligtas itong makauwi.
Ganito lang siguro ako, kahit naman sa pinsan kong si Danna ganito na ako. Mula kasi nang mamatay ang bunso kong kapatid na si Angela dahil sa panananaksak ng isang magnanakaw mismo sa harap ng bahay namin nandito na ang trauma sa puso ko. Isa lang siguro si Mariz sa gusto kong protektahan ng todo tulad na lamang ng pamilya ko, iyon ang pangako ko sa sarili ko mula nang tuluyan akong gumaling mula sa sakit ko.
Ibibigay ko sa mga taong nasa paligid ko ang pangangalaga na hindi ko nagawang ibigay kay Angela at sa hindi nagawa ng taong naging dahilan kung bakit ako tuluyang gumaling.
Hindi naman ako masisisi ni Mariz kung may panata akong ganoon sa sarili ko hindi ba? I just want to protect her lang naman nothing more, nothing less. Huwag niya na lamang ako pag-isipan ng mali at hindi naman tama 'yon lalo pa't hindi niya naman ako kilala. Mali lang siguro ang timing ng pagpasok ko sa buhay niya.
Mali lang ang pagkakakilala ko sa kaniya.
MARIZ
NGITNGIT ng damdamin ang nararamdaman ko ngayon. Naiinis ako sa lalaking 'yon. Para siyang kabuti na basta-basta na lamang susulpot.
"Nakakagigil talaga siya!" galit kong bulong sa aking sarili. Nawalan na tuloy ako ng gana. Gusto ko pa sana mamasyal at magpalipas ng ilang oras dito sa tabing dagat. Pero dahil sa sinira na nito ang gabi ko nawalan na ako ng gana nang tuluyan. Sino ba naman ang magagandahan? Isturbo lang ito. Ito ang higit na ayaw ko sa kahit na sino; ang abalahin ako sa mga bagay na ginagawa ko. Ibang-iba ito kay Eloy, si Eloy kailanman hindi ako inabala hanggang sa hindi ako matapos sa kung ano man ang pinagkakaabalahan ko. In short, Eloy give me some extra freedom at wala yata sa bokabularyo ng lalaking 'yon ang freedom na binibigay sa akin ng lalaking minahal ko.
Partida hindi ko pa ito kilala ha. Paano na lang pala kung oo? Baka wala na talaga akong katahimikan. Napaka-kulit! Nakaka-inis!
Napasinghap ako. Wala sa sariling nilingon ko ang paligid ko. Akala ko pa naman nakasunod pa rin ito sa akin. Mabuti na lang talaga wala na. Maiinis na naman sana ako ng bongga at kung magkataon mabubulyawan ko na talaga ito , kahit sa maraming tao pa mismo.
Nagpasya na lamang akong umuwi sa hotel room ko. Tuluyan na akong nawalan ng gana. Mabuti na lang hindi ko dala ang cellphone ko at tanging susi ko lamang ang dala ko at ang ilang cash. Baka masamang tao pa ito at pagnakawan ako. Mahirap na. Mas mabuti na rin 'yong safe. Baka nga talaga nagpapansin lang ito para gawan ako ng masama at huwag talaga siya magkakamali dahil hindi niya alam kung ano ang kaya kong gawin sa kaniya. Tinuruan ako ni Eloy ng self defense at hindi ko pa nakakalimutan iyon pwedi ko pang i-apply sa kaniya. Talagang mapipilayan siya sa akin kung magkataon.
Napasinghap ako at mabuti na lamang malapit lang ang hotel na tinutuluyan ko nakarating naman ako agad.
Napatingin ako sa relong pambisig kong binili sa akin ni Eloy noon, pasado alas nuevi pa lamang ng gabi maaga pa sana. Kung hindi lang dahil sa lalaking 'yon talaga marami na akong nagawa at nabili.
Ano ba pakiealam niya kung trip kong mamili ng gabi. Hindi niya naman pera.
"Good evening, Maam," bati sa akin ng ilang receptionist sa hotel.
"Good evening po."
"Maaga naman po ang uwi niyo. Magsisimula pa lang ang palabas sa station 2 may ilang performer ang nandoon mamaya, Ma'am," sabi nito sa akin.
Sayang naman, bulong ng isip ko. Gusto ko pa naman ang ganoon. Madalas ko nga yayain noon si Eloy manuod e. Pero dahil sa lalaking 'yon nawalan tuloy ako ng pagkakataon makakita ng live performer. Ayaw ko naman na bumalik at sumasakit na ang mga paa ko sa kalalakad.
"Mayroon pa naman siguro sa mga susunod na araw 'no?"
"Oo naman, Ma'am. Hindi naman nauubusan ng performers ang islang 'to lalo pa ngayon at bumabalik na ang ekonomiya ng Boracay matapos ang rehabilitation," kwento nito sa akin.
Nabalitaan ko 'yon kaya nga noong nalaman kong bukas na ulit ang isla para sa mga lokal at turista hindi rin ako nagdalawang-isip na magbakasyon kahit na ilang buwan lang. Tinanggap ko rin ang regalo sa akin ni Tita Gina ang mommy ni Eloy.
Nalungkot na naman ako dahil naalala ko naman ang pamilya ng fiance ko. Napakabait ng mga ito sa akin. Sayang lang talaga kung tuluyan na mawala sa akin ang lalaking nakatakda kong pakasalan ilang buwan na lang.
Saan ko nga ba hahanapin ito? Napasinghap ako kasunod ang paglinga-linga sa paligid. Napakunot-nuo ako nang makilala ang lalaking naglalakad palayo. Kilala ko ito at hindi ako pweding magkamali na ito ang lalaking walang sawang nangungulit sa akin.
Ano ang ginagawa niya rito? Sinusundan niya ba talaga ako?