CEDRIC "MUKHANG MARAMI na 'yang pinamili mo ah," ani ko kay Mariz. Kanina pa kami nag-iikot pagkatapos namin kumain. Niyaya agad ako nitong mamasyal sa station one para daw mamili ng ilang ipapasalubong niya sa kaanak niya. Hindi naman ako nag-atubiling samahan siya at libre naman ako ngayon, bukod doon gusto ko talagang palagi siyang kasama. Masaya kasing kasama si Mariz, kahit tahimik lang siyang tao. Iwan ko nga ba, basta komportable ako sa kaniya at iyon din naman ang gusto kong mangyari ang maging komportable ito sa akin. Kahit sandali pa lang naman kaming magkasama, ramdam ko ng mabuti itong tao. "Oo. Ayaw ko kasing may nakakalimutan," tugon sa akin ni Mariz. "Gusto ko rin ibili ang mga co-teachers ko, alam kong matutuwa sila na may pasalubong sila mula sa akin," anito sa a

