MARIS "FRIENDS?" halos nag-echo pa sa akin ang sinabi nitong 'friends?& at may kondisyunes pa talaga ang poncio pilato na 'to. Kagaling naman, ani ko sa aking sarili. "Sayong-sayo na iyan!" Inirapan ko ito. Kung ayaw niyang ibigat sa akin e 'di sa kaniya na. Pero ang pakikipagkaibigan hindi ko yata maaatim na matanggap yon. Kakapangako pa lang sa sarili ko na hindi ko tatanggapin ang kahit na anong alok mula rito. Pakikipagkaibigan pa kaya? Para ko na rin ipinagkanulo ang sarili ko sa isang taong hindi ko bet! Lalong-lalo pang 'to mismo. Nagpatuloy na ako sa paglalakad. Mula nang talikuran ko ito nang walang pasabi. Kaya ko naman maghanap ng pasalubong ko para kay Danna, kung wala man tulad ng hilig nito maghahanap ako ng ibang in naman sa panlasa nito. Inis akong naglakad palayo sa s

