MARIZ "SIGURO ka na ba talaga sa plano mo? Hindi ka na ba talaga mapipigilan pa?" tanong sa akin ni Cedric. Katatapos lang namin mamili nang ilang pasalubong ko para sa mga ka-trabaho, kay Danna para kay mama at tita. Dumaan lang kami sa isang kainan dito malapit din sa kung saan kami namili ng natagpuan kong kaibigan sa katauhan ni Cedric. "Sabi mo magkikita pa naman tayo hindi ba? Malapit lang ang lugar ko sa akin, Cedric. Huwag ka matakot na hindi mo makita ang magandang 'to," tumawa ako nang sabihin ko 'to kay Cedric. "Basta ba hindi ma magbabago. Dapat ikaw pa rin yong Mariz na nakilala ko dito sa isla pagbalik natin ng Manila ha," sabi nito sa akin. Napangiti ako dito. "Alam mo bang ikaw lang ang isa sa mga lalaking naging kaibigan ko? Asahan mong hindi ako magbabago sa 'yo,

