ANTON NANDITO na ako sa kung saang hotel tumutuloy si Mariz. Tulad nga ng sabi ko sasadyain ko talaga ang pagpunta sa kaniya at hindi pweding palagpasin pa, kailangan kong mag-sorry bago mahuli ang lahat at tuluyan siyang mawala sa akin. Bakit ko nga ba naiisip 'to? Praning na yata ako. Lately! I can't help thinking about Mariz. There is something about her na nagpapaalala sa akin sa isang nakaraan na hindi ko matagpuan kung ano nga ba ito. Parang may kulang sa pagkatao kong si Mariz ang pumupuno nito. Gusto ko man alamin ito hindi ko lang kung saan magsisimula, kahit ako sa sarili ko nahihirapan ako. Dahil kahit mismo nakaraan ko hindi ko alam kung ano ba talaga ang pinagmulan. Basta na lamang ako nagising na wala nang kahit na anong matandaan. Sa restaurant ng hotel ko balak dumire

