MARIZ
HINDI pa rin mawala sa isip ko ang lalaking nakita kong papalayo noong napalingon ako habang kinakausap ako ng isa sa mga receptionist ng hotel.
Hindi ko maiwasang kabahan sa kinakilos ng lalaki. Malabo naman na nagkataon lang kung bakit ito nandoon. Ang sabihin nito talagang sinusundan talaga ako ng lalaking 'to.
Nakapasok na ako sa loob ng room ko. Hindi ko pa rin maiwasang maging malungkot kung bakit umuwi ako agad pabalik dito sa hotel. Sayang 'yong sinabi sa akin na may ilang performers sa station 2. Isa 'yon sa ni-lo-look forward ko sa lugar na 'to, pero nawala lang dahil sa isang asungot.
Umupo muna ako sa sofa. Ayaw ko rin muna pumasok sa silid ko. Iisipin ko lang din si Eloy at walang katapusang pag-iisip lang ang mangyayari sa amin. Maiinis lang ako ng tuluyan dahil sa gabing 'to.
Pinilit kong mag-isip ng ilang bagay, na pwedi kong gawin kinabukasan. Mamamasyal siguro ako. Noong isang araw ko pa naiisip na pumunta sa isa sa pinakamaling mall dito sa isla. Bala d'on sa lugar na 'yon wala ang asungot na lalaking 'yon. Mapapanatag pa ako, 'ika nga. Feeling ko rin naman siguro, malaki naman ang lugar na 'yon. Magbabasakali na lamang ako, basta ang mahalaga makapagpahinga man lang ang isip ko sa kahit na ano'ng bagay na lately gumugulo sa isipan ko.
Kinuha ko ang remote ng TV sa ibabaw ng round table. Manunuod na lamang muna ako hanggang sa dalawin na ako ng antok, dito ko na lamang lilibangin ang sarili ko at tingin ko wala na akong pag-asang lumabas pa. Hindi na rin naman ako lalabas at kung nandito lang si Eloy alam kong magagalit ito sa akin kung sakali.
Kinuha ko ang round pillow na nasa tabi ko, nagpasya akong mahiga; myx ang napili kong channel. Makikinig na lang ako ng kantahan, baka makatulog din ako na wala ng gaanong iniisip.
ANTON
MAAYOS ko naman sigurong nahatid si Mariz sa hotel na kung saan siya tumutuloy, kilalang hotel ito sa buong isla. Halatang may sinasabi ang dalaga, dahil kung ordinaryo lamang ito siguro sa mga mumurahing hotel lang siguro ito tutuloy. But no! Isa ang hernan sa mamahaling hotel sa isla, next sa hotel kung nasaan ako ngayon na pagmamay-ari ng isa sa sikat na tv personality.
Mabuti na rin 'yon at safe si Mariz. Iyon lang din naman ang gusto kong mangyari ng ihatid ko siya ang maging ligtas siya. Maayos ko naman itong nagawa. Medyo weird lang ang dating para sa sarili ko, pero natutuwa ako at nagampanan ko ang tungkulin ko; sa babaeng galit nga lang sa akin.
Wala na rin akong magagawa at ganoon na siguro talaga. Hindi ko na siguro pa mababago ang tingin sa akin ni Mariz at may kaunting pagsisisi akong naramdaman dahil d'on. Hindi rin kasi maganda ang unang paghaharap naming dalawa at kasalanan kong sadya talaga. Sana pala naging smooth na lang ako at hindi na lang siya pinakialaman noon. Isang pangako ang nabuo sa isip ko, babawi ako kay Mariz. Sisiguraduhin kong makakabawi ako sa kaniya. Hindi ko hahayaan kailanman na mas lalo itong mainis sa akin. Hindi ko man alam kung saan ako magsisimula but I'll make sure na gagawin ko ang lahat para maging maayos ang lagay para sa aming dalawa.
Hindi naman siguro ako mahihirapan kung sakali, sa tingin ko mabait naman si Mariz, naunahan lang talaga ito siguro ng pang-iinis ko.
Kung magkikita at magkakaharap man kaming dalawa, maghinay-hinay na lang din siguro ako at hindi na siya aabalahin pa. Sa ganoong paraan hindi na masira ang mood niya sa akin.
Nawala tuloy ang gana kong mamasyal. Balak ko na lamang umuwi ngayon sa hotel room ko, kung magkikita man kami ni Mariz hihingi na lamang ako ng pasensiya sa kaniya kung sakali man.
Sana magkaroon pa ng pagkakataon bago man lang ako bumalik ng Manila. Hindi pa naman ako tumatawag si mommy at si tita, pero pakiramdam ko kailangan na ako d'on. Hindi ko pweding pabayaan ang pamilya ko sa negosyo iniwan sa amin ni lola.
Ako pa rin ang may responsibilidad doon at heto ako pinili kong magbakasyon muna na malayo sa kanila.
Babawi naman ako at sigurado ako roon.
Isa lang ang hiling ko ngayon ang maging kaibigan si Mariz, sounds weird. Natawa na lang ako sa mga naisip ko.
Hindi naman siya ganoon ka-espesyal 'no? biro ko sa aking sarili.
Bago ako matulog nagpasya muna akong tawagan ang pinsan kong si Danna, maaga pa naman at alam kong gising pa ito kung hindi ito nanunuod ng netflix baka kausap nito ang boyfriend nitong american. Mabuti pa si Danna at natagpuan na ang kahati ng puso niya.
Natigilan ako nang may maalala. Isang pangako pala ang pinakawalan ko n'on sa kaibigan ko.
Napailing-iling ako. Ayaw ko ng mag-isip pa ng kahit na ano.
