MARIZ "ANG ganda naman, ang galing nilang kumanta," puri ko kay Cedric para sa unang nag-perform ng gabing 'yon. Magaganda ang boses ng mga ito, lalo na ang blending kung pakikinggan mo lang gaano. If you love naturally love songs, ma-fe-feel mo na may talento ang bandang nasa harap namin ngayon. "Ya. I agree," sambit naman sa akin ni Cedric. Kahit ito pala mismo nagandahan din sa performance nila, tama lang din pala ang pagsama ko kay Cedric dito, kahit papano naaliw ako at nagbigay din naman ito ng saya sa gabi ko. "Okay ka lang ba? Okay ka naman? Hindi ka naman malungkot na 'no?" untag sa akin ni Cedric--- nakangiti akong tumango-tango sa kaniya. Noong nasa Manila pa ako, madalas din akong sumasama sa mga kaibigan ko sa mga lugar na tulad ng ganito. Same us tonight, hindi naman

