MARIZ FINALLY. Tumila na rin ang ulan. Pwedi na akong lumabas sandali. Itutuloy ko na ang balak ko kanina, na naudlot lang dahil sa malakas na ulan noong gumising ako. Katatapos ko lang din kumain at kababalik ko lang dito sa hotel na tinutuluyan ko. Maaga akong aalis ngayon at baka umulan na naman. Hindi ko ang hawak ng panahon kung sakali. Ayaw ko rin matagalan d'on sa lugar na 'yon kung hindi ako makakabalik agad. Pinili kong magsuot ng jeans na pantalon at plain black t-shirt. Nag-tsilenas lang din ako at ang back pack kong madalas gamitin. Kaunting cash lang din ang dala ko. Pinili kong iwan ang atm at isang cellphone ko sa kwarto. Hindi ko kabisado ang lugar na 'to, ilang linggo pa lang akong nananatili rito. Mainam na 'yong nag-iingat. Sa panahon ngayon, walang kahit na sino