"Pinsan, napatawag ka?" bungad nito sa akin. Tama nga ako at mulat pa rin ito.
"Mabuti naman at sinagot mo agad ang tawag ko. Mangangamusta lang ako, kamusta si mommy at tita?" tanong ko sa kaniya. Wala naman kasi akong ibang pweding mapagtanungan tungkol sa magulang ko kundi ito lang.
"Okay naman sila, katunayan nga sa bahay ako galing kanina. They are all good, insan. Huwag mo na lang sila intindihin gaano rito. Enjoy ka d'yan sa Bora---" ani nito sa akin.
Iyon naman talaga ang ginagawa ko. Hindi ko lang maiwasan mag-alala paminsan-minsan, hindi naman pweding mawala sa akin 'yon at ako na lang ang natitira kay mommy at tita.
"Mabuti naman kung ganoon, Danna. Salamat sa pag-aalalay sa kanila habang wala ako ha. Maaasahan ka talaga," totoo kong komento tungkol sa kaniya.
"Maliit na bagay. Alam mo naman ako kung gaano ka-espesyal sa akin si tita at tita, huwag mo silang alalahanin dito. Nandito naman ako."
"Salamat ulit. Hayaan mo at may mga pasalubong ka sa akin pagbalik ko.."
"Teka!Teka lang. Thankyou, insan. Iyan ang gusto ko sa iyo e. Maasahan ka talaga pagdating sa pasalubong," natatawang sabi nito.
Napangiti na lamang ako. Nagpaalam na rin ito sa akin at tatawagan pa raw si Bruce, madalas naman Bruce Lee ang itawag ko sa boyfriend nito. Hindi pa namin ito nakikita kailanman, at ang sabi ni Danna malapit na raw.
Hindi na ako nakipag-argumento pa rito at kilala ko naman ang pinsan ko pagdating sa buhay pag-ibig nito. Hindi pa naman ito nabigo ni minsan at matagal na rin sila ni Bruce, hindi na rin bumabata pa si Danna.
Nagpasya na akong mag-ayos ng sarili para makapagpahinga na. Mainam na rin 'yong maaga pa ako matutulog, para bukas marami akong mapuntahan. Balak kong pumunta ng mall dito sa isla, para naman ibili ng pasalubong si mommy, tita at ang pangako ko kay Danna.
Ilang lingoo na rin naman ang igugugol ko rito, babalik na ako sa riyalidad kung saan ako nagmula. Aasikasuhin ko na ang lahat. Tama na 'tong paghahanap ko sa sarili ko, dahil kahit ako mismo hindi ko naman alam kung ano talaga kailangan ko. Nagsasayang lang ako ng oras dito at isa pa may ginugulo lang akong babae, si Mariz.
'Babawi ako sa lahat ng pang-iinis ko sa 'yo," ani ko sa aking sarili para kay Mariz.
Na-realize ko na pangalan lang ang alam ko rito. Hindi ko alam kung sino ba ito o kung saan ito nagmula. Guilt feelings tuloy ang nanahan dito sa puso ko para sa kaniya.
Maybe, she don't deserve of my freaking jokes. Lately, masyado na yata akong nag-eenjoy magbiro para sa ibang tao. Baka galit nga ito sa mga asungot kung kaya ganoon na lang ang reaksyon nito kung bigla akong napapasulpot sa buhay niya na wala man lang pakundangan.
MARIZ
NAGISING ako dahil sa isang malakas na ulan. Maayos naman ang panahon kahapon, hindi ko naman akalaing uulanin ngayon. Wala naman akong nabalitaang may bagyo o low pressure man lang.
Pupungas-pungas akong bumangon. Alas syete pa lang ng umaga. Maaga pa para sa pangkariniwan kong gising. Nakatulog naman ako ng maayos kagabi.
Parang nawalan tuloy ako ng gana mamasyal ngayon, balak ko pa naman pumunta ng citi mall.
Baka maputik lang ang daan, ani ko sa isip ko.
Bahala na. Baka maya-maya mawawala rin 'to. Binuksan ko ang makapal na kurtina sa silid ko kung saan mula rito tanaw ko ang tanawin sa labas maging ang malawak na karagatan. May mangilan-ngilan pa ring taong naliligo at ini-enjoy ang ulan.
Malungkot kung sinirado muli ang kurtina sa bintana ng silid ko; nalulungkot na naman ako. Sumasabay pa talaga 'tong ulan sa damdamin ko lately.
Kumakalam na ang sikmura ko. Gutom na pala talaga ako, ang mabuti pa mag-aayos na lang ako ng sarili ko at pagkatapos bumaba na. Sa baba na lang din ako kakain, may restaurant naman ang hotel na 'to at may ilang pagkain na libre para sa mga bakasyunistang tulad ko at kasama sa mga binayaran ko.
Infearness! Masarap din ang pagkain dito, usually sea foods na paborito kong literal talaga. Pero ngayon magsisinangag at tocino na lamang muna ako para hindi naman ganoon kabigat sa tiyan, sa citi mall na lang ako kakain mamaya kung sakaling magutom ulit ako. Itutuloy ko pa rin naman ang balak kong mamasyal at mamili. Baka kasi anytime soon pabalikin na ako ng principal sa school kung saan ako nagtuturo bilang day care teacher, na-mi-miss ko na rin ang mga batang estudyante ko. Wala nang tumatawag sa akin ng Miss Ganda.
Napangiti ako. Hindi ko rin pala matiis ang mga mangungulit na mga batang 'yon.
"Babalik na ako, sa lalong madaling panahon. Pangako ko sa inyo 'yan," sambit ko sa aking sarili.
Gusto ko nang bumalik muli sa normal ang buhay ko, with or without Eloy.
Pipilitin ko na.